Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans

Nummer der Seite:close

external-link copy
31 : 7

۞ يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ خُذُواْ زِينَتَكُمۡ عِندَ كُلِّ مَسۡجِدٖ وَكُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ وَلَا تُسۡرِفُوٓاْۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُسۡرِفِينَ

O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng anumang nagtatakip sa mga kahubaran ninyo at ipinapampaganda ninyo na kasuutan na malinis at dalisay sa sandali ng ṣalāh at ṭawāf. Kumain kayo at uminom kayo ng anumang niloob ninyo kabilang sa mga kaaya-aya na ipinahintulot sa inyo ni Allāh ngunit huwag kayong lumampas sa hangganan ng pagkakatamtaman kaugnay doon at huwag kayong lumampas sa ipinahihintulot patungo sa ipinagbabawal. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan ng pagkakatamtaman. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 7

قُلۡ مَنۡ حَرَّمَ زِينَةَ ٱللَّهِ ٱلَّتِيٓ أَخۡرَجَ لِعِبَادِهِۦ وَٱلطَّيِّبَٰتِ مِنَ ٱلرِّزۡقِۚ قُلۡ هِيَ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا خَالِصَةٗ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ

Sabihin mo, O Sugo, bilang tugon sa mga tagapagtambal na nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh na kasuutan at mga kaaya-aya kabilang sa mga pagkain at iba pa: "Sino ang nagbawal sa inyo ng kasuutan na gayak para sa inyo? Sino ang nagbawal sa inyo ng mga kaaya-aya kabilang sa mga pagkain, mga inumin, at iba pa sa mga ito mula sa itinustos sa inyo ni Allāh?" Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang mga kaaya-ayang iyon ay para sa mga mananampalataya [habang] nasa buhay na pangmundo." Kung nakilahok man sa kanila ang iba pa sa kanila sa Mundo, iyon ay laan naman sa kanila sa Araw ng Pagbangon. Hindi makikilahok sa kanila roon ang isang tagatangging sumampalataya dahil ang Paraiso ay ipinagbabawal sa mga tagatangging sumampalataya. Tulad ng pagdedetalyeng ito, nagdedetalye Kami ng mga tanda para sa mga taong nakatatalos dahil sila ang mga makikinabang sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
33 : 7

قُلۡ إِنَّمَا حَرَّمَ رَبِّيَ ٱلۡفَوَٰحِشَ مَا ظَهَرَ مِنۡهَا وَمَا بَطَنَ وَٱلۡإِثۡمَ وَٱلۡبَغۡيَ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَأَن تُشۡرِكُواْ بِٱللَّهِ مَا لَمۡ يُنَزِّلۡ بِهِۦ سُلۡطَٰنٗا وَأَن تَقُولُواْ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na mga nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh: "Tunay na si Allāh ay nagbawal lamang sa mga lingkod Niya ng mga malaswa – ang mga pangit sa mga pagkakasala – na nakalantad man o nakakubli; nagbawal lamang sa mga pagsuway sa kabuuan ng mga ito at sa paglabag dala ng kawalang-katarungan sa mga tao sa mga buhay nila, mga ari-arian nila, at mga dangal nila; nagbawal lamang sa inyo na magtambal kayo kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya nang wala naman kayong katwiran doon; at nagbawal lamang sa inyo ng pagsasabi hinggil sa Kanya nang walang kaalaman kaugnay sa mga pangalan Niya, mga katangian Niya, mga gawain Niya, at batas Niya." info
التفاسير:

external-link copy
34 : 7

وَلِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٞۖ فَإِذَا جَآءَ أَجَلُهُمۡ لَا يَسۡتَأۡخِرُونَ سَاعَةٗ وَلَا يَسۡتَقۡدِمُونَ

Para sa bawat salinlahi at siglo ay may yugto at tipanang naglilimita sa mga taning nila. Kaya kapag dumating ang tipanan nilang itinakda ay hindi sila maaantala roon sa isang panahon kahit kaunti man at hindi sila makapagpapauna roon. info
التفاسير:

external-link copy
35 : 7

يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ إِمَّا يَأۡتِيَنَّكُمۡ رُسُلٞ مِّنكُمۡ يَقُصُّونَ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِي فَمَنِ ٱتَّقَىٰ وَأَصۡلَحَ فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

O mga anak ni Adan, kapag may dumating sa inyo na mga sugo mula sa Akin kabilang sa mga tao ninyo, na bumibigkas sa inyo ng pinababa Ko sa kanila na mga kasulatan Ko, tumalima kayo sa kanila at sumunod kayo sa inihatid nila sapagkat ang mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at nagsasaayos ng mga gawain nila ay walang pangamba sa kanila sa Araw ng Pagbangon ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila na mga bahagi sa Mundo. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 7

وَٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَٱسۡتَكۡبَرُواْ عَنۡهَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

Tungkol sa mga tagatangging sumampalataya na mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin, hindi sumampalataya sa mga ito, at nagmataas dala ng pagkamapagmalaki sa pag-ayaw sa paggawa sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila, tunay na sila ay ang mga maninirahan sa Apoy, ang mga mamamalagi roon, ang mga mananatili roon magpakailanman. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 7

فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِهِۦٓۚ أُوْلَٰٓئِكَ يَنَالُهُمۡ نَصِيبُهُم مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُنَا يَتَوَفَّوۡنَهُمۡ قَالُوٓاْ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ قَالُواْ ضَلُّواْ عَنَّا وَشَهِدُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ أَنَّهُمۡ كَانُواْ كَٰفِرِينَ

Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal sa Kanya o ng kakulangan o ng pagsabi laban sa Kanya ng hindi naman Niya sinabi, o nagpasinungaling sa mga tanda Niyang hayag na nagpapatnubay tungo sa landasin Niyang tuwid. Ang mga nailalarawang iyon sa pamamagitan niyon ay aabot sa kanila ang bahagi nilang naitakda para sa kanila sa Tablerong Pinag-iingatan, na kabutihan o kasamaan,. Hanggang sa kapag dumating sa kanila ang anghel ng kamatayan at ang mga tagatulong nito na mga anghel para kunin ang mga kaluluwa nila, magsasabi ang mga ito sa kanila bilang paninisi sa kanila: "Nasaan ang mga diyos na dati ninyong sinasamba bukod pa kay Allāh? Dumalangin kayo sa mga iyon upang magpakinabang ang mga iyon sa inyo!" Magsasabi ang mga tagapagtambal sa mga anghel: "Talaga ngang umalis palayo sa amin ang mga diyos na dati naming sinasamba at naglaho sila kaya hindi namin nalalaman kung nasaan sila." Kumilala sila laban sa mga sarili nila na sila noon ay mga tagatangging sumampalataya subalit ang pagkilala nila sa sandaling iyon ay isang katwiran laban sa kanila at hindi magpapakinabang sa kanila.
info
التفاسير:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• المؤمن مأمور بتعظيم شعائر الله من خلال ستر العورة والتجمل في أثناء صلاته وخاصة عند التوجه للمسجد.
Ang mga mananampalataya ay inuutusang dumakila sa mga sagisag ni Allāh sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga kahubaran at ng pagpapaganda sa sandali ng pagdarasal at lalo na sa oras ng pagsasadya sa masjid. info

• من فسر القرآن بغير علم أو أفتى بغير علم أو حكم بغير علم فقد قال على الله بغير علم وهذا من أعظم المحرمات.
Ang sinumang nagpakahulugan sa Qur'ān nang walang kaalaman o nagbigay ng opinyong panrelihiyon nang walang kaalaman o humatol nang walang kaalaman ay nagsabi nga hinggil kay Allāh nang walang kaalaman. Ito ay kabilang sa pinakamabigat sa mga ipinagbabawal. info

• في الآيات دليل على أن المؤمنين يوم القيامة لا يخافون ولا يحزنون، ولا يلحقهم رعب ولا فزع، وإذا لحقهم فمآلهم الأمن.
Sa mga talatang ito ng Qur'ān ay may patunay na ang mga mananampalataya sa Araw ng Pagbangon ay hindi mangangamba ni malulungkot ni dadapuan sila ng sindak ni hilakbot; at kapag dumapo man ito sa kanila, ang kauuwian nila ay ang katiwasayan. info

• أظلم الناس من عطَّل مراد الله تعالى من جهتين: جهة إبطال ما يدل على مراده، وجهة إيهام الناس بأن الله أراد منهم ما لا يريده الله.
Ang pinakatagalabag sa katarungan sa mga tao ay ang sinumang nagpawalang-kahulugan sa ninanais ipakahulugan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ayon sa dalawang aspeto: aspeto ng pagpapabula sa ipinahihiwatig ng ninanais ipakahulugan ni Allāh at aspeto ng pagpapaakala sa mga tao na si Allāh ay nagnais mula sa kanila ng hindi naman ninanais ni Allāh. info