Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão.

Número de página:close

external-link copy
15 : 4

وَٱلَّٰتِي يَأۡتِينَ ٱلۡفَٰحِشَةَ مِن نِّسَآئِكُمۡ فَٱسۡتَشۡهِدُواْ عَلَيۡهِنَّ أَرۡبَعَةٗ مِّنكُمۡۖ فَإِن شَهِدُواْ فَأَمۡسِكُوهُنَّ فِي ٱلۡبُيُوتِ حَتَّىٰ يَتَوَفَّىٰهُنَّ ٱلۡمَوۡتُ أَوۡ يَجۡعَلَ ٱللَّهُ لَهُنَّ سَبِيلٗا

Ang mga gumagawa ng kahalayan ng pangangalunya kabilang sa kababaihan ninyo, na mga nakapag-asawa at mga hindi nakapag-asawa, ay magpasaksi kayo laban sa kanila sa apat na lalaking Muslim na makatarungan kabilang sa inyo. Kaya kung sumaksi ang mga iyon laban sa kanila sa pagkakagawa nito ay ikulong ninyo sila sa mga bahay bilang kaparusahan sa kanila hanggang sa magwakas ang buhay nila sa kamatayan o gumawa si Allāh para sa kanila ng isang daan na hindi daan ng pagkukulong. Pagkatapos nilinaw ni Allāh para sa kanila ang paraan matapos niyon sapagkat nagsabatas Siya ng [parusang] paghagupit sa birheng nangalunya ng isandaang hagupit at pagpapatapon ng isang taon, at [ng parusang] pagbabato naman sa babaing nakapag-asawa. info
التفاسير:

external-link copy
16 : 4

وَٱلَّذَانِ يَأۡتِيَٰنِهَا مِنكُمۡ فَـَٔاذُوهُمَاۖ فَإِن تَابَا وَأَصۡلَحَا فَأَعۡرِضُواْ عَنۡهُمَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ تَوَّابٗا رَّحِيمًا

Ang dalawang gumagawa ng kahalayan ng pangangalunya kabilang sa kalalakihan – mga nakapag-asawa man o hindi mga nakapag-asawa – ay parusahan ninyo silang dalawa sa pamamagitan ng dila at kamay, na magsasakatuparan sa paghamak at pagsawata. Kaya kung kumalas silang dalawa sa dating gawi at umayos ang mga gawain nilang dalawa ay umayaw kayo sa pananakit sa kanilang dalawa dahil ang nagbabalik-loob mula sa pagkakasala ay gaya ng sinumang walang pagkakasala. Tunay na si Allāh ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob ng nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. Ang pagkakasya sa uring ito ng parusa ay noong simula. Pagkatapos pinawalang-bisa ito matapos niyon sa pamamagitan ng paghahagupit sa birheng nangangalunya at pagpapatapon sa kanya, at ng pagbabato naman sa nakapag-asawa na. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 4

إِنَّمَا ٱلتَّوۡبَةُ عَلَى ٱللَّهِ لِلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسُّوٓءَ بِجَهَٰلَةٖ ثُمَّ يَتُوبُونَ مِن قَرِيبٖ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَتُوبُ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا

Tumatanggap lamang si Allāh ng pagbabalik-loob ng mga nangahas sa paggawa ng mga pagkakasala at mga pagsuway dahil sa isang kamangmangan mula sa kanila sa kahihinatnan ng mga ito at kasamaan ng mga ito. Ito ang lagay ng bawat nakagagawa ng pagkakasala nang sinasadya o hindi sinasadya, pagkatapos nagbabalik sila na mga nagsisisi sa Panginoon nila bago makaharap ang kamatayan. Sa mga iyon tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob at magpapalampas Siya sa mga masagwang gawa nila. Laging si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan ng nilikha Niya, Marunong sa pagtatakda Niya at pagbabatas Niya. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 4

وَلَيۡسَتِ ٱلتَّوۡبَةُ لِلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ حَتَّىٰٓ إِذَا حَضَرَ أَحَدَهُمُ ٱلۡمَوۡتُ قَالَ إِنِّي تُبۡتُ ٱلۡـَٰٔنَ وَلَا ٱلَّذِينَ يَمُوتُونَ وَهُمۡ كُفَّارٌۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَعۡتَدۡنَا لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا

Hindi tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng mga nagpupumilit sa mga pagsuway at hindi nagbabalik-loob mula sa mga ito hanggang sa makatanaw sila ng paghihingalo saka sa sandaling iyon ay magsasabi ang isa kabilang sa kanila: "Tunay na ako ay nagbalik-loob ngayon mula sa nagawa ko na mga pagsuway." Hindi tumatanggap si Allāh, gayon din, ng pagbabalik-loob ng mga mamamatay habang sila ay mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya. Ang mga tagasuway na nagpupumilit na iyon sa mga pagsuway at ang mga mamamatay habang sila ay nasa kawalang-pananampalataya nila ay naghanda Kami para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
info
التفاسير:

external-link copy
19 : 4

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا يَحِلُّ لَكُمۡ أَن تَرِثُواْ ٱلنِّسَآءَ كَرۡهٗاۖ وَلَا تَعۡضُلُوهُنَّ لِتَذۡهَبُواْ بِبَعۡضِ مَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ إِلَّآ أَن يَأۡتِينَ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖۚ وَعَاشِرُوهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ فَإِن كَرِهۡتُمُوهُنَّ فَعَسَىٰٓ أَن تَكۡرَهُواْ شَيۡـٔٗا وَيَجۡعَلَ ٱللَّهُ فِيهِ خَيۡرٗا كَثِيرٗا

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, hindi pinapayagan para sa inyo na magmana kayo ng mga maybahay ng mga ama ninyo at mga kamag-anak ninyo gaya ng pagmamana ng ari-arian, at na malayang magsagawa kayo sa kanila ng kasal sa kanila o ng pagpapakasal sa kanila sa sinumang niloloob ninyo o ng pagpigil sa kanila sa pagpapakasal. Hindi pinapayagan para sa inyo ang pagpapanatili sa mga maybahay ninyo na kinasusuklaman ninyo para maminsala sa kanila upang magpaubaya sila sa inyo ng ilan sa ibinigay ninyo sa kanila na bigay-kaya at iba pa rito, maliban na nakagawa sila ng isang mahalay na maliwanag gaya ng pangangalunya sapagkat kapag gumawa sila niyon ay pinapayagan para sa inyo ang pagpapanatili sa kanila at ang paggipit sa kanila hanggang sa tubusin nila [ang mga sarili nila] mula sa inyo sa pamamagitan ng ibinigay ninyo sa kanila. Makisama kayo sa mga maybahay ninyo nang isang kaaya-ayang pakikisama sa pamamagitan ng pagpipigil sa pananakit at pagkakaloob ng pagmamagandang-loob. Kung nasuklam kayo sa kanila dahil sa makamundong bagay ay pagtiisan ninyo sila sapagkat harinawa si Allāh ay maglalagay sa kinasusuklaman ninyo ng maraming kabutihan sa buhay na pangmundo at pangkabilang-buhay.
info
التفاسير:
Das notas do versículo nesta página:
• ارتكاب فاحشة الزنى من أكثر المعاصي خطرًا على الفرد والمجتمع؛ ولهذا جاءت العقوبات عليها شديدة.
Ang paggawa ng kahalayan ng pangangalunya ay kabilang sa pinakamarami sa mga pagsuway sa panganib sa indibidwal at lipunan at dahil dito nasaad na matindi ang mga kaparusahan sa mga ito. info

• لطف الله ورحمته بعباده حيث فتح باب التوبة لكل مذنب، ويسر له أسبابها، وأعانه على سلوك سبيلها.
Ang kabaitan ni Allāh at ang awa Niya sa mga lingkod Niya yayamang nagbukas Siya ng pintuan ng pagbabalik-loob para sa bawat nagkakasala, nagpadali Siya para rito ng mga kadahilanan nito, at tumulong Siya rito sa pagtahak sa landas niyon. info

• كل من عصى الله تعالى بعمد أو بغير عمد فهو جاهل بقدر من عصاه جل وعلا، وجاهل بآثار المعاصي وشؤمها عليه.
Ang bawat sumuway kay Allāh – pagkataas-taas Siya – nang sadyaan o hindi sadyaan, siya ay mangmang sa kalagayan ng sinuway Niya – kapita-pitagan Siya at kataas-taasan – at mangmang sa mga epekto ng mga pagsuway at kasamaan ng mga ito sa kanya. info

• من أسباب استمرار الحياة الزوجية أن يكون نظر الزوج متوازنًا، فلا يحصر نظره فيما يكره، بل ينظر أيضا إلى ما فيه من خير، وقد يجعل الله فيه خيرًا كثيرًا.
Kabilang sa mga kadahilanan ng pagpapatuloy ng buhay may-asawa ay na ang pagtingin ng asawa ay maging balanse kaya hindi siya maglilimita sa pagtingin niya sa kinasusuklaman niya, bagkus titingin din siya sa anumang may kabutihan at maaaring maglalagay si Allāh dito ng maraming kabutihan. info