Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans

Nummer der Seite:close

external-link copy
44 : 7

وَنَادَىٰٓ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ أَن قَدۡ وَجَدۡنَا مَا وَعَدَنَا رَبُّنَا حَقّٗا فَهَلۡ وَجَدتُّم مَّا وَعَدَ رَبُّكُمۡ حَقّٗاۖ قَالُواْ نَعَمۡۚ فَأَذَّنَ مُؤَذِّنُۢ بَيۡنَهُمۡ أَن لَّعۡنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلظَّٰلِمِينَ

Mananawagan ang mga maninirahan sa Paraiso, na mga mamamalagi roon, sa mga maninirahan sa Apoy, na mga mamamalagi roon, matapos ng pagpasok ng bawat isa sa dalawang pangkat sa tahanan nitong inihanda para rito: "Tunay na kami ay nakipagharap nga sa ipinangako sa amin ng Panginoon namin na Paraiso, na nagaganap na naisasakatuparan, saka nagpapasok Siya sa amin dito. Kaya nakipagharap ba kayo, O mga tagatangging sumampalataya, sa ibinanta sa inyo ng Panginoon ninyo na Impiyerno, na nagaganap na naisasakatuparan?" Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Talaga ngang nakatagpo Kami sa ibinanta Niya sa amin na Impiyerno bilang totoo." Kaya may mananawagan na isang tagapanawagang dumadalangin kay Allāh na itaboy ang mga tagalabag sa katarungan mula sa awa Niya sapagkat nagbukas na Siya para sa kanila ng mga pinto ng awa ngunit umayaw pa sila sa mga ito sa buhay na pangmundo. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 7

ٱلَّذِينَ يَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَيَبۡغُونَهَا عِوَجٗا وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ كَٰفِرُونَ

Itong mga tagalabag sa katarungan ay ang dating mga umaayaw sa landas ni Allāh sa mga sarili nila, nag-uudyok sa iba pa sa kanila sa pag-ayaw roon, at umaasa na ang landas ng katotohanan ay maging baluktot upang hindi tumahak dito ang mga tao samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya na mga hindi nakahanda para roon. info
التفاسير:

external-link copy
46 : 7

وَبَيۡنَهُمَا حِجَابٞۚ وَعَلَى ٱلۡأَعۡرَافِ رِجَالٞ يَعۡرِفُونَ كُلَّۢا بِسِيمَىٰهُمۡۚ وَنَادَوۡاْ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ أَن سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡۚ لَمۡ يَدۡخُلُوهَا وَهُمۡ يَطۡمَعُونَ

Sa pagitan ng dalawang pangkat na ito na mga maninirahan sa Paraiso at mga maninirahan sa Impiyerno ay may isang harang na mataas na tinatawag bilang mga tuktok. Sa ibabaw ng harang na mataas na ito ay may mga lalaking nagkapantay ang mga magandang gawa nila at ang mga masagwang gawa nila. Sila ay nakakikilala sa mga maninirahan sa Paraiso ayon sa mga palatandaan ng mga iyon gaya ng kaputian ng mga mukha at sa mga maninirahan sa Impiyerno ayon sa mga palatandaan ng mga iyon gaya ng kaitiman ng mga mukha. Mananawagan ang mga lalaking ito sa mga maninirahan sa Paraiso bilang pagpaparangal sa mga iyon, habang mga nagsasabi: "Kapayapaan ay sumainyo." Ang mga tao ng mga tuktok ay hindi pa pumasok sa Paraiso at sila ay umaasa ng pagpasok doon dahil sa awa mula kay Allāh.
info
التفاسير:

external-link copy
47 : 7

۞ وَإِذَا صُرِفَتۡ أَبۡصَٰرُهُمۡ تِلۡقَآءَ أَصۡحَٰبِ ٱلنَّارِ قَالُواْ رَبَّنَا لَا تَجۡعَلۡنَا مَعَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ

Kapag inilipat ang mga paningin ng mga nananatili sa mga tuktok tungo sa mga maninirahan sa Impiyerno at nakasaksi sila sa dinaranas ng mga ito na matinding pagdurusa ay magsasabi sila habang mga dumadalangin kay Allāh: "O Panginoon Namin, huwag Mo kaming gawing kasama sa mga taong tagalabag sa katarungan dahil kawalang-pananampalataya at pagtatambal sa Iyo." info
التفاسير:

external-link copy
48 : 7

وَنَادَىٰٓ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَعۡرَافِ رِجَالٗا يَعۡرِفُونَهُم بِسِيمَىٰهُمۡ قَالُواْ مَآ أَغۡنَىٰ عَنكُمۡ جَمۡعُكُمۡ وَمَا كُنتُمۡ تَسۡتَكۡبِرُونَ

Mananawagan ang mga nananatili sa mga tuktok sa mga taong kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na nakikilala nila ayon sa mga palatandaan ng mga ito gaya ng kaitiman ng mga mukha ng mga ito at kabughawan ng mga mata ng mga ito habang mga nagsasabi sa mga ito: "Hindi nagpakinabang sa inyo ang pagpapakarami ninyo sa yaman at mga tauhan at hindi nagpakinabang sa inyo ang pag-ayaw ninyo sa katotohanan dala ng pagkamapagmalaki at pagmamataas." info
التفاسير:

external-link copy
49 : 7

أَهَٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ أَقۡسَمۡتُمۡ لَا يَنَالُهُمُ ٱللَّهُ بِرَحۡمَةٍۚ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡكُمۡ وَلَآ أَنتُمۡ تَحۡزَنُونَ

Magsasabi si Allāh habang naninisi sa mga tagatangging sumampalataya: "Ang mga ito ba ang mga sumumpa kayong hindi magpapakamit sa kanila si Allāh ng awa mula sa ganang Kanya?" Magsasabi si Allāh sa mga mananampalataya: "Magsipasok kayo, O mga mananampalataya, sa Paraiso; walang pangamba sa inyo sa hinaharap ninyo ni kayo ay malulungkot sa anumang nakaalpas sa inyo mula sa mga bahagi sa mundo dahil sa kahaharapin ninyong kaginhawahang mamamalagi." info
التفاسير:

external-link copy
50 : 7

وَنَادَىٰٓ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ أَنۡ أَفِيضُواْ عَلَيۡنَا مِنَ ٱلۡمَآءِ أَوۡ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُۚ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ حَرَّمَهُمَا عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ

Mananawagan ang mga naninirahan sa Apoy sa mga naninirahan sa Paraiso, na mga humihiling sa mga ito habang mga nagsasabi: "Magpalawak kayo sa pagbuhos ng tubig sa amin, O mga naninirahan sa Paraiso, o anumang itinustos sa inyo ni Allāh na pagkain." Magsasabi ang mga naninirahan sa Paraiso: "Tunay na si Allāh ay nagbawal ng dalawang ito sa mga tagatangging sumampalataya dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at tunay na kami ay hindi magsasaklolo sa inyo ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo." info
التفاسير:

external-link copy
51 : 7

ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ دِينَهُمۡ لَهۡوٗا وَلَعِبٗا وَغَرَّتۡهُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَاۚ فَٱلۡيَوۡمَ نَنسَىٰهُمۡ كَمَا نَسُواْ لِقَآءَ يَوۡمِهِمۡ هَٰذَا وَمَا كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ

Ang mga tagatangging sumampalatayang ito ay ang mga gumawa sa relihiyon nila bilang biro at walang-kapararakan. Dumaya sa kanila ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng mga gayak nito at pang-akit nito. Kaya sa Araw ng Pagbangon ay kakalimutan sila ni Allāh at iiwan Niya silang dumaranas ng pagdurusa gaya ng paglimot nila sa pakikipagkita sa Araw ng Pagbangon kaya naman hindi sila gumawa para rito at hindi sila naghanda, at dahil sa pagkakaila nila sa mga katwiran ni Allāh at mga patotoo Niya at pagmamasama nila sa mga ito sa kabila ng kaalaman nila na ang mga ito ay totoo. info
التفاسير:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• عدم الإيمان بالبعث سبب مباشر للإقبال على الشهوات.
Ang kawalan ng pananampalataya sa pagbubuhay [ng patay] ay isang direktang kadahilanan para sa pagkawili sa mga pagnanasa. info

• يتيقن الناس يوم القيامة تحقق وعد الله لأهل طاعته، وتحقق وعيده للكافرين.
Makatitiyak ang mga tao sa Araw ng Pagbangon sa pagsasakatuparan ng pangako ni Allāh para sa mga alagad ng pagtalima sa Kanya at pagsasakatuparan sa banta Niya sa mga tagatangging sumampalataya. info

• الناس يوم القيامة فريقان: فريق في الجنة وفريق في النار، وبينهما فريق في مكان وسط لتساوي حسناتهم وسيئاتهم، ومصيرهم إلى الجنة.
Ang mga tao sa Araw ng Pagbangon ay dalawang pangkat: isang pangkat sa Paraiso at isang pangkat sa Apoy, at sa pagitan ng dalawang ito ay may isang pangkat sa isang gitnang lugar dahil sa pagkakapantay ng mga magandang gawa nila at mga masagwang gawa nila, ngunit ang kahahantungan nila ay ang Paraiso. info

• على الذين يملكون المال والجاه وكثرة الأتباع أن يعلموا أن هذا كله لن يغني عنهم من الله شيئًا، ولن ينجيهم من عذاب الله.
Kailangan sa mga nagmamay-ari ng yaman, impluwensiya, at dami ng mga tagasunod, na malaman nila na ito sa kabuuan nito ay hindi makagagawa laban kay Allāh ng anuman at hindi makapagliligtas sa kanila laban sa parusa ni Allāh. info