แปล​ความหมาย​อัลกุรอาน​ - คำแปลภาษาฟิลิปปินส์ (ตากาล็อก) สำหรับหนังสืออรรถาธิบายอัลกุรอานอย่างสรุป (อัลมุคตะศ็อร ฟีตัฟซีร อัลกุรอานิลกะรีม)

หมายเลข​หน้า​:close

external-link copy
91 : 6

وَمَا قَدَرُواْ ٱللَّهَ حَقَّ قَدۡرِهِۦٓ إِذۡ قَالُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ عَلَىٰ بَشَرٖ مِّن شَيۡءٖۗ قُلۡ مَنۡ أَنزَلَ ٱلۡكِتَٰبَ ٱلَّذِي جَآءَ بِهِۦ مُوسَىٰ نُورٗا وَهُدٗى لِّلنَّاسِۖ تَجۡعَلُونَهُۥ قَرَاطِيسَ تُبۡدُونَهَا وَتُخۡفُونَ كَثِيرٗاۖ وَعُلِّمۡتُم مَّا لَمۡ تَعۡلَمُوٓاْ أَنتُمۡ وَلَآ ءَابَآؤُكُمۡۖ قُلِ ٱللَّهُۖ ثُمَّ ذَرۡهُمۡ فِي خَوۡضِهِمۡ يَلۡعَبُونَ

Hindi dumakila ang mga tagapagtambal kay Allāh nang totoong pagdakila sa Kanya nang nagsabi sila sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Hindi nagpababa si Allāh sa isang tao ng anuman na pagkakasi." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino ang nagpababa ng Torah kay Moises bilang liwanag, kapatnubayan, at paggabay para sa mga tao niya? Inilalagay ito ng mga Hudyo sa mga sinusulatan, na naglalantad sila mula rito ng umaalinsunod sa mga pithaya nila at nagtatago sila ng sumasalungat sa mga iyon gaya ng paglalarawan kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan." Nakaalam kayo mismo, O mga Arabe, mula sa Qur'ān ng hindi ninyo mismo nalaman, ni ng mga ninuno ninyo noong una. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagpababa nito si Allāh." Pagkatapos iwan mo sila sa kamangmangan nila at pagkaligaw habang nangungutya sila at nanlalait sila hanggang sa puntahan sila ng kamatayang tiyak.
info
التفاسير:

external-link copy
92 : 6

وَهَٰذَا كِتَٰبٌ أَنزَلۡنَٰهُ مُبَارَكٞ مُّصَدِّقُ ٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَلِتُنذِرَ أُمَّ ٱلۡقُرَىٰ وَمَنۡ حَوۡلَهَاۚ وَٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۖ وَهُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ يُحَافِظُونَ

Itong Qur'ān ay isang aklat na pinababa Namin sa iyo, O Propeta. Ito ay isang aklat na pinagpala, na tagapagpatotoo para sa nauna rito na mga kasulatang makalangit upang magbabala ka sa pamamagitan nito sa mga mamamayan ng Makkah at sa nalalabi sa mga tao sa mga silangan ng lupa at mga kanluran nito upang mapatnubayan sila. Ang mga sumasampalataya sa buhay na pangkabilang-buhay ay sumasampalataya sa Qur'ān na ito, gumagawa ayon sa nasaad dito, at nangangalaga sa pagdarasal nila sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga saligan nito, mga tungkulin dito, at mga itinuturing na kaibig-ibig dito sa mga oras nitong itinakda para rito ayon sa Batas [ng Islām].
info
التفاسير:

external-link copy
93 : 6

وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ قَالَ أُوحِيَ إِلَيَّ وَلَمۡ يُوحَ إِلَيۡهِ شَيۡءٞ وَمَن قَالَ سَأُنزِلُ مِثۡلَ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُۗ وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلظَّٰلِمُونَ فِي غَمَرَٰتِ ٱلۡمَوۡتِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ بَاسِطُوٓاْ أَيۡدِيهِمۡ أَخۡرِجُوٓاْ أَنفُسَكُمُۖ ٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ عَذَابَ ٱلۡهُونِ بِمَا كُنتُمۡ تَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ غَيۡرَ ٱلۡحَقِّ وَكُنتُمۡ عَنۡ ءَايَٰتِهِۦ تَسۡتَكۡبِرُونَ

Walang isang higit na mabigat sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan dahil nagsabi: "Hindi nagpababa si Allāh sa isang tao ng anuman;" o nagsabi ng isang kasinungalingan: "Tunay na si Allāh ay nagkasi sa kanya," samantalang si Allāh ay hindi nagkasi sa kanya ng anuman; o nagsabi: "Magpapababa ako ng tulad sa pinababa ni Allāh na Qur'ān." Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, kapag dinadapuan ang mga tagalabag ng katarungan na ito ng hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga kamay ng mga ito sa kanila sa pagpaparusa at paghagupit, na nagsasabi sa kanila bilang panunuligsa: "Magpalabas kayo ng mga kaluluwa ninyo sapagkat kami ay kukuha ng mga iyan. Sa araw na ito ay gagantihan kayo ng isang pagdurusang hahamak sa inyo at magpapaaba sa inyo dahilan sa kayo noon ay nagsasabi laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-aangkin ng pagkapropeta, pagkakasi, at pagpapababa ng tulad sa pinababa ni Allāh, at dahilan sa pagkamapagmalaki ninyo laban sa pananampalataya sa mga tanda Niya. Kung sakaling nakakikita ka niyon ay talaga sanang nakakita ka ng isang bagay na kahindik-hindik." info
التفاسير:

external-link copy
94 : 6

وَلَقَدۡ جِئۡتُمُونَا فُرَٰدَىٰ كَمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةٖ وَتَرَكۡتُم مَّا خَوَّلۡنَٰكُمۡ وَرَآءَ ظُهُورِكُمۡۖ وَمَا نَرَىٰ مَعَكُمۡ شُفَعَآءَكُمُ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُمۡ أَنَّهُمۡ فِيكُمۡ شُرَكَٰٓؤُاْۚ لَقَد تَّقَطَّعَ بَيۡنَكُمۡ وَضَلَّ عَنكُم مَّا كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ

Sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay: Talaga ngang pumunta kayo sa Amin sa araw na ito bilang mga indibiduwal na walang ari-ariang kasama sa inyo ni katungkulan gaya ng pagkabuo Namin sa inyo sa unang pagkakataon na mga nakayapak, na mga nakahubo, na mga supot. Umiwan kayo ng ibinigay Namin sa inyo mula roon sa likuran ninyo sa Mundo nang labag sa loob ninyo. Hindi Kami nakakikita ngayong araw kasama sa inyo ng mga diyos na inangkin ninyo na sila ay mga tagapagpagitna para sa inyo at inangkin ninyo na sila ay mga katambal kay Allāh sa pagiging karapat-dapat sa pagsamba. Talaga ngang nagkaputul-putol ang pagkakaugnay sa pagitan ninyo. Naglaho sa inyo ang dati ninyong inaangkin na pamamagitan nila, at na sila ay mga katambal kay Allah. info
التفاسير:
ประโยชน์​ที่​ได้รับ​:
• إنزال الكتب على الأنبياء هو سُنَّة الله في المرسلين، والنبي عليه الصلاة والسلام واحد منهم.
Ang pagpapababa ng mga kasulatan sa mga propeta ay kalakaran ni Allāh sa mga isinugo, at si Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isa sa kanila. info

• أعظم الناس كذبًا وفرية هو الذي يكذب على الله تعالى، فينسب أو ينفي ويثبت في حق الله تعالى أمرًا ليس عليه دليل صحيح.
Ang pinakasukdulan sa mga tao sa kasinungalingan at paninirang-puri ay ang nagsisinungaling laban kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat nag-uugnay siya o nagkakaila siya o nagpapatibay siya sa panig ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ng isang bagay na wala ritong tumpak na patunay. info

• كل أحد يبعث يوم القيامة فردًا متجردًا عن المناصب والألقاب، فقيرًا، ويحاسب وحده.
Ang bawat isa ay bubuhayin sa Araw ng Pagbangon na isang indibiduwal, na isang naalisan ng mga posisyon at mga titulo, na isang maralita, at tutuusin nang mag-isa. info