Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão.

Número de página:close

external-link copy
27 : 4

وَٱللَّهُ يُرِيدُ أَن يَتُوبَ عَلَيۡكُمۡ وَيُرِيدُ ٱلَّذِينَ يَتَّبِعُونَ ٱلشَّهَوَٰتِ أَن تَمِيلُواْ مَيۡلًا عَظِيمٗا

Si Allāh ay nagnanais na tumanggap ng pagbabalik-loob sa inyo at magpalampas sa mga masagwang gawa ninyo, at nagnanais ang mga lumalakad sa likod ng mga minamasarap nila na lumayo kayo sa daan ng pagkatuwid nang isang pagkakalayong matindi. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 4

يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُخَفِّفَ عَنكُمۡۚ وَخُلِقَ ٱلۡإِنسَٰنُ ضَعِيفٗا

Nagnanais si Allāh na magpagaan sa inyo kaugnay sa isinabatas Niya kaya hindi Siya nag-aatang sa inyo ng hindi ninyo nakakaya dahil Siya ay nakaaalam sa kahinaan ng tao sa pagkakalikha nito at kaasalan nito. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 4

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَكُم بَيۡنَكُم بِٱلۡبَٰطِلِ إِلَّآ أَن تَكُونَ تِجَٰرَةً عَن تَرَاضٖ مِّنكُمۡۚ وَلَا تَقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُمۡ رَحِيمٗا

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kumuha ang iba sa inyo sa yaman ng iba ayon sa kawalang-kabuluhan gaya ng pandarambong, pagnanakaw, panunuhol, at iba pa, maliban na ang mga yaman ay maging mga yaman ng kalakalang namutawi buhat sa pagkakaluguran ng dalawang nagkokontratahan kaya ipinahihintulot para sa inyo ang pakikinabang sa mga ito at ang paggamit sa mga ito. Huwag kayong pumatay sa isa't isa, huwag pumatay ang isa sa inyo sa sarili niya, at huwag siyang magbulid nito sa kapahamakan. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain. Bahagi ng awa Niya na nagbawal Siya ng paglabag sa mga buhay ninyo, mga ari-arian ninyo, at mga dangal ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
30 : 4

وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ عُدۡوَٰنٗا وَظُلۡمٗا فَسَوۡفَ نُصۡلِيهِ نَارٗاۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرًا

Ang sinumang gumagawa niyon na sinaway ni Allāh sa inyo kaya gumagamit siya ng yaman ng iba pa sa kanya o lumalabag siya rito sa pamamagitan ng pagpatay at tulad nito habang nalalamang lumalabag, na hindi mangmang o nakalilimot, magpapapasok sa kanya si Allāh sa malaking Apoy sa Araw ng Pagbangon upang magdusa sa init niyon at magtiis sa pagdurusa roon. Laging iyon kay Allāh ay magaan dahil Siya ay nakakakaya, na hindi napawawalang-kakayahan ng anuman. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 4

إِن تَجۡتَنِبُواْ كَبَآئِرَ مَا تُنۡهَوۡنَ عَنۡهُ نُكَفِّرۡ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَنُدۡخِلۡكُم مُّدۡخَلٗا كَرِيمٗا

Kung lalayo kayo, O mga mananampalataya, sa paggawa ng mga malaking pagsuway tulad ng pagtatambal kay Allāh, pagpapakasuwail sa mga magulang, pagpatay ng tao, at pakikinabang sa patubuan, magpapalampas Siya sa nagagawa ninyong mga maliit na kasalanan sa pamamagitan ng pagtatakip-sala sa mga ito at pagpawi sa mga ito, at magpapapasok Siya sa inyo sa isang pook na marangal sa ganang Kanya, ang Paraiso. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 4

وَلَا تَتَمَنَّوۡاْ مَا فَضَّلَ ٱللَّهُ بِهِۦ بَعۡضَكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ لِّلرِّجَالِ نَصِيبٞ مِّمَّا ٱكۡتَسَبُواْۖ وَلِلنِّسَآءِ نَصِيبٞ مِّمَّا ٱكۡتَسَبۡنَۚ وَسۡـَٔلُواْ ٱللَّهَ مِن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا

Huwag kayong magmithi, O mga mananampalataya, ng ipinantangi ni Allāh sa ilan sa inyo higit sa iba upang hindi humantong ito sa pagkainis at pagkainggit, kaya hindi nararapat para sa mga babae na umasam ng itinangi ni Allāh sa mga lalaki sapagkat tunay na ukol sa bawat pangkat ay isang bahagi ng ganti alinsunod dito. Humiling kayo kay Allāh na magdagdag Siya sa inyo ng bigay Niya. Tunay na si Allāh ay Maalam sa bawat bagay kaya nagbigay Siya sa bawat uri ng nababagay rito.
info
التفاسير:

external-link copy
33 : 4

وَلِكُلّٖ جَعَلۡنَا مَوَٰلِيَ مِمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَۚ وَٱلَّذِينَ عَقَدَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡ فَـَٔاتُوهُمۡ نَصِيبَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدًا

Para sa bawat isa kabilang sa inyo ay gumawa Kami ng isang pangkat na magmamana ng pamana na naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak. Ang mga pinagsagawaan ninyo ng mga binibigyang-diing panunumpa ng alyansa at pag-adya ay magbigay kayo sa kanila ng bahagi nila mula sa pamana. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Saksi. Kabilang doon ang pagsaksi Niya sa mga panunumpa ninyo at mga kasunduan ninyong ito. Ang pagmamanahan ayon sa alyansa ay sa simula ng Islām noon, pagkatapos pinawalang-bisa ito. info
التفاسير:
Das notas do versículo nesta página:
• سعة رحمة الله بعباده؛ فهو سبحانه يحب التوبة منهم، والتخفيف عنهم، وأما أهل الشهوات فإنما يريدون بهم ضلالًا عن الهدى.
Ang lawak ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay umiibig sa pagbabalik-loob mula sa kanila at sa pagpapagaan sa kanila. Ang mga alagad ng pagnanasa ay nagnanais lamang sa kanila ng pagkaligaw palayo sa patnubay. info

• حفظت الشريعة حقوق الناس؛ فحرمت الاعتداء على الأنفس والأموال والأعراض، ورتبت أعظم العقوبة على ذلك.
Nangalaga ang Batas ng Islām sa mga karapatan ng mga tao kaya ipinagbawal ang paglabag sa mga buhay, mga ari-arian, at mga dangal, at nagresulta ng pinakamabigat na kaparusahan laban doon. info

• الابتعاد عن كبائر الذنوب سبب لدخول الجنة ومغفرة للصغائر.
Ang paglayo sa mga malaki sa mga pagkakasala ay isang dahilan ng pagpasok sa Paraiso at kapatawaran sa mga maliit na kasalanan. info

• الرضا بما قسم الله، وترك التطلع لما في يد الناس؛ يُجنِّب المرء الحسد والسخط على قدر الله تعالى.
Ang pagkalugod sa ibinahagi ni Allāh at ang pag-iwas sa pag-aasam sa nasa kamay ng mga tao ay nagpapaiwas sa tao sa pagkainggit at pagkainis sa pagtatakda ni Allāh – pagkataas-taas Siya. info