قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
35 : 16

وَقَالَ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ لَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا عَبَدۡنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖ نَّحۡنُ وَلَآ ءَابَآؤُنَا وَلَا حَرَّمۡنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ فَهَلۡ عَلَى ٱلرُّسُلِ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ

Nagsabi ang mga nagtambal kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagsamba nila: "Kung sakaling niloob ni Allāh na sumamba kami sa Kanya lamang at hindi kami magtambal sa Kanya ay talaga sanang hindi kami sumamba sa isa mang iba pa sa Kanya, hindi kami at hindi ang mga ninuno namin bago pa namin. Kung sakaling niloob Niya na hindi kami magbawal ng anuman ay hindi kami nagbawal niyon." Katulad ng bulaang katwirang ito nagsabi ang mga naunang tagatangging sumampalataya. Kaya walang kailangan sa mga sugo kundi ang pagpapaabot na maliwanag ng ipinag-utos sa kanila na ipaabot, at naipaabot naman nila. Walang katwiran para sa mga tagatangging sumampalataya sa pagdadahilan sa pagtatakda matapos na gumawa si Allāh para sa kanila ng kalooban at pagpipili at nagpadala Siya sa kanila ng mga sugo Niya. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 16

وَلَقَدۡ بَعَثۡنَا فِي كُلِّ أُمَّةٖ رَّسُولًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱجۡتَنِبُواْ ٱلطَّٰغُوتَۖ فَمِنۡهُم مَّنۡ هَدَى ٱللَّهُ وَمِنۡهُم مَّنۡ حَقَّتۡ عَلَيۡهِ ٱلضَّلَٰلَةُۚ فَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ

Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat naunang kalipunan ng isang sugong nag-uutos sa kalipunan nito na sumamba kay Allāh lamang at tumigil sa pagsamba sa iba pa sa Kanya gaya ng mga anito, mga demonyo, at iba pa sa mga ito. Kaya kabilang sa kanila noon ang itinuon ni Allāh kaya sumampalataya sa Kanya at sumunod sa dinala ng Sugo Niya, at kabilang sa kanila noon ang tumangging sumampalataya kay Allāh at sumuway sa Sugo Niya kaya hindi Niya itinuon saka naging obligado roon ang kaligawan. Kaya maglakbay kayo sa lupa upang makita ninyo sa pamamagitan ng mga mata ninyo kung papaano naging ang kinahantungan ng mga tagapagpasinungaling matapos na may dumapo sa kanila na pagdurusa at kapahamakan. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 16

إِن تَحۡرِصۡ عَلَىٰ هُدَىٰهُمۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَن يُضِلُّۖ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ

Kung nagsisikap ka, O Sugo, ayon sa nakakaya mo na pag-anyaya mo sa mga ito, nagsisigagig ka sa kapatnubayan nila, at gumagawa ka ng mga kaparaanan niyon, tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon para sa kapatnubayan sa sinumang pinaliligaw Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa kay Allāh na isa mang mag-aadya sa kanila sa pamamagitan ng pagtutulak ng pagdurusa palayo sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
38 : 16

وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَا يَبۡعَثُ ٱللَّهُ مَن يَمُوتُۚ بَلَىٰ وَعۡدًا عَلَيۡهِ حَقّٗا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

Sumumpa ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagbubuhay, habang mga nagpapalabis sa pagsumpa nila na mga nagpupunyagi rito na mga nagbibigay-diin dito, na hindi bubuhay si Allāh ng sinumang mamamatay. [Sumusumpa sila] nang wala silang naging katwiran doon. Bagkus, bubuhay si Allāh sa bawat sinumang mamamatay, bilang pangako mula sa Kanya na totoo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam na si Allāh ay bubuhay sa mga patay kaya ikinakaila nila ang pagbubuhay. info
التفاسير:

external-link copy
39 : 16

لِيُبَيِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِي يَخۡتَلِفُونَ فِيهِ وَلِيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَنَّهُمۡ كَانُواْ كَٰذِبِينَ

Bubuhay sa kanila si Allāh sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon upang magpaliwanag Siya sa kanila ng katotohanan ng bagay na sila dati ay nagkakaiba-iba hinggil doon gaya ng paniniwala sa kaisahan Niya, pagbubuhay, at pagkapropeta, at upang makaalam ang mga tagatangging sumampalataya na sila noon ay mga sinungaling sa pag-aangkin nila ng mga katambal kasama kay Allāh at sa pagkakaila nila sa pagbubuhay. info
التفاسير:

external-link copy
40 : 16

إِنَّمَا قَوۡلُنَا لِشَيۡءٍ إِذَآ أَرَدۡنَٰهُ أَن نَّقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ

Tunay na Kami, kapag nagnais Kami ng pagbibigay-buhay sa mga patay at pagbubuhay sa kanila, ay walang hadlang na nakahahadlang sa Amin doon. Nagsasabi lamang Kami sa isang bagay kapag nagnais Kami nito na mangyari saka mangyayari ito nang walang pasubali. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 16

وَٱلَّذِينَ هَاجَرُواْ فِي ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا ظُلِمُواْ لَنُبَوِّئَنَّهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗۖ وَلَأَجۡرُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ

Ang mga nag-iwan sa mga tahanan nila, mga mag-anak nila, at mga yaman nila bilang mga lumilikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh noong matapos na nagparusa sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya at gumipit sa kanila ay talagang magpapatuloy nga Kami sa kanila sa Mundo sa isang tahanang sila roon ay magiging mga marangal. Talagang ang gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na dakila dahil bahagi nito ang Paraiso. Kung sakaling ang mga nagpapaiwan sa paglikas ay nakaaalam sa gantimpala ng mga lumikas, talaga sanang hindi sila nagpaiwan doon. info
التفاسير:

external-link copy
42 : 16

ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ

Ang mga lumikas na ito alang-alang sa landas ni Allāh ay ang mga nagtiis sa pananakit ng mga kababayan nila at sa pakikipaghiwalay sa mga mag-anak nila at mga bayan nila, at nagtiis sa pagtalima kay Allāh habang sila sa Panginoon nila lamang sumasandig sa mga nauukol sa kanila kaya nagbigay sa kanila si Allāh ng dakilang ganting ito. info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• العاقل من يعتبر ويتعظ بما حل بالضالين المكذبين كيف آل أمرهم إلى الدمار والخراب والعذاب والهلاك.
Ang nakauunawa ay ang sinumang nagsasaalang-alang at napangangaralan sa pamamagitan ng anumang dumapo sa mga ligaw na mga tagapagpasinungaling kung papaanong nauwi ang lagay nila sa pagkawasak, pagkasira, pagdurusa, at kapahamakan. info

• الحكمة من البعث والمعاد إظهار الله الحقَّ فيما يختلف فيه الناس من أمر البعث وكل شيء.
Ang kasanhian sa pagbubuhay at pagpanumbalik ay ang pagpapalitaw ni Allāh sa katotohanan kaugnay sa bagay na nagkakaiba-iba hinggil dito ang mga tao sa usapin ng pagbubuhay at bawat bagay. info

• فضيلة الصّبر والتّوكل: أما الصّبر: فلما فيه من قهر النّفس، وأما التّوكل: فلأن فيه الثقة بالله تعالى والتعلق به.
Ang kainaman ng pagtitiis at pananalig. Hinggil sa pagtitiis, dahil sa dulot nito na pagsupil sa sarili. Hinggil naman sa pananalig, dahil dito ang pagtitiwala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagkapit sa Kanya. info

• جزاء المهاجرين الذين تركوا ديارهم وأموالهم وصبروا على الأذى وتوكّلوا على ربّهم، هو الموطن الأفضل، والمنزلة الحسنة، والعيشة الرّضية، والرّزق الطّيّب الوفير، والنّصر على الأعداء، والسّيادة على البلاد والعباد.
Ang ganti sa mga lumikas na nag-iwan sa mga tahanan nila at mga yaman nila, nagtiis sa pananakit, at nanalig sa Panginoon nila ay ang pamayanang higit na mainam, ang kalagayang maganda, ang kabuhayang kalugud-lugod, ang kaaya-ayang panustos na masagana, ang pagwawagi sa mga kaaway, at ang kapamahalaan sa bayan at mga tao. info