Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans

Nummer der Seite:close

external-link copy
58 : 7

وَٱلۡبَلَدُ ٱلطَّيِّبُ يَخۡرُجُ نَبَاتُهُۥ بِإِذۡنِ رَبِّهِۦۖ وَٱلَّذِي خَبُثَ لَا يَخۡرُجُ إِلَّا نَكِدٗاۚ كَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَشۡكُرُونَ

Ang bayang kaaya-aya ay nagpapalabas ng tanim nito ayon sa pahintulot ni Allāh ayon sa isang pagpapalabas na maganda at lubos. Gayon din ang mananampalataya, nakaririnig siya ng pangaral kaya nakikinabang siya rito saka nagdudulot ito ng gawang maayos. Ang lupang babad sa maalat na tubig ay hindi nagpapalabas ng tanim nito malibang may kahirapan, na walang kabutihan dito. Gayon din ang tagatangging sumampalataya, hindi siya nakikinabang sa mga pangaral kaya hindi nagdudulot sa kanya ng gawang maayos na pinakikinabangan niya. Tulad ng pagsasarisaring kahanga-hangang ito, nagsarisari si Allāh ng mga patotoo at mga katwiran para sa pagpapatibay sa katotohanan para sa mga taong nagpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh kaya hindi sila nagkakaila ng mga ito at tumatalima sila sa Panginoon nila. info
التفاسير:

external-link copy
59 : 7

لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ

Talaga ngang nagpadala si Allāh kay Noe bilang sugo sa mga kababayan nito, na nag-aanyaya sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya, saka nagsabi siya sa kanila: "O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh lamang sapagkat walang ukol sa inyo na isang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo, O mga kalipi, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan, habang nasa kalagayan ng pagpupumilit ninyo sa kawalang-pananampalataya." info
التفاسير:

external-link copy
60 : 7

قَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِهِۦٓ إِنَّا لَنَرَىٰكَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ

Nagsabi sa kanya ang mga ginoo ng mga kalipi niya at mga malaking tao nila: "Tunay na kami ay talagang nakakikita sa iyo, O Noe, sa isang maliwanag na kalayuan sa tama." info
التفاسير:

external-link copy
61 : 7

قَالَ يَٰقَوۡمِ لَيۡسَ بِي ضَلَٰلَةٞ وَلَٰكِنِّي رَسُولٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Nagsabi si Noe sa mga malaking tao ng mga kalipi niya: "Ako ay hindi naliligaw gaya ng inakala ninyo. Ako lamang ay nasa isang patnubay mula sa Panginoon ko sapagkat ako ay isang sugo sa inyo mula kay Allāh, ang Panginoon ko, ang Panginoon ninyo, at ang Panginoon ng mga nilalang sa kabuuan nila. info
التفاسير:

external-link copy
62 : 7

أُبَلِّغُكُمۡ رِسَٰلَٰتِ رَبِّي وَأَنصَحُ لَكُمۡ وَأَعۡلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinasugo sa akin ni Allāh sa inyo mula sa ikinasi Niya sa akin. Nagnanais ako para sa inyo ng kabutihan sa pamamagitan ng pagpapaibig sa inyo sa pagsunod sa utos ni Allāh at anumang ibinubunga nito na gantimpala, at pagpapangilabot sa inyo laban sa paggawa ng mga sinasaway Niya at anumang ibinubunga nito na parusa. Nakaaalam ako mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng hindi ninyo nalalaman mula sa itinuro Niya sa akin sa paraan ng pagkakasi. info
التفاسير:

external-link copy
63 : 7

أَوَعَجِبۡتُمۡ أَن جَآءَكُمۡ ذِكۡرٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَلَىٰ رَجُلٖ مِّنكُمۡ لِيُنذِرَكُمۡ وَلِتَتَّقُواْ وَلَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ

Napukaw ba ang pagkamangha ninyo at ang pagtataka ninyo na may dumating sa inyo na isang kasi at isang pangaral mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng dila ng isang lalaking kabilang sa inyo na nakikilala ninyo sapagkat lumaki siya sa inyo at hindi siya naging isang palasinungaling ni ligaw ni kabilang sa ibang lahi? Dumating siya sa inyo upang magpangamba sa inyo sa parusa ni Allāh kung nagpasinungaling kayo at sumuway kayo, at upang mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, sa pag-asang kaawaan kayo kung sumampalataya kayo sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
64 : 7

فَكَذَّبُوهُ فَأَنجَيۡنَٰهُ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥ فِي ٱلۡفُلۡكِ وَأَغۡرَقۡنَا ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمًا عَمِينَ

Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya at hindi sumampalataya sa kanya, bagkus nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila, kaya dumalangin siya laban sa kanila na magpahamak sa kanila si Allāh. Pinaligtas siya ni Allāh at pinaligtas Niya sa pagkalunod ang mga kasama sa kanya sa daong kabilang sa mga mananampalataya. Nagpahamak naman si Allāh sa mga nagpasinungaling sa mga tanda Niya at nagpatuloy sa pagpapasinungaling nila sa pamamagitan ng pagkalunod at pagkagunaw na pinababa bilang parusa sa kanila. Tunay na ang mga puso nila noon ay mga bulag sa katotohanan. info
التفاسير:

external-link copy
65 : 7

۞ وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمۡ هُودٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ

Nagsugo si Allāh sa liping `Ād ng isang sugong kabilang sa kanila. Siya ay si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsabi ito: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh lamang sapagkat walang ukol sa inyo na isang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya upang maligtas kayo sa parusa Niya?" info
التفاسير:

external-link copy
66 : 7

قَالَ ٱلۡمَلَأُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦٓ إِنَّا لَنَرَىٰكَ فِي سَفَاهَةٖ وَإِنَّا لَنَظُنُّكَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ

Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pinapanginoon kabilang sa mga kalipi niya na mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo Niya: "Tunay na kami ay talagang nakaaalam na ikaw, O Hūd, ay nasa isang kahinaan ng isip at isang katunggakan nang nag-aanyaya ka sa amin sa pagsamba kay Allāh lamang at sa pag-iwan sa pagsamba sa mga anito. Tunay na kami ay talagang naniniwala nang kumbinsido na ikaw ay kabilang sa mga sinungaling kaugnay sa inaangkin mo na ikaw ay isang isinugo." info
التفاسير:

external-link copy
67 : 7

قَالَ يَٰقَوۡمِ لَيۡسَ بِي سَفَاهَةٞ وَلَٰكِنِّي رَسُولٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Nagsabi si Hūd bilang pagtugon sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, walang isang kahinaan ng isip at isang katunggakan sa akin, bagkus ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang." info
التفاسير:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• الأرض الطيبة مثال للقلوب الطيبة حين ينزل عليها الوحي الذي هو مادة الحياة، وكما أن الغيث مادة الحياة، فإن القلوب الطيبة حين يجيئها الوحي، تقبله وتعلمه وتنبت بحسب طيب أصلها، وحسن عنصرها، والعكس.
Ang lupang kaaya-aya ay isang paghahalintulad para sa mga pusong kaaya-aya kapag bumababa sa mga ito ang kasi na siyang sangkap ng buhay kung paanong ang ulan ay sangkap ng buhay sapagkat tunay na ang mga pusong kaaya-aya kapag dinadatnan ng kasi ay tumatanggap nito, nakaaalam nito, at tumutubo alinsunod sa pagkakaaya-aya ng pinag-ugatan nito at kagandahan ng elemento nito, at ang kabaliktaran ay gayon din. info

• الأنبياء والمرسلون يشفقون على الخلق أعظم من شفقة آبائهم وأمهاتهم.
Ang mga propeta at ang mga isinugo ay nalulunos sa nilikha nang higit na masidhi kaysa sa pagkalunos ng mga ama nila at mga ina nila. info

• من سُنَّة الله إرسال كل رسول من قومه وبلسانهم؛ تأليفًا لقلوب الذين لم تفسد فطرتهم، وتيسيرًا على البشر.
Bahagi ng kalakaran ni Allāh ang pagsusugo ng isang sugong kabilang sa mga kalipi nito ayon sa wika nila bilang pagbubuklod para sa mga puso ng mga hindi nagulo ang kalikasan ng pagkalalang sa kanila at bilang pagpapadali sa sangkatauhan. info

• من أعظم السفهاء من قابل الحق بالرد والإنكار، وتكبر عن الانقياد للعلماء والنصحاء، وانقاد قلبه وقالبه لكل شيطان مريد.
Kabilang sa pinakamasidhi sa mga hunghang ay ang sinumang tumumbas sa katotohanan ng pagtanggi, pagmamasama, at pagkamapagmalaki sa pag-ayaw sa pagpapaakay sa mga maalam at mga tagapagpayo, ngunit nagpaakay ang puso niya at ang katawan niya sa bawat demonyong mapaghimagsik. info