ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
36 : 33

وَمَا كَانَ لِمُؤۡمِنٖ وَلَا مُؤۡمِنَةٍ إِذَا قَضَى ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥٓ أَمۡرًا أَن يَكُونَ لَهُمُ ٱلۡخِيَرَةُ مِنۡ أَمۡرِهِمۡۗ وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلٗا مُّبِينٗا

Hindi natutumpak para sa isang lalaking mananampalataya ni sa isang babaing mananampalataya, kapag humatol si Allāh at ang Sugo Niya sa kanila ng isang bagay, na magkaroon sila ng pagpipilian sa pagtanggap dito at sa pagtanggi dito. Ang sinumang susuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay naligaw nga palayo sa landasing tuwid ayon nang isang pagkaligaw na malinaw. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 33

وَإِذۡ تَقُولُ لِلَّذِيٓ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ وَأَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِ أَمۡسِكۡ عَلَيۡكَ زَوۡجَكَ وَٱتَّقِ ٱللَّهَ وَتُخۡفِي فِي نَفۡسِكَ مَا ٱللَّهُ مُبۡدِيهِ وَتَخۡشَى ٱلنَّاسَ وَٱللَّهُ أَحَقُّ أَن تَخۡشَىٰهُۖ فَلَمَّا قَضَىٰ زَيۡدٞ مِّنۡهَا وَطَرٗا زَوَّجۡنَٰكَهَا لِكَيۡ لَا يَكُونَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ حَرَجٞ فِيٓ أَزۡوَٰجِ أَدۡعِيَآئِهِمۡ إِذَا قَضَوۡاْ مِنۡهُنَّ وَطَرٗاۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ مَفۡعُولٗا

[Banggitin] noong nagsasabi ka, O Sugo, sa biniyayaan ni Allāh ng biyaya ng Islām at biniyayaan mo mismo ng pagpapalaya – ang tinutukoy ay si Zayd bin Ḥārithah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa – nang dumating siya sa iyo na sumasangguni hinggil sa pumapatungkol pagdidiborsiyo sa maybahay niyang si Zaynab bint Jaḥsh. Nagsasabi ka sa kanya: "Panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo, huwag mo siyang diborsiyuhin, at mangilag kang magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya," samantalang naglilihim ka sa sarili mo ng ikinasi ni Allāh sa iyo na pagpapakasal kay Zaynab, dala ng takot sa mga tao. Si Allāh ay maglalantad sa pagdiborsiyo ni Zayd kay Zaynab, pagkatapos sa pagpapakasal mo sa kanya. Si Allāh ay higit na marapat na katakutan mo kaugnay sa bagay na ito. Kaya noong lumuwag ang loob ni Zayd, umayaw siya rito, at nagdiborsiyo siya rito, ipinakasal ito sa iyo ni Allāh upang hindi magkaroon para sa mga mananampalataya ng isang kasalanan sa pag-aasawa sa mga maybahay ng mga anak nila sa pag-aampon kapag nagdiborsiyo ang mga ito sa mga iyon at natapos ang `iddah ng mga iyon. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa: walang pipigil dito at walang hahadlang dito. info
التفاسير:

external-link copy
38 : 33

مَّا كَانَ عَلَى ٱلنَّبِيِّ مِنۡ حَرَجٖ فِيمَا فَرَضَ ٱللَّهُ لَهُۥۖ سُنَّةَ ٱللَّهِ فِي ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلُۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ قَدَرٗا مَّقۡدُورًا

Hindi nangyaring kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay may anumang kasalanan o panggigipit kaugnay sa ipinahintulot ni Allāh na pagpapakasal sa [dating] maybahay ng anak niya sa pag-aampon. Siya, kaugnay roon, ay sumusunod sa kalakaran ng mga propeta bago pa niya sapagkat siya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi kauna-unahan sa mga sugo kaugnay roon. Laging ang itinatadhana ni Allāh – na pagsasagawa ng kasal na ito at pagpapawalang-saysay sa pag-aampon samantalang ang Propeta ay hindi nagkaroon dito ng opinyon o mapagpipilian – ay isang pagtatadhanang matutupad, na walang makahahadlang dito. info
التفاسير:

external-link copy
39 : 33

ٱلَّذِينَ يُبَلِّغُونَ رِسَٰلَٰتِ ٱللَّهِ وَيَخۡشَوۡنَهُۥ وَلَا يَخۡشَوۡنَ أَحَدًا إِلَّا ٱللَّهَۗ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ حَسِيبٗا

Itong mga propeta ay ang nagpaabot ng mga pasugo ni Allāh na pinababa sa kanila sa mga kalipunan nila. Hindi sila nangangamba sa isa man maliban kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – kaya hindi sila pumapansin sa sinasabi ng iba pa sa kanila kapag ginagawa nila ang ipinahintulot ni Allāh para sa kanila. Nakasapat si Allāh bilang tagaingat sa mga gawain ng mga lingkod Niya upang tumuos sa kanila sa mga ito at gumanti sa kanila sa mga ito, na kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [din ang ganti]. info
التفاسير:

external-link copy
40 : 33

مَّا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَآ أَحَدٖ مِّن رِّجَالِكُمۡ وَلَٰكِن رَّسُولَ ٱللَّهِ وَخَاتَمَ ٱلنَّبِيِّـۧنَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا

Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo sapagkat hindi siya ama ni Zayd upang ipagbawal sa kanya ang pagpapakasal sa dating maybahay ni Zayd kapag diniborsiyo nito iyon, subalit siya ay ang Sugo ni Allāh sa mga tao at ang pangwakas sa mga propeta sapagkat walang propeta matapos niya. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kabilang sa nauukol sa mga lingkod Niya. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 33

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ ذِكۡرٗا كَثِيرٗا

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, alalahanin ninyo si Allāh sa pamamagitan ng mga puso ninyo, mga dila ninyo, at mga bahagi ng katawan ninyo nang pag-aalaalang madalas. info
التفاسير:

external-link copy
42 : 33

وَسَبِّحُوهُ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلًا

Pakasakdalin ninyo Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pamamagitan ng pagluluwalhati at pagpapahayag ng kaisahan Niya sa simula ng maghapon at katapusan nito dahil sa kainaman ng dalawang oras na ito. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 33

هُوَ ٱلَّذِي يُصَلِّي عَلَيۡكُمۡ وَمَلَٰٓئِكَتُهُۥ لِيُخۡرِجَكُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَكَانَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ رَحِيمٗا

Siya ay ang naaawa sa inyo at nagbubunyi sa inyo. Dumadalangin para sa inyo ang mga anghel Niya para palabasin kayo mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya tungo sa liwanag ng pananampalataya. Laging Siya sa mga mananampalataya ay Maawain sapagkat hindi Siya nagpaparusa sa kanila kapag sila ay tumalima sa Kanya, sumunod sa ipinag-uutos Niya at umiwas sa sinasaway Niya. info
التفاسير:
ߟߝߊߙߌ ߟߎ߫ ߢߊ߬ߕߣߐ ߘߏ߫ ߞߐߜߍ ߣߌ߲߬ ߞߊ߲߬:
• وجوب استسلام المؤمن لحكم الله والانقياد له.
Ang pagkatungkulin ng pagsuko ng mananampalataya sa kahatulan ni Allāh at ang pagpapaakay sa Kanya. info

• اطلاع الله على ما في النفوس.
Ang pagkabatid ni Allāh sa anumang nasa mga kaluluwa. info

• من مناقب أم المؤمنين زينب بنت جحش: أنْ زوّجها الله من فوق سبع سماوات.
Kabilang sa mga tampok na katangian ng ina ng mga mananampalataya na si Zaynab bint Jaḥsh ay na ipinakasal siya ni Allāh mula sa ibabaw ng pitong langit. info

• فضل ذكر الله، خاصة وقت الصباح والمساء.
Ang kalamangan ng pag-alaala kay Allāh, lalo na sa oras ng umaga at gabi. info