قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
88 : 16

ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ زِدۡنَٰهُمۡ عَذَابٗا فَوۡقَ ٱلۡعَذَابِ بِمَا كَانُواْ يُفۡسِدُونَ

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at naglihis sa iba pa sa kanila palayo sa landas ni Allāh ay magdaragdag sa kanila ng isang pagdurusa – dahilan sa kaguluhan nila, panggugulo nila, at pagliligaw nila sa iba pa sa kanila – sa pagdurusang naging karapat-dapat sila dahil sa kawalang-pananampalataya nila. info
التفاسير:

external-link copy
89 : 16

وَيَوۡمَ نَبۡعَثُ فِي كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدًا عَلَيۡهِم مِّنۡ أَنفُسِهِمۡۖ وَجِئۡنَا بِكَ شَهِيدًا عَلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِۚ وَنَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ تِبۡيَٰنٗا لِّكُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُسۡلِمِينَ

Banggitin mo, O Sugo, ang araw na bubuhay Kami sa bawat kalipunan ng isang sugong sasaksi sa kanila hinggil sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya o pananampalataya. Ang sugong ito ay kabilang sa lahi nila at magsasalita sa wika nila. Naghatid Kami sa iyo, O Sugo, bilang saksi sa mga kalipunan sa kalahatan. Nagbaba Kami sa iyo ng Qur'ān upang maglinaw ka sa bawat nangangailangan ng paglilinaw gaya ng ipinahihintulot at ipinagbabawal, gantimpala at parusa, at iba pa roon. Nagbaba Kami nito bilang kapatnubayan para sa mga tao tungo sa katotohanan, bilang awa para sa sinumang sumampalataya rito at gumawa ayon sa nasaad dito, at bilang pagbabalita ng nakagagalak para sa mga mananampalataya kay Allāh hinggil sa hinihintay nila na kaginhawahang mananatili. info
التفاسير:

external-link copy
90 : 16

۞ إِنَّ ٱللَّهَ يَأۡمُرُ بِٱلۡعَدۡلِ وَٱلۡإِحۡسَٰنِ وَإِيتَآيِٕ ذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَيَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِ وَٱلۡبَغۡيِۚ يَعِظُكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ

Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa mga lingkod Niya ng katarungan sa pamamagitan ng pagganap ng tao sa mga karapatan ni Allāh at mga karapatan ng mga tao at hindi pagtangi sa isa higit sa isa pa sa paghahatol malibang ayon sa isang karapatang nag-oobliga ng pagtatanging iyon; nag-uutos ng paggawa ng maganda sa pamamagitan ng pagmamabuting-loob ng tao ng hindi kinakailangan sa kanya gaya ng paggugol sa iba nang kusang-loob at pagpapaumanhin sa tagalabag sa katarungan; at nag-uutos ng pagbibigay sa mga kamag-anakan ng kinakailangan nila; sumasaway sa bawat naging pangit sa pananalita gaya ng kahalayan ng pananalita at sa gawa gaya ng pangangalunya; sumasaway sa anumang minamasama ng Batas, na lahat ng mga pagsuway; at sumasaway sa kawalang-katarungan at pagpapakamalaki sa mga tao. Nangangaral sa inyo si Allāh ng ipinag-utos Niya sa inyo at sinaway Niya sa inyo sa talatang ito sa pag-asang magsaalang-alang kayo sa anumang ipinangaral Niya sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
91 : 16

وَأَوۡفُواْ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ إِذَا عَٰهَدتُّمۡ وَلَا تَنقُضُواْ ٱلۡأَيۡمَٰنَ بَعۡدَ تَوۡكِيدِهَا وَقَدۡ جَعَلۡتُمُ ٱللَّهَ عَلَيۡكُمۡ كَفِيلًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا تَفۡعَلُونَ

Magpatupad kayo sa bawat kasunduang nakipagkasunduan kayo kay Allāh o nakipagkasunduan kayo sa mga tao at huwag kayong kumalas sa mga sinumpaan matapos ng pagpapatibay sa mga ito sa pamamagitan ng panunumpa kay Allāh. Gumawa nga kayo kay Allāh bilang saksi sa inyo dahil sa pagtupad ninyo sa sinumpaan ninyo. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula rito. Gaganti Siya sa inyo rito. info
التفاسير:

external-link copy
92 : 16

وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّتِي نَقَضَتۡ غَزۡلَهَا مِنۢ بَعۡدِ قُوَّةٍ أَنكَٰثٗا تَتَّخِذُونَ أَيۡمَٰنَكُمۡ دَخَلَۢا بَيۡنَكُمۡ أَن تَكُونَ أُمَّةٌ هِيَ أَرۡبَىٰ مِنۡ أُمَّةٍۚ إِنَّمَا يَبۡلُوكُمُ ٱللَّهُ بِهِۦۚ وَلَيُبَيِّنَنَّ لَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ

Huwag kayong maging mga hunghang na mga mahina ang mga isip, dahil sa pagkalas sa mga kasunduan, tulad ng isang babaing hangal na nagpagod sa pagsisinulid ng lana niya o bulak niya. Nagpahigpit siya sa pagsisinulid nito, pagkatapos nagkalas siya nito at gumawa siya rito na nakakalag gaya ng dati nito bago ng pagkasinulid nito. Kaya nagpagod siya sa pagsisinulid nito at pagkakalas nito at hindi siya nagtamo ng isang hinihiling. Nagpapabago kayo sa mga sinumpaan ninyo na maging isang panlilinlang na nanlilinlang kayo sa isa't isa sa inyo sa pamamagitan nito upang ang kalipunan ninyo ay maging higit na marami at higit na malakas kaysa sa kalipunan ng mga kaaway ninyo. Nagsusulit lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan ng pagtupad sa mga kasunduan kung tutupad kaya kayo sa mga ito o kakalas kayo sa mga ito? Talagang magpapaliwanag nga si Allāh para sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati kayo ay nagkakaiba-iba hinggil doon sa Mundo kaya maglilinaw Siya sa tagapagtotoo sa tagapagpabula at sa tapat sa sinungaling. info
التفاسير:

external-link copy
93 : 16

وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَلَٰكِن يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَلَتُسۡـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa inyo bilang kalipunang nag-iisa, na mga nagkakasundo sa katotohanan. Subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng pagbigo rito sa katotohanan at sa pagtupad sa mga kasunduan ayon sa katarungan Niya, at nagtutuon para roon sa sinumang niloloob Niya ayon sa kagandahang-loob Niya. Talagang tatanungin nga kayo sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo. info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• للكفار الذين يصدون عن سبيل الله عذاب مضاعف بسبب إفسادهم في الدنيا بالكفر والمعصية.
Ukol sa mga tagatangging sumampalataya na sumasagabal sa landas ni Allāh ay isang pagdurusang pinag-iibayo dahilan sa panggugulo nila sa Mundo sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagsuway. info

• لا تخلو الأرض من أهل الصلاح والعلم، وهم أئمة الهدى خلفاء الأنبياء، والعلماء حفظة شرائع الأنبياء.
Hindi nawawalan ang lupa ng mga alagad ng kaayusan at kaalaman. Sila ay ang mga pinuno ng patnubay na mga kahalili ng mga propeta at ang mga nakaaalam na mga tagapangalaga ng mga batas ng propeta. info

• حدّدت هذه الآيات دعائم المجتمع المسلم في الحياة الخاصة والعامة للفرد والجماعة والدولة.
Tinakdaan ng mga talatang ito ng Qur'ān ang mga haligi ng lipunang Muslim sa buhay na pampribado at pampubliko para sa indibiduwal, pangkat, at estado. info

• النهي عن الرشوة وأخذ الأموال على نقض العهد.
Ang pagsaway laban sa panunuhol at pagkuha ng mga salapi dahil sa pagkalas sa kasunduan. info