ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
44 : 33

تَحِيَّتُهُمۡ يَوۡمَ يَلۡقَوۡنَهُۥ سَلَٰمٞۚ وَأَعَدَّ لَهُمۡ أَجۡرٗا كَرِيمٗا

Ang pagbati ng mga mananampalataya sa Araw na makikipagkita sila sa Panginoon nila ay kapayapaan at katiwasayan mula sa bawat kasamaan. Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pabuyang marangal, ang paraiso Niya, bilang ganti para sa kanila sa pagtalima nila sa Kanya at paglayo nila sa pagsuway sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 33

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ شَٰهِدٗا وَمُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا

O Propeta, tunay na Kami ay nagpadala sa iyo sa mga tao bilang tagasaksi sa kanila sa pamamagitan ng pagpapaabot mo sa kanila ng ipinasugo sa iyo sa kanila, bilang tagapagbalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya kabilang sa kanila hinggil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na paraiso, bilang tagapagpangamba ng mga tagatangging sumampalataya sa inihanda para sa kanila ng pagdurusang dulot Niya. info
التفاسير:

external-link copy
46 : 33

وَدَاعِيًا إِلَى ٱللَّهِ بِإِذۡنِهِۦ وَسِرَاجٗا مُّنِيرٗا

Ipinadala ka bilang tagaanyaya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa utos Niya. Ipinadala ka bilang ilawang nagbibigay-liwanag na ipinanliliwanag ng bawat nagnanais ng kapatnubayan. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 33

وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ بِأَنَّ لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ فَضۡلٗا كَبِيرٗا

Magpabatid ka sa mga mananampalataya kay Allāh, na gumagawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, ng magpapagalak sa kanila na pagkakaroon nila mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isang kabutihang-loob na sukdulan na sumasaklaw sa pag-aadya sa kanila sa Mundo at pagtamo nila sa Kabilang-buhay ng pagpasok sa paraiso. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 33

وَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَدَعۡ أَذَىٰهُمۡ وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلٗا

Huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw sa ipinaaanyaya nila na pagbalakid sa relihiyon ni Allāh. Umayaw ka sa kanila sapagkat harinawang iyon ay maging higit na mag-anyaya na sumampalataya sila sa inihatid mo sa kanila. Sumandig ka kay Allāh sa lahat ng mga nauukol sa iyo. Kabilang sa mga ito ang pag-aadya laban sa mga kaaway mo. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan na sinasandigan ng mga tao sa lahat ng mga nauukol sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 33

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا نَكَحۡتُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ ثُمَّ طَلَّقۡتُمُوهُنَّ مِن قَبۡلِ أَن تَمَسُّوهُنَّ فَمَا لَكُمۡ عَلَيۡهِنَّ مِنۡ عِدَّةٖ تَعۡتَدُّونَهَاۖ فَمَتِّعُوهُنَّ وَسَرِّحُوهُنَّ سَرَاحٗا جَمِيلٗا

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kapag nakapagsagawa kayo sa mga babaing mananampalataya ng isang kasunduan ng kasal, pagkatapos nagdiborsiyo kayo sa kanila bago ng pakikipagtalik sa kanila, walang ukol sa inyo ng tungkulin sa kanila na isang `iddah (panahon ng paghihintay bago mag-asawang muli) maging ito man ay batay sa [bilang ng] mga pagreregla o mga buwan dahil sa pagkakaalam sa kawalang-laman ng mga sinapupunan nila dahil sa kawalan ng pakikipagtalik sa kanila. Magpatamasa kayo sa kanila ng mga salapi ninyo alinsunod sa kaluwagan ninyo bilang pampalubag-loob sa mga damdamin nilang nasaktan dahil sa diborsiyo. Hayaan ninyo sila sa landas nila ayon sa nakabubuti nang walang pananakit sa kanila.
info
التفاسير:

external-link copy
50 : 33

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِنَّآ أَحۡلَلۡنَا لَكَ أَزۡوَٰجَكَ ٱلَّٰتِيٓ ءَاتَيۡتَ أُجُورَهُنَّ وَمَا مَلَكَتۡ يَمِينُكَ مِمَّآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَيۡكَ وَبَنَاتِ عَمِّكَ وَبَنَاتِ عَمَّٰتِكَ وَبَنَاتِ خَالِكَ وَبَنَاتِ خَٰلَٰتِكَ ٱلَّٰتِي هَاجَرۡنَ مَعَكَ وَٱمۡرَأَةٗ مُّؤۡمِنَةً إِن وَهَبَتۡ نَفۡسَهَا لِلنَّبِيِّ إِنۡ أَرَادَ ٱلنَّبِيُّ أَن يَسۡتَنكِحَهَا خَالِصَةٗ لَّكَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۗ قَدۡ عَلِمۡنَا مَا فَرَضۡنَا عَلَيۡهِمۡ فِيٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ وَمَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ لِكَيۡلَا يَكُونَ عَلَيۡكَ حَرَجٞۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا

O Propeta, tunay na Kami ay nagpahintulot para sa iyo sa mga maybahay mong nagbigay ka ng mga bigay-kaya sa kanila. Nagpahintulot Kami para sa iyo sa minay-ari ng kanang kamay mo na mga babaing alipin kabilang sa ipinagkaloob sa iyo na mga bihag [sa digmaan]. Nagpahintulot Kami para sa iyo ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ama, ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ama, ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ina, at ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ina, na lumikas kasama sa iyo mula sa Makkah patungo sa Madīnah. Nagpahintulot Kami sa iyo ng pag-aasawa sa isang babaing mananampalatayang nagkaloob ng sarili nito sa iyo nang walang bigay-kaya kung nagnais ka naman na mapangasawa ito. Ang pag-aasawa ng kaloob ay natatangi sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan; hindi ito ipinahihintulot sa iba pa sa kanya kabilang sa Kalipunang [Islām]. Nakaalam nga Kami ng inobliga Namin sa mga mananampalataya kaugnay sa pumapatungkol sa mga maybahay kung saan hindi ipinahihintulot para sa kanila na lumampas sila sa apat na maybahay. [Nakaalam Kami] ng isinabatas Namin para sa kanila kaugnay sa pumapatungkol sa mga babaing alipin nila kung saan tunay na ukol sa kanila na magpakaligaya sa sinumang niloob nila sa mga iyon nang walang paglilimita sa bilang. Nagpahintulot Kami para sa iyo ng ipinahintulot Namin mula sa nabanggit na hindi Namin ipinahintulot sa iba pa sa iyo upang hindi magkaroon sa iyo ng pagkailang at hirap. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. info
التفاسير:
ߟߝߊߙߌ ߟߎ߫ ߢߊ߬ߕߣߐ ߘߏ߫ ߞߐߜߍ ߣߌ߲߬ ߞߊ߲߬:
• الصبر على الأذى من صفات الداعية الناجح.
Ang pagtitiis sa pananakit ay kabilang sa mga katangian ng matagumpay na tagapag-anyaya ng Islām. info

• يُنْدَب للزوج أن يعطي مطلقته قبل الدخول بها بعض المال جبرًا لخاطرها.
Naiibigan para sa asawa na magbigay sa diniborsiyo niya bago ng pakikipagtalik dito ng salapi bilang pamapalubag-loob sa damdamin nito. info

• خصوصية النبي صلى الله عليه وسلم بجواز نكاح الهبة، وإن لم يحدث منه.
Ang pagkanatatangi ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pagpayag sa pag-aasawa ng handog, kahit pa man hindi nangyari ito mula sa kanya. info