ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
23 : 33

مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ رِجَالٞ صَدَقُواْ مَا عَٰهَدُواْ ٱللَّهَ عَلَيۡهِۖ فَمِنۡهُم مَّن قَضَىٰ نَحۡبَهُۥ وَمِنۡهُم مَّن يَنتَظِرُۖ وَمَا بَدَّلُواْ تَبۡدِيلٗا

Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat kay Allāh kaya tumupad sila sa ipinangako nila sa Kanya na pagpapakatatag at pagtitiis sa pakikibaka sa landas Niya sapagkat mayroon sa kanila na namatay o napatay sa landas Niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa ng pagkamartir sa landas Niya. Hindi binago ng mga mananampalatayang ito ang ipinangako nila kay Allāh tulad ng ginawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga pangako ng mga iyon. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 33

لِّيَجۡزِيَ ٱللَّهُ ٱلصَّٰدِقِينَ بِصِدۡقِهِمۡ وَيُعَذِّبَ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ إِن شَآءَ أَوۡ يَتُوبَ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا

[Ito ay] upang gantihan ni Allāh ang mga tapat na tumupad sa ipinangako nila kay Allāh dahil sa katapatan nila at pagtupad nila sa mga pangako nila, at pagdusahin Niya ang mga mapagpaimbabaw na sumisira sa mga pangako nila kung niloob Niya na magbigay-kamatayan sa kanila bago ng pagbabalik-loob mula sa kawalang-pananampalataya nila o tumanggap sa kanila ng pagbabalik-loob sa pamamagitan ng pagtutuon sa kanila sa pagbabalik-loob. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob mula sa mga pagkakasala nito, Maawain dito. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 33

وَرَدَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِغَيۡظِهِمۡ لَمۡ يَنَالُواْ خَيۡرٗاۚ وَكَفَى ٱللَّهُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱلۡقِتَالَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ قَوِيًّا عَزِيزٗا

Nagpaurong si Allāh sa [liping] Quraysh, [liping] Ghaṭafān, at mga kasama sa kanila habang nasa pagdadalamhati nila at pagkahapis nila dahil sa pagkaalpas sa kanila ng inasahan nila, na hindi nagkamit ng ninais nila na paglipol sa mga mananampalataya. Nakasapat si Allāh sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban kasama sa kanila dahil sa ipinadala Niya na hangin at pinababa Niya na mga anghel. Laging si Allāh ay Malakas, Makapangyarihang walang nakikipanaig sa Kanya na isa man malibang nadadaig Niya at itinatatwa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 33

وَأَنزَلَ ٱلَّذِينَ ظَٰهَرُوهُم مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ مِن صَيَاصِيهِمۡ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلرُّعۡبَ فَرِيقٗا تَقۡتُلُونَ وَتَأۡسِرُونَ فَرِيقٗا

Nagpababa si Allāh sa mga tumulong sa kanila kabilang sa mga Hudyo mula sa mga kuta ng mga iyon na pinagkukutahan nila laban sa kaaway ng mga iyon. Pumukol Siya ng pangamba sa mga sarili ng mga iyon kaya may isang pangkat na pinapatay ninyo, O mga mananampalataya, at may isang pangkat na binibihag ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 33

وَأَوۡرَثَكُمۡ أَرۡضَهُمۡ وَدِيَٰرَهُمۡ وَأَمۡوَٰلَهُمۡ وَأَرۡضٗا لَّمۡ تَطَـُٔوهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٗا

Pinagmay-ari kayo ni Allāh, matapos ng pagkapahamak nila, ng lupain nila kalakip ng nilalaman nito na mga pananim at mga punong datiles. Pinagmay-ari Niya kayo ng mga tirahan nila at mga iba pang ari-arian nila. Pinagmay-ari Niya kayo ng lupain sa Khaybar na hindi pa ninyo naapakan, subalit kayo ay aapak doon. Ito ay isang pangako at isang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 33

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ قُل لِّأَزۡوَٰجِكَ إِن كُنتُنَّ تُرِدۡنَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتَهَا فَتَعَالَيۡنَ أُمَتِّعۡكُنَّ وَأُسَرِّحۡكُنَّ سَرَاحٗا جَمِيلٗا

O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo kapag humiling sila sa iyo ng pagpapaluwag sa panggugol gayong hindi ka nagkaroon ng maipaluluwag sa kanila: "Kung kayo ay nagnanais ng buhay Mundo at ng anumang narito na gayak, halikayo sa akin, magpapatamasa ako sa inyo ng ipinatatamasa sa mga diborsiyada at magdidiborsiyo ako sa inyo nang isang diborsiyong walang pamiminsala at walang pananakit. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 33

وَإِن كُنتُنَّ تُرِدۡنَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَ فَإِنَّ ٱللَّهَ أَعَدَّ لِلۡمُحۡسِنَٰتِ مِنكُنَّ أَجۡرًا عَظِيمٗا

Kung kayo ay nagnanais ng kaluguran ni Allāh at ng kaluguran ng Sugo Niya, at nagnanais kayo ng tahanang pangkabilang-buhay, magtiis kayo sa kalagayan ninyo sapagkat tunay na si Allāh ay naghanda para sa sinumang gumawa ng maganda kabilang sa inyo – dahil sa pagtitiis at kagandahan ng pakikisama – ng isang pabuyang sukdulan." info
التفاسير:

external-link copy
30 : 33

يَٰنِسَآءَ ٱلنَّبِيِّ مَن يَأۡتِ مِنكُنَّ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖ يُضَٰعَفۡ لَهَا ٱلۡعَذَابُ ضِعۡفَيۡنِۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٗا

O mga maybahay ng Propeta, ang sinumang gagawa kabilang sa inyo ng isang pagsuway na lantad ay pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon nang dalawang ulit dahil sa kalagayan niya at antas niya at dahil sa pangangalaga sa dangal ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Laging ang pag-iibayong iyon kay Allāh ay madali. info
التفاسير:
ߟߝߊߙߌ ߟߎ߫ ߢߊ߬ߕߣߐ ߘߏ߫ ߞߐߜߍ ߣߌ߲߬ ߞߊ߲߬:
• تزكية الله لأصحاب رسول الله صلى الله عليه وسلم ، وهو شرف عظيم لهم.
Ang pagpapahayag ni Allāh ng katinuan ng mga Kasamahan ng Sugo Niya – pagpalain Niya ito at pangalagaan. Ito ay isang karangalang sukdulan para sa kanila. info

• عون الله ونصره لعباده من حيث لا يحتسبون إذا اتقوا الله.
Ang tulong ni Allāh at ang pag-aadya Niya para sa mga lingkod Niya mula sa kung saan hindi nila inaasahan kapag nangilag silang magkasala sa Kanya. info

• سوء عاقبة الغدر على اليهود الذين ساعدوا الأحزاب.
Ang kasagwaan ng kahihinatnan ng pagtataksil para sa mga Hudyo na umalalay sa mga lapian. info

• اختيار أزواج النبي صلى الله عليه وسلم رضا الله ورسوله دليل على قوة إيمانهنّ.
Ang pagpili ng mga maybahay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kaluguran ni Allāh at kaluguran ng Sugo Niya ay isang patunay sa lakas ng pananampalataya nila. info