ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
63 : 33

يَسۡـَٔلُكَ ٱلنَّاسُ عَنِ ٱلسَّاعَةِۖ قُلۡ إِنَّمَا عِلۡمُهَا عِندَ ٱللَّهِۚ وَمَا يُدۡرِيكَ لَعَلَّ ٱلسَّاعَةَ تَكُونُ قَرِيبًا

Nagtatanong sa iyo ang mga tagapagtambal, O Sugo, ng isang tanong ng pagmamasama at pagpapasinungaling at nagtatanong sa iyo ang mga Hudyo rin tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang oras niyon. Sabihin mo sa mga ito: "Ang kaalaman sa Huling Sandali ay nasa kay Allāh; walang nasa akin na anuman mula roon. Ano ang nagpaparamdam sa iyo, O Sugo, na ang Huling Sandali ay nagiging malapit na? info
التفاسير:

external-link copy
64 : 33

إِنَّ ٱللَّهَ لَعَنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَأَعَدَّ لَهُمۡ سَعِيرًا

Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagtaboy sa mga tagatangging sumampalataya mula sa awa Niya at naghanda para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ng isang apoy na maglalagablab, na maghihintay sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
65 : 33

خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ لَّا يَجِدُونَ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا

Bilang mga mamamalagi sa pagdurusa sa Apoy na iyon na inihanda para sa kanila magpakailanman, hindi sila makatatagpo roon ng isang katangkilik na magpapakinabang sa kanila, ni isang mapag-adyang magtutulak palayo sa kanila ng pagdurusa roon. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 33

يَوۡمَ تُقَلَّبُ وُجُوهُهُمۡ فِي ٱلنَّارِ يَقُولُونَ يَٰلَيۡتَنَآ أَطَعۡنَا ٱللَّهَ وَأَطَعۡنَا ٱلرَّسُولَا۠

Sa Araw ng Pagbangon, itataob ang mga mukha nila sa Apoy ng Impiyerno habang nagsasabi dahil sa tindi ng panghihinayang at pagsisisi: "O kung sana kami, sa buhay namin sa Mundo, ay nangyaring tumalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya sa amin at umiwas sa sinaway Niya sa amin at tumalima sa Sugo kaugnay sa inihatid nito mula sa Panginoon nito." info
التفاسير:

external-link copy
67 : 33

وَقَالُواْ رَبَّنَآ إِنَّآ أَطَعۡنَا سَادَتَنَا وَكُبَرَآءَنَا فَأَضَلُّونَا ٱلسَّبِيلَا۠

Maghahatid ang mga ito ng isang katwirang mahina at bulaan sapagkat magsasabi sila: "Panginoon namin, tunay na kami ay tumalima sa mga pinuno namin at mga malaking tao sa mga tao namin ngunit nagligaw sila sa amin palayo sa landasing tuwid. info
التفاسير:

external-link copy
68 : 33

رَبَّنَآ ءَاتِهِمۡ ضِعۡفَيۡنِ مِنَ ٱلۡعَذَابِ وَٱلۡعَنۡهُمۡ لَعۡنٗا كَبِيرٗا

O Panginoon namin, gawin Mo para sa mga pinuno at mga malaking tao na ito na nagligaw sa amin palayo sa landasing tuwid ang dalawang ibayo ng gagawin Mo para sa amin na pagdurusa dahil sa pagliligaw nila sa amin, at itaboy Mo sila mula sa awa Mo nang isang pagtataboy na sukdulan." info
التفاسير:

external-link copy
69 : 33

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ ءَاذَوۡاْ مُوسَىٰ فَبَرَّأَهُ ٱللَّهُ مِمَّا قَالُواْۚ وَكَانَ عِندَ ٱللَّهِ وَجِيهٗا

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag kayong manakit sa Sugo ninyo para maging tulad ng mga nanakit kay Moises gaya ng pamimintas nila sa kanya sa katawan niya ngunit nagpawalang-kapintasan sa kanya si Allāh laban sa sinabi nila, kaya luminaw para sa kanila ang kawalang-kaugnayan niya sa sinabi nila hinggil sa kanya. Si Moises noon sa ganang kay Allāh ay pinarangalan: hindi itinutulak ang hiling niya at hindi binibigo ang pagsisikap niya. info
التفاسير:

external-link copy
70 : 33

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَقُولُواْ قَوۡلٗا سَدِيدٗا

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga ipinagbabawal Niya, at magsabi kayo ng isang sinasabing tama at tapat, info
التفاسير:

external-link copy
71 : 33

يُصۡلِحۡ لَكُمۡ أَعۡمَٰلَكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡۗ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَقَدۡ فَازَ فَوۡزًا عَظِيمًا

Tunay na kayo, kung nangilag kayong magkasala kay Allāh at nagsabi kayo ng sinasabing tama, ay magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo, tatanggap Siya ng mga ito mula sa inyo, at bubura Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo kaya hindi Siya maninisi sa inyo dahil sa mga ito. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo ay nagtamo nga ng isang pagtamong sukdulan, na walang nakapapantay rito na alinmang pagtamo, ang pagtamo ng kaluguran ni Allāh at ang pagpasok sa Paraiso. info
التفاسير:

external-link copy
72 : 33

إِنَّا عَرَضۡنَا ٱلۡأَمَانَةَ عَلَى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱلۡجِبَالِ فَأَبَيۡنَ أَن يَحۡمِلۡنَهَا وَأَشۡفَقۡنَ مِنۡهَا وَحَمَلَهَا ٱلۡإِنسَٰنُۖ إِنَّهُۥ كَانَ ظَلُومٗا جَهُولٗا

Tunay na Kami ay nag-alok ng [pagtitiwala sa] mga tungkuling pambatas at anumang nangangalaga sa mga yaman at mga lihim, sa mga langit, sa lupa, at sa mga bundok, ngunit tumanggi ang mga ito na pumasan niyon at nangamba ang mga ito sa kahihinatnan niyan. Pumasan naman niyon ang tao; tunay na siya ay naging napakamapaglabag sa katarungan sa sarili niya, napakamangmang sa kahihinatnan ng pagpasan niyon. info
التفاسير:

external-link copy
73 : 33

لِّيُعَذِّبَ ٱللَّهُ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ وَٱلۡمُشۡرِكَٰتِ وَيَتُوبَ ٱللَّهُ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمَۢا

Pumasan niyon ang tao ayon sa pagtatakda mula kay Allāh upang pagdusahin ni Allāh ang mga mapagpaimbabaw na mga lalaki at ang mga mapagpaimbabaw na mga babae, at ang mga tagapagtambal na mga lalaki at ang mga tagapagtambal na mga babae dahil sa pagpapaimbabaw nila at pagtatambal nila kay Allāh, at upang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na gumawa ng maganda sa pagpasan ng pagtitiwala sa mga tungkulin. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. info
التفاسير:
ߟߝߊߙߌ ߟߎ߫ ߢߊ߬ߕߣߐ ߘߏ߫ ߞߐߜߍ ߣߌ߲߬ ߞߊ߲߬:
• اختصاص الله بعلم الساعة.
Ang pamumukod ni Allāh sa kaalaman sa Huling Sandali. info

• تحميل الأتباع كُبَرَاءَهُم مسؤوليةَ إضلالهم لا يعفيهم هم من المسؤولية.
Ang pagpapapasan ng mga tagasunod sa mga pinuno nila ng pananagutan sa pagliligaw sa kanila ay hindi magpapaumanhin sa kanila mismo sa pananagutan. info

• شدة التحريم لإيذاء الأنبياء بالقول أو الفعل.
Ang tindi ng pagbabawal sa pananakit sa mga propeta sa salita o gawa. info

• عظم الأمانة التي تحمّلها الإنسان.
Ang kasukdulan ng pagtitiwalang ipinapasan sa tao. info