Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans

Nummer der Seite:close

external-link copy
38 : 7

قَالَ ٱدۡخُلُواْ فِيٓ أُمَمٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِكُم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ فِي ٱلنَّارِۖ كُلَّمَا دَخَلَتۡ أُمَّةٞ لَّعَنَتۡ أُخۡتَهَاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا ٱدَّارَكُواْ فِيهَا جَمِيعٗا قَالَتۡ أُخۡرَىٰهُمۡ لِأُولَىٰهُمۡ رَبَّنَا هَٰٓؤُلَآءِ أَضَلُّونَا فَـَٔاتِهِمۡ عَذَابٗا ضِعۡفٗا مِّنَ ٱلنَّارِۖ قَالَ لِكُلّٖ ضِعۡفٞ وَلَٰكِن لَّا تَعۡلَمُونَ

Magsasabi sa kanila ang mga anghel: "Magsipasok kayo, O mga tagapagtambal, sa Apoy kasama sa kabuuan ng mga kalipunang nagdaan na, bago pa ninyo, sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw kabilang sa jinn at tao sa Apoy. Sa tuwing pumapasok ang isang kalipunan kabilang sa mga kalipunan ay isinusumpa nito ang [kalipunang] huwaran nito na nauna rito sa Impiyerno. Hanggang sa nang nagsunuran sila roon at nagkatipon sila sa kabuuan nila ay magsasabi ang huli sa kanila sa pagpasok, ang mga mababa at ang mga tagasunod, sa una sa kanila, ang mga malaki at ang mga pinapanginoon: "O Panginoon Namin, ang mga malaking ito ay ang mga nagligaw sa amin palayo sa daan ng kapatnubayan kaya magparusa Ka sa kanila ng isang ibayong parusa dahil sa pang-aakit nila sa pagkaligaw para sa amin." Magsasabi si Allāh bilang tugon sa kanila: "Ukol sa bawat pangkatin kabilang sa inyo ay ibayong bahagi ng pagdurusa, subalit kayo ay hindi nakaaalam niyon ni nakatatalos niyon." info
التفاسير:

external-link copy
39 : 7

وَقَالَتۡ أُولَىٰهُمۡ لِأُخۡرَىٰهُمۡ فَمَا كَانَ لَكُمۡ عَلَيۡنَا مِن فَضۡلٖ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡسِبُونَ

Magsasabi ang mga pinapanginoong sinusunod sa mga tagasunod nila: "Hindi kayo nagkaroon, O mga tagasunod, higit sa amin ng anumang kalamangang nagiging karapat-dapat kayo dahil dito sa pagpapagaan ng pagdurusa sa inyo sapagkat ang isinasaalang-alang ay ayon sa nakamit ninyo na mga gawa. Walang maidadahilan para sa inyo sa pagsunod sa kabulaanan, kaya lasapin ninyo, O mga tagasunod, ang pagdurusa, tulad ng nilasap namin, dahilan sa dati ninyong nakakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway." info
التفاسير:

external-link copy
40 : 7

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَٱسۡتَكۡبَرُواْ عَنۡهَا لَا تُفَتَّحُ لَهُمۡ أَبۡوَٰبُ ٱلسَّمَآءِ وَلَا يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ حَتَّىٰ يَلِجَ ٱلۡجَمَلُ فِي سَمِّ ٱلۡخِيَاطِۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُجۡرِمِينَ

Tunay na ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Naming maliwanag at nagpakamapagmalaki sa pag-ayaw sa pagpapaakay at pagpapahinuhod sa mga ito ay mga nawawalan ng pag-asa sa bawat kabutihan sapagkat hindi bubuksan ang mga pinto ng langit para sa mga gawa nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila ni para sa mga kaluluwa nila kapag namatay sila. Hindi sila papasok sa Paraiso magpakailanman hanggang sa pumasok ang kamelyo – na kabilang sa pinakamalaki sa mga hayop – sa butas ng karayom – na kabilang sa pinakamasikip sa mga bagay. Ito ay kabilang sa imposible kaya ang nakaugnay rito, ang pagpasok nila sa Paraiso, ay imposible. Tulad ng ganting ito gaganti si Allāh sa sinumang bumigat ang mga pagkakasala niya. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 7

لَهُم مِّن جَهَنَّمَ مِهَادٞ وَمِن فَوۡقِهِمۡ غَوَاشٖۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلظَّٰلِمِينَ

Para sa mga tagapagpasinungaling na mapagmalaking ito mula sa Impiyerno ay higaang hihigaan nila at para sa kanila mula sa ibabaw nila ay mga panakip yari sa apoy. Tulad ng ganting ito gaganti si Allāh sa mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at pag-ayaw nila sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
42 : 7

وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَا نُكَلِّفُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

Ang mga sumampalataya sa Panginoon nila at gumawa ng mga gawang maayos na nakakaya nila – hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa ng higit sa nakakaya nito – ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso; papasok sila roon bilang mga mamalagi roon magpakailanman. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 7

وَنَزَعۡنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنۡ غِلّٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي هَدَىٰنَا لِهَٰذَا وَمَا كُنَّا لِنَهۡتَدِيَ لَوۡلَآ أَنۡ هَدَىٰنَا ٱللَّهُۖ لَقَدۡ جَآءَتۡ رُسُلُ رَبِّنَا بِٱلۡحَقِّۖ وَنُودُوٓاْ أَن تِلۡكُمُ ٱلۡجَنَّةُ أُورِثۡتُمُوهَا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Bahagi ng kalubusan ng kaginhawahan nila sa Paraiso ay na magtatanggal si Allāh ng anumang nasa mga puso nila na pagkamuhi at ngitngit, at magpapadaloy Siya ng mga ilog mula sa ilalim nila. Magsasabi sila habang mga umaamin kay Allāh ng pagbibiyaya Niya sa kanila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtuon sa amin para sa gawang maayos na ito, na nagpakamit sa amin ng kalagayang ito. Hindi sana kami naging ukol maituon doon mula sa pagkukusa ng mga sarili namin kung sakaling hindi dahil si Allāh ay nagtuon sa amin doon. Talaga ngang naghatid ang mga sugo ng Panginoon namin ng katotohanang walang pag-aalangan hinggil doon at ng katapatan sa pangako at banta." May mananawagan sa kanila na isang tagapanawagan: "Ito ay ang Paraiso na ipinabatid sa inyo ng mga sugo Ko sa Mundo. Ipinasunod kayo ni Allāh doon dahil sa dati ninyong ginagawa na mga gawang maayos na nagnanais kayo dahil sa mga ito [ng ikalulugod] ng mukha ni Allāh." info
التفاسير:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• المودة التي كانت بين المكذبين في الدنيا تنقلب يوم القيامة عداوة وملاعنة.
Ang pagmamahalang nasa pagitan ng mga tagapasinungaling sa Mundo ay mapapalitan sa Araw ng Pagbangon ng pagkamuhi at pagpapalitan ng sumpa. info

• أرواح المؤمنين تفتح لها أبواب السماء حتى تَعْرُج إلى الله، وتبتهج بالقرب من ربها والحظوة برضوانه.
Ang mga kaluluwa ng mga mananampalataya ay pagbubuksan ng mga pinto ng langit hanggang sa makapanik ang mga ito kay Allāh at magalak sa pagkalapit sa Panginoon ng mga ito at sa pagkakatamo ng kaluguran Niya. info

• أرواح المكذبين المعرضين لا تفتح لها أبواب السماء، وإذا ماتوا وصعدت فهي تستأذن فلا يؤذن لها، فهي كما لم تصعد في الدنيا بالإيمان بالله ومعرفته ومحبته، فكذلك لا تصعد بعد الموت، فإن الجزاء من جنس العمل.
Ang mga kaluluwa ng mga tagapasinungaling na umaayaw ay hindi pagbubuksan ng mga pinto ng langit kapag namatay sila at umangat. Ang mga ito ay magpapaalam ngunit hindi magpapahintulot sa mga ito sapagkat ang mga ito, kung paanong hindi umaangat sa Mundo sa pananampalataya kay Allāh, pagkakilala sa Kanya, at pag-ibig sa Kanya, gayon din naman hindi aangat ang mga ito matapos ng kamatayan sapagkat tunay na ang ganti ay kauri ng ginawa. info

• أهل الجنة نجوا من النار بعفو الله، وأدخلوا الجنة برحمة الله، واقتسموا المنازل وورثوها بالأعمال الصالحة وهي من رحمته، بل من أعلى أنواع رحمته.
Ang mga maninirahan sa Paraiso ay maliligtas sa Apoy dahil sa paumanhin ni Allāh at ipapasok sa Paraiso dahil sa awa ni Allāh. Maghahati-hati sila sa mga antas at magmamana ng mga ito dahil sa mga gawang matuwid. Ito ay bahagi ng awa Niya, bagkus kabilang sa pinakamataas sa mga uri ng awa Niya. info