Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão.

Número de página:close

external-link copy
34 : 4

ٱلرِّجَالُ قَوَّٰمُونَ عَلَى ٱلنِّسَآءِ بِمَا فَضَّلَ ٱللَّهُ بَعۡضَهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ وَبِمَآ أَنفَقُواْ مِنۡ أَمۡوَٰلِهِمۡۚ فَٱلصَّٰلِحَٰتُ قَٰنِتَٰتٌ حَٰفِظَٰتٞ لِّلۡغَيۡبِ بِمَا حَفِظَ ٱللَّهُۚ وَٱلَّٰتِي تَخَافُونَ نُشُوزَهُنَّ فَعِظُوهُنَّ وَٱهۡجُرُوهُنَّ فِي ٱلۡمَضَاجِعِ وَٱضۡرِبُوهُنَّۖ فَإِنۡ أَطَعۡنَكُمۡ فَلَا تَبۡغُواْ عَلَيۡهِنَّ سَبِيلًاۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيّٗا كَبِيرٗا

Ang mga lalaki ay nag-aaruga sa mga babae at nagtataguyod sa mga nauukol sa mga ito dahilan sa nagtangi sa kanila si Allāh ng kalamangan sa mga ito at dahilan sa kinakailangan sa kanila ang paggugol at ang pagtataguyod sa mga ito. Ang mga maayos sa mga babae ay mga tagatalima sa Panginoon nila, mga tagatalima sa mga asawa nila, at mga tagapag-ingat sa ukol sa mga asawa sa pagkaliban ng mga asawa dahilan sa pagtutuon ni Allāh sa kanila. Ang mga [maybahay na] nangangamba kayo sa pagmamataas nila laban sa pagtalima sa mga asawa nila sa salita o gawa ay magsimula kayo, O mga asawa, sa pagpapaalaala sa kanila at pagpapangamba sa kanila kay Allāh. Kung hindi sila tumugon ay lumayo kayo sa kanila sa mga higaan sa pamamagitan ng pagtalikod ng mga likod ninyo at hindi pakikipagtalik sa kanila. Ngunit kung hindi sila tumugon ay paluin ninyo sila ng isang palong hindi nakasasakit. Kaya kung bumalik sila sa pagtalima ay huwag kayong mangaway sa kanila sa pamamagitan ng pang-aapi o paninisi. Tunay na si Allāh ay laging may kataasan sa bawat bagay, Malaki sa sarili Niya at mga katangian Niya kaya mangamba kayo sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
35 : 4

وَإِنۡ خِفۡتُمۡ شِقَاقَ بَيۡنِهِمَا فَٱبۡعَثُواْ حَكَمٗا مِّنۡ أَهۡلِهِۦ وَحَكَمٗا مِّنۡ أَهۡلِهَآ إِن يُرِيدَآ إِصۡلَٰحٗا يُوَفِّقِ ٱللَّهُ بَيۡنَهُمَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا خَبِيرٗا

Kung nangamba kayo, O mga katangkilik ng mag-asawa, na umabot ang salungatan sa pagitan nilang dalawa sa pagkamuhi at pagtatalikuran, magpadala kayo ng isang lalaking makatarungan mula sa mag-anak ng lalaki at isang lalaking makatarungan mula sa mag-anak ng babae upang humatol ang dalawang ito ng anumang naroon ang kapakanan gaya ng pagpapahiwalay o pagpapatugma sa pagitan nilang dalawa. Ang pagpapatugma ay higit na kaibig-ibig at higit na karapat-dapat. Kaya kung nagnais nito ang dalawang tagahatol at tumahak ang dalawang ito sa istilong pinakaideyal, magpapatugma si Allāh sa mag-asawa at mag-aalis Siya ng salungatan sa pagitan nilang dalawa. Tunay na si Allāh ay walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga lingkod Niya. Siya ay Maalam sa mga kaliit-liitan ng ikinukubli nila sa mga puso nila. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 4

۞ وَٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُشۡرِكُواْ بِهِۦ شَيۡـٔٗاۖ وَبِٱلۡوَٰلِدَيۡنِ إِحۡسَٰنٗا وَبِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱلۡجَارِ ذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡجَارِ ٱلۡجُنُبِ وَٱلصَّاحِبِ بِٱلۡجَنۢبِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ وَمَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ مَن كَانَ مُخۡتَالٗا فَخُورًا

Sumamba kayo kay Allāh – tanging sa Kanya – sa pamamagitan ng pagpapaakay sa Kanya at huwag kayong sumamba kasama sa Kanya sa iba sa Kanya. Gumawa kayo ng maganda sa mga magulang sa pamamagitan ng pagpaparangal sa kanilang dalawa at pagpapakabuti sa kanilang dalawa. Gumawa kayo ng maganda sa mga kamag-anak, mga ulila, at mga may pangangailangan. Gumawa kayo ng maganda sa kapit-bahay na may ugnayang pangkaanak at kapit-bahay na walang ugnayang pangkaanak. Gumawa kayo ng maganda sa kasamahang sumasabay sa inyo. Gumawa kayo ng maganda sa manlalakbay na estranghero na kinapos sa mga landas. Gumawa kayo ng maganda sa mga alipin ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang tagahanga ng sarili, na nagpapakamalaki sa mga lingkod Niya, na nagbubunyi sa sarili sa paraan ng pagyayabang sa mga tao.
info
التفاسير:

external-link copy
37 : 4

ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ وَيَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبُخۡلِ وَيَكۡتُمُونَ مَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦۗ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا

Hindi umiibig si Allāh sa mga nagkakait ng inobliga ni Allāh sa kanila na paggugol mula sa ibinigay Niya sa kanila na panustos Niya, nag-uutos sa iba sa kanila ng gayon sa pamamagitan ng sinasabi nila at ginagawa nila, at nagkukubli ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya gaya ng panustos, kaalaman, at iba pa kaya hindi sila naglilinaw sa mga tao ng katotohanan, bagkus ay nagtatago sila nito at naglalantad ng kabulaanan. Ang mga katangiang ito ay kabilang sa mga katangian ng kawalang-pananampalataya. Naghanda na si Allāh para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghihiya. info
التفاسير:
Das notas do versículo nesta página:
• ثبوت قِوَامة الرجال على النساء بسبب تفضيل الله لهم باختصاصهم بالولايات، وبسبب ما يجب عليهم من الحقوق، وأبرزها النفقة على الزوجة.
Ang pagtitibay sa pag-aaruga ng mga lalaki sa mga babae dahilan sa pagtangi ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng paglalaan sa kanila ng mga pagtangkilik at dahilan sa kinakailangan sa kanila na mga tungkulin, na ang pinakalitaw sa mga ito ay ang paggugol sa maybahay. info

• التحذير من البغي وظلم المرأة في التأديب بتذكير العبد بقدرة الله عليه وعلوه سبحانه.
Ang pagbibigay-babala sa paglabag at kawalang-katarungan sa babae sa pagdisiplina sa pamamagitan ng pagpapaalaala sa tao sa kakayahan ni Allāh laban dito at sa kataasan Niya – kaluwalhatian sa Kanya. info

• التحذير من ذميم الأخلاق، كالكبر والتفاخر والبخل وكتم العلم وعدم تبيينه للناس.
Ang pagbibigay-babala laban sa napupulaan sa mga kaasalan gaya ng pagmamalaki, pagyayabangan, pagtatago ng kaalaman, at kawalan ng paglilinaw nito sa mga tao. info