Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) bikaba ari incamake y'ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu.

numero y'urupapuro:close

external-link copy
112 : 9

ٱلتَّٰٓئِبُونَ ٱلۡعَٰبِدُونَ ٱلۡحَٰمِدُونَ ٱلسَّٰٓئِحُونَ ٱلرَّٰكِعُونَ ٱلسَّٰجِدُونَ ٱلۡأٓمِرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَٱلنَّاهُونَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَٱلۡحَٰفِظُونَ لِحُدُودِ ٱللَّهِۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Ang mga magtatamo ng ganting ito ay ang mga nanunumbalik mula sa kinasuklaman ni Allāh at kinainisan Niya tungo sa naiibigan Niya at kinalulugdan Niya, na mga nagpakaaba bilang takot kay Allāh at pagpapakumbaba kaya nagtaimtim sila sa pagtalima sa Kanya, na mga nagpupuri sa Panginoon nila sa bawat kalagayan, na mga nag-aayuno, na mga nagdarasal, na mga nag-uutos sa ipinag-utos ni Allāh o ipinag-utos ng Sugo Niya, na mga sumasaway sa sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya, at mga nag-iingat sa mga ipinag-uutos ni Allāh sa pamamagitan ng pagsunod at sa mga sinasaway Niya sa pamamagitan ng pag-iwas. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga mananampalatayang nailalarawan sa mga katangiang ito ng magpapatuwa sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
113 : 9

مَا كَانَ لِلنَّبِيِّ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن يَسۡتَغۡفِرُواْ لِلۡمُشۡرِكِينَ وَلَوۡ كَانُوٓاْ أُوْلِي قُرۡبَىٰ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمۡ أَنَّهُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ

Hindi nararapat para sa Propeta at hindi nararapat para sa mga mananampalataya na humiling sila ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga tagapagtambal kahit pa man ang mga ito ay mga kaanak nila, nang matapos na lumiwanag para sa kanila na ang mga ito ay kabilang sa mga maninirahan sa Apoy dahil sa pagkamatay ng mga ito sa shirk. info
التفاسير:

external-link copy
114 : 9

وَمَا كَانَ ٱسۡتِغۡفَارُ إِبۡرَٰهِيمَ لِأَبِيهِ إِلَّا عَن مَّوۡعِدَةٖ وَعَدَهَآ إِيَّاهُ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُۥٓ أَنَّهُۥ عَدُوّٞ لِّلَّهِ تَبَرَّأَ مِنۡهُۚ إِنَّ إِبۡرَٰهِيمَ لَأَوَّٰهٌ حَلِيمٞ

Walang iba ang paghiling ni Abraham ng kapatawaran para sa ama niya kundi dahilan sa pangako niya roon na talagang hihiling nga siya nito para roon sa pag-asang maligtas iyon. Ngunit noong lumiwanag para kay Abraham na ang ama niya ay isang kaaway kay Allāh dahil sa kawalan ng pakinabang sa pagpapayo roon o dahil sa pagkaalam niya sa pamamagitan ng pagkakasi na ang ama niya ay mamatay na isang tagatangging sumampalataya, nagpawalang-kaugnayan siya roon. Ang paghingi niya ng tawad para roon ay isang pagsisikap [na makatulong] mula sa kanya, hindi pagsalungat sa patakarang ikinasi ni Allāh sa kanya. Tunay na si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay talagang madalas ang pagsusumamo, madalas ang pagpapaumanhin at ang pagpapalampas sa [kasalanan ng] mga kababayan niyang mga tagalabag ng katarungan. info
التفاسير:

external-link copy
115 : 9

وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُضِلَّ قَوۡمَۢا بَعۡدَ إِذۡ هَدَىٰهُمۡ حَتَّىٰ يُبَيِّنَ لَهُم مَّا يَتَّقُونَۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ

Hindi nangyaring si Allāh ay ukol na humatol sa mga tao ng pagkaligaw, matapos na nagtuon Siya sa kanila sa kapatnubayan, hanggang sa nagpalinaw Siya sa kanila ng mga ipinagbabawal na kinakailangan ang pag-iwas sa mga ito. Kaya kung nakagawa sila ng ipinagbawal sa kanila matapos ng paglilinaw sa pagbabawal nito ay hahatol Siya sa kanila ng pagkaligaw. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Nagturo nga Siya sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman. info
التفاسير:

external-link copy
116 : 9

إِنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۚ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ

Tunay na si Allāh ay nagtataglay ng paghahari sa mga langit at paghahari sa lupa. Walang katambal sa Kanya sa mga ito. Walang nakakukubli sa Kanya sa mga ito na isang tagakubli. Nagbibigay-buhay Siya sa sinumang niloob Niya ang pagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan Siya sa sinumang niloob Niya ang pagbibigay-kamatayan. Walang ukol sa inyo, O mga tao, maliban pa kay Allāh na anumang katangkilik na tatangkilik sa mga nauukol sa inyo at walang ukol sa inyo na anumang mapag-adyang magtutulak palayo sa inyo ng kasagwaan at mag-aadya sa inyo laban sa kaaway ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
117 : 9

لَّقَد تَّابَ ٱللَّهُ عَلَى ٱلنَّبِيِّ وَٱلۡمُهَٰجِرِينَ وَٱلۡأَنصَارِ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ فِي سَاعَةِ ٱلۡعُسۡرَةِ مِنۢ بَعۡدِ مَا كَادَ يَزِيغُ قُلُوبُ فَرِيقٖ مِّنۡهُمۡ ثُمَّ تَابَ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّهُۥ بِهِمۡ رَءُوفٞ رَّحِيمٞ

Talaga ngang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – noong nagpahintulot ito sa mga mapagpaimbabaw sa pagpapaiwan palayo sa pagsalakay sa Tabūk. Talaga ngang tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa mga lumikas at sa mga tagaadya na mga hindi nagpaiwan palayo roon, bagkus sumunod sila sa Propeta sa pagsalakay sa Tabūk sa kabila ng tindi ng init, kakauntian ng yaman, at lakas ng mga kaaway, matapos na halos kumiling [sa pag-iwas] ang mga puso ng isang pangkatin kabilang sa kanila na nagbalak ng pag-iwan ng pagsalakay dahil sa taglay nila na mabigat na kagipitan. Pagkatapos nagtuon sa kanila si Allāh sa katatagan at paglisan tungo sa pagsalakay, at tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Mahabagin sa kanila, Maawain. Bahagi ng awa Niya sa kanila ang pagtuon sa Kanila sa pagbabalik-loob at ang pagtanggap nito mula sa kanila. info
التفاسير:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• بطلان الاحتجاج على جواز الاستغفار للمشركين بفعل إبراهيم عليه السلام.
Ang kabulaanan ng pangangatwiran sa pagpapahintulot ng paghingi ng tawad para sa mga tagapagtambal dahil sa ginawa ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. info

• أن الذنوب والمعاصي هي سبب المصائب والخذلان وعدم التوفيق.
Na ang mga pagkakasala at ang mga pagsuway ay ang dahilan ng mga trahedya, kabiguan, at kawalan ng pagtutuon [ni Allāh]. info

• أن الله هو مالك الملك، وهو ولينا، ولا ولي ولا نصير لنا من دونه.
Na si Allāh ay ang Tagamay-ari ng paghahari. Siya ay ang Katangkilik natin. Walang katangkilik ni mapag-adya sa atin bukod pa sa Kanya. info

• بيان فضل أصحاب النبي صلى الله عليه وسلم على سائر الناس.
Ang paglilinaw sa kalamangan ng mga Kasamahan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – higit sa lahat ng mga tao. info