Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) bikaba ari incamake y'ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu.

numero y'urupapuro:close

external-link copy
80 : 9

ٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ أَوۡ لَا تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ إِن تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ سَبۡعِينَ مَرَّةٗ فَلَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ

Humingi ka, O Sugo, ng kapatawaran para sa kanila o huwag kang humingi nito para sa kanila. Kung humingi ka nito nang pitumpung ulit, tunay na ito, sa kabila ng dami nito, ay hindi magpapahantong sa kapatawaran ni Allāh para sa kanila dahil sila ay mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa katotohanan sa mga lumalabas sa batas Niya nang may pananadya at paglalayon. info
التفاسير:

external-link copy
81 : 9

فَرِحَ ٱلۡمُخَلَّفُونَ بِمَقۡعَدِهِمۡ خِلَٰفَ رَسُولِ ٱللَّهِ وَكَرِهُوٓاْ أَن يُجَٰهِدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَقَالُواْ لَا تَنفِرُواْ فِي ٱلۡحَرِّۗ قُلۡ نَارُ جَهَنَّمَ أَشَدُّ حَرّٗاۚ لَّوۡ كَانُواْ يَفۡقَهُونَ

Natuwa ang mga nagpapaiwan sa pagsalakay sa Tabūk, kabilang sa mga mapagpaimbabaw, sa pananatili nila [sa bahay] malayo sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh habang mga sumasalungat sa Sugo ni Allāh. Nasuklam sila na makibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila ayon sa landas ni Allāh gaya ng pakikibaka ng mga mananampalataya. Nagsabi sila habang mga nagpapatamlay sa mga kapatid nila kabilang sa mga mapagpaimbabaw: "Huwag kayong maglakbay sa init." Ang pagsalakay sa Tabūk noon ay nasa panahon ng tag-init. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang apoy ng Impiyerno na naghihintay sa mga mapagpaimbabaw ay higit na matindi sa init kaysa sa init na ito na tinakasan nila, kung sakaling sila ay nakaaalam." info
التفاسير:

external-link copy
82 : 9

فَلۡيَضۡحَكُواْ قَلِيلٗا وَلۡيَبۡكُواْ كَثِيرٗا جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

Kaya magsitawa ang mga mapagpaimbabaw, na nagpapaiwan na ito palayo sa pakikibaka, nang kaunti sa buhay nila sa Mundo na maglalaho at magsiiyak sila nang marami sa buhay nila sa Kabilang-buhay na mananatili bilang ganti sa dati nilang nakamit na kawalang-pananampalataya, mga pagsuway, at mga kasalanan sa Mundo. info
التفاسير:

external-link copy
83 : 9

فَإِن رَّجَعَكَ ٱللَّهُ إِلَىٰ طَآئِفَةٖ مِّنۡهُمۡ فَٱسۡتَـٔۡذَنُوكَ لِلۡخُرُوجِ فَقُل لَّن تَخۡرُجُواْ مَعِيَ أَبَدٗا وَلَن تُقَٰتِلُواْ مَعِيَ عَدُوًّاۖ إِنَّكُمۡ رَضِيتُم بِٱلۡقُعُودِ أَوَّلَ مَرَّةٖ فَٱقۡعُدُواْ مَعَ ٱلۡخَٰلِفِينَ

Kaya kung nagpanumbalik sa iyo si Allāh sa isang pangkat kabilang sa mga mapagpaimbabaw na ito, na matatag sa pagpapaimbabaw nito, saka humingi sila sa iyo ng pahintulot para sa pagsugod kasama sa iyo sa iba pang paglusob, sabihin mo sa kanila: "Hindi kayo susugod, O mga mapagpaimbabaw, kasama sa akin sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh magpakailanman bilang kaparusahan sa inyo at bilang pangingilag laban sa mga katiwaliang ireresulta ng pagsama ninyo sa akin sapagkat nalugod na kayo sa pananatili [sa bahay] at pagpapaiwan palayo sa pagsalakay sa Tabūk. Kaya manatili kayo at mamalagi kayo kasama sa mga nagpapaiwan kabilang sa mga maysakit, mga babae, at mga paslit." info
التفاسير:

external-link copy
84 : 9

وَلَا تُصَلِّ عَلَىٰٓ أَحَدٖ مِّنۡهُم مَّاتَ أَبَدٗا وَلَا تَقُمۡ عَلَىٰ قَبۡرِهِۦٓۖ إِنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَمَاتُواْ وَهُمۡ فَٰسِقُونَ

Huwag kang magdasal, O Sugo, sa alinmang patay kabilang sa mga patay ng mga mapagpaimbabaw magpakailanman. Huwag kang tumayo sa puntod nito para manalangin para rito ng kapatawaran. Iyon ay dahil sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at namatay habang sila ay lumalabas sa pagtalima kay Allāh. Ang sinumang gayon ay hindi dinadasalan at hindi dinadalanginan. info
التفاسير:

external-link copy
85 : 9

وَلَا تُعۡجِبۡكَ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَأَوۡلَٰدُهُمۡۚ إِنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُعَذِّبَهُم بِهَا فِي ٱلدُّنۡيَا وَتَزۡهَقَ أَنفُسُهُمۡ وَهُمۡ كَٰفِرُونَ

Huwag magpahanga sa iyo, O Sugo, ang mga yaman ng mga mapagpaimbabaw na ito ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin sila sa pamamagitan ng mga ito sa buhay na pangmundo. Iyon ay sa pamamagitan ng dinaranas nila na mga paghihirap sa landas nito at ng tumatama sa kanila na mga kapahamakan sa buhay. [Nagnanais Siya] na lumisan ang mga espiritu nila mula sa mga katawan nila habang sila ay nasa kawalang-pananampalataya nila. info
التفاسير:

external-link copy
86 : 9

وَإِذَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٌ أَنۡ ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَجَٰهِدُواْ مَعَ رَسُولِهِ ٱسۡتَـٔۡذَنَكَ أُوْلُواْ ٱلطَّوۡلِ مِنۡهُمۡ وَقَالُواْ ذَرۡنَا نَكُن مَّعَ ٱلۡقَٰعِدِينَ

Nang nagpababa si Allāh ng isang kabanata sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan Niya ito at pangalagaan – na naglalaman ng utos ng pagsampalataya sa Kanya at pakikibaka ayon sa landas Niya, humiling ng pahintulot sa pagpapaiwan palayo sa iyo ang mga may yaman at kaluwagan kabilang sa kanila. Nagsabi sila: "Pabayaan mo kami, magpapaiwan kami kasama sa mga may mga kadahilanan gaya ng mga mahina at mga maysakit na talamak." info
التفاسير:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• الكافر لا ينفعه الاستغفار ولا العمل ما دام كافرًا.
Ang tagatangging sumampalataya ay hindi magpapakinabang sa kanya ang paghingi ng tawad ni ang mabuting gawa hanggat nanatili siyang isang tagatangging sumampalataya. info

• الآيات تدل على قصر نظر الإنسان، فهو ينظر غالبًا إلى الحال والواقع الذي هو فيه، ولا ينظر إلى المستقبل وما يتَمَخَّض عنه من أحداث.
Ang mga talata ng Qur'ān ay nagpapatunay ng kitid ng pananaw ng tao sapagkat siya ay tumitingin kadalasan sa kasalukuyan at kalagayang kinaroroonan niya at hindi tumitingin sa hinaharap at ibinubunga nito na mga pangyayari. info

• التهاون بالطاعة إذا حضر وقتها سبب لعقوبة الله وتثبيطه للعبد عن فعلها وفضلها.
Ang pagwawalang-bahala sa pagtalima kapag dumating ang oras nito ay isang dahilan ng kaparusahan ni Allāh at pagpapatamlay Niya sa tao sa paggawa nito at kalamangan nito. info

• في الآيات دليل على مشروعية الصلاة على المؤمنين، وزيارة قبورهم والدعاء لهم بعد موتهم، كما كان النبي صلى الله عليه وسلم يفعل ذلك في المؤمنين.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay sa pagkaisinasabatas ng pagdarasal para sa mga mananampalataya, pagdalaw sa mga libingan nila, at pagdalangin para sa kanila matapos ng kamatayan nila gaya ng paggawa niyon noon ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa mga mananampalataya. info