แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับหนังสืออรรถาธิบายอัลกุรอานอย่างสรุป (อัลมุคตะศ็อร ฟีตัฟซีร อัลกุรอานิลกะรีม)

หมายเลข​หน้า​:close

external-link copy
143 : 6

ثَمَٰنِيَةَ أَزۡوَٰجٖۖ مِّنَ ٱلضَّأۡنِ ٱثۡنَيۡنِ وَمِنَ ٱلۡمَعۡزِ ٱثۡنَيۡنِۗ قُلۡ ءَآلذَّكَرَيۡنِ حَرَّمَ أَمِ ٱلۡأُنثَيَيۡنِ أَمَّا ٱشۡتَمَلَتۡ عَلَيۡهِ أَرۡحَامُ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۖ نَبِّـُٔونِي بِعِلۡمٍ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Lumikha Siya para sa inyo ng walong kategorya. Mula sa mga tupa ay magkapares: isang lalaki at isang babae; at mula sa mga kambing ay dalawa. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Nagbawal ba si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa dalawang lalaki mula sa dalawang pares dahil sa kadahilanan ng pagkalalaki? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nagbabawal sa mga babae?' O na Siya ba ay nagbawal sa dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkababae? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nagbabawal sa dalawang lalaki?' O na Siya ba ay nagbawal sa nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkakalaman dito ng sinapupunan? Kung nagsabi sila ng oo ay sabihin mo sa kanila: 'Bakit kayo nag-iiba-iba sa nilaman ng mga sinapupunan sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga lalaki nito minsan at ng pagbabawal sa mga babae nito minsan? Magpabatid kayo sa akin, O mga tagapagtambal, ng pinagbabatayan ninyo ng kaalamang tumpak kung kayo ay mga tapat sa pahayag ninyo na ang pagbabawal niyon ay mula kay Allāh.'" info
التفاسير:

external-link copy
144 : 6

وَمِنَ ٱلۡإِبِلِ ٱثۡنَيۡنِ وَمِنَ ٱلۡبَقَرِ ٱثۡنَيۡنِۗ قُلۡ ءَآلذَّكَرَيۡنِ حَرَّمَ أَمِ ٱلۡأُنثَيَيۡنِ أَمَّا ٱشۡتَمَلَتۡ عَلَيۡهِ أَرۡحَامُ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۖ أَمۡ كُنتُمۡ شُهَدَآءَ إِذۡ وَصَّىٰكُمُ ٱللَّهُ بِهَٰذَاۚ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا لِّيُضِلَّ ٱلنَّاسَ بِغَيۡرِ عِلۡمٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ

Ang natitira sa walong kategorya ay magkapares mula sa mga kamelyo at magkapares mula sa mga baka. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Si Allāh ba ay nagbawal sa ipinagbawal mula sa mga ito dahil sa pagkalalaki nito o dahil sa pagkababae nito o dahil sa pagkakalaman dito ng sinapupunan? O kayo ba noon, O mga tagapagtambal, ay mga nakadalo ayon sa pag-aangkin ninyo nang nagtagubilin sa inyo si Allāh ng pagbabawal sa ipinagbawal ninyo mula sa mga hayupang ito? Walang isang higit mabigat sa kawalang-katarungan ni higit na malaki sa krimen kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan saka nag-ugnay sa Kanya ng pagbabawal ng hindi Niya ipinagbawal upang magpaligaw sa mga tao palayo sa landasing tuwid nang walang kaalaman na mapagbabatayan doon. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan sa mga tagalabag ng katarungan dahil sa paggagawa-gawa nila ng kasinungalingan laban kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
145 : 6

قُل لَّآ أَجِدُ فِي مَآ أُوحِيَ إِلَيَّ مُحَرَّمًا عَلَىٰ طَاعِمٖ يَطۡعَمُهُۥٓ إِلَّآ أَن يَكُونَ مَيۡتَةً أَوۡ دَمٗا مَّسۡفُوحًا أَوۡ لَحۡمَ خِنزِيرٖ فَإِنَّهُۥ رِجۡسٌ أَوۡ فِسۡقًا أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦۚ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَإِنَّ رَبَّكَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako nakatatagpo sa anumang ikinasi ni Allāh sa akin ng isang bagay na ipinagbabawal maliban sa namatay nang walang pagkakatay o dugong dumadaloy o laman ng baboy sapagkat tunay na ito ay isang kasalaulaang ipinagbabawal o ito ay kabilang sa kinatay sa hindi pangalan ni Allāh gaya ng kinatay para sa mga anito nila. Ngunit ang sinumang napilit ng pangangailangan sa pagkain ng mga ipinagbabawal na ito dahil sa tindi ng gutom nang hindi naghahangad ng pagpapasarap sa pagkain nito, hindi lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, ay walang kasalanan sa kanya roon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Mapagpatawad sa napipilitan kahit nakakain mula sa mga ito, Maawain sa kanya." info
التفاسير:

external-link copy
146 : 6

وَعَلَى ٱلَّذِينَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا كُلَّ ذِي ظُفُرٖۖ وَمِنَ ٱلۡبَقَرِ وَٱلۡغَنَمِ حَرَّمۡنَا عَلَيۡهِمۡ شُحُومَهُمَآ إِلَّا مَا حَمَلَتۡ ظُهُورُهُمَآ أَوِ ٱلۡحَوَايَآ أَوۡ مَا ٱخۡتَلَطَ بِعَظۡمٖۚ ذَٰلِكَ جَزَيۡنَٰهُم بِبَغۡيِهِمۡۖ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ

Nagbawal Kami sa mga hudyo ng anumang hindi nagkakahiwa-hiwalay ang mga daliri gaya ng mga kamelyo at mga ostrits. Nagbawal Kami sa kanila ng mga taba ng mga baka at mga tupa maliban sa kumapit sa mga likod ng dalawang uring ito o nadala ng mga bituka o nahalo sa buto gaya ng pigi at tagiliran. Gumanti nga Kami sa kanila dahil sa kawalang-katarungan nila sa pagbabawal niyon sa kanilang sarili. Tunay na Kami ay talagang Tapat sa bawat ipinababatid Namin. info
التفاسير:
ประโยชน์​ที่​ได้รับ​:
• في الآيات دليل على إثبات المناظرة في مسائل العلم، وإثبات القول بالنظر والقياس.
Sa mga talatang ito ng Qur'ān ay may patunay sa pagpapatibay sa pakikipagtalakayan kaugnay sa mga usapin ng kaalaman at pagpapatibay sa paniniwala sa pagmamasid at paghahambing. info

• الوحي وما يستنبط منه هو الطريق لمعرفة الحلال والحرام.
Ang pagkakasi [ni Allāh] at ang anumang nahihinuha mula rito ay ang daan sa pagkilala sa ipinahihintulot at ipinagbabawal. info

• إن من الظلم أن يُقْدِم أحد على الإفتاء في الدين ما لم يكن قد غلب على ظنه أنه يفتي بالصواب الذي يرضي الله.
Tunay na bahagi ng kawalang-katarungan na mangahas ang isang tao sa paghahatol kaugnay sa relihiyon ng [opinyong] hindi nga nanaig sa palagay niya na siya ay naghahatol ng tumpak na nagpapalugod kay Allāh. info

• من رحمة الله بعباده الإذن لهم في تناول المحرمات عند الاضطرار.
Bahagi ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya ang pagpapahintulot para sa kanila sa paggamit ng mga ipinagbabawal sa sandali ng matinding pangangailangan. info