Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na taƙaitaccen tafsirin AlƘur'ani mai girma.

Lambar shafi:close

external-link copy
114 : 4

۞ لَّا خَيۡرَ فِي كَثِيرٖ مِّن نَّجۡوَىٰهُمۡ إِلَّا مَنۡ أَمَرَ بِصَدَقَةٍ أَوۡ مَعۡرُوفٍ أَوۡ إِصۡلَٰحِۭ بَيۡنَ ٱلنَّاسِۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ ٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِ ٱللَّهِ فَسَوۡفَ نُؤۡتِيهِ أَجۡرًا عَظِيمٗا

Walang mabuti sa maraming pag-uusap na inililihim ng mga tao at walang pakinabang mula rito, maliban kung ang pag-uusap nila ay isang pag-uutos sa isang pagkakawanggawa o isang nakabubuting inihatid ng batas ng Islām at pinatunayan ng isip o isang paanyaya sa pagsasaayos sa pagitan ng mga nagsisigalutan. Ang sinumang gumagawa niyon dala ng paghahanap ng pagkalugod ni Allāh ay bibigyan siya ng isang gantimpalang sukdulan. info
التفاسير:

external-link copy
115 : 4

وَمَن يُشَاقِقِ ٱلرَّسُولَ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُ ٱلۡهُدَىٰ وَيَتَّبِعۡ غَيۡرَ سَبِيلِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ نُوَلِّهِۦ مَا تَوَلَّىٰ وَنُصۡلِهِۦ جَهَنَّمَۖ وَسَآءَتۡ مَصِيرًا

Ang sinumang nakikipagmatigasan sa Sugo at sumasalungat dito sa inihatid nito nang matapos na lumiwanag para sa kanya ang katotohanan at sumusunod sa daang iba pa sa daan ng mga mananampalataya, mag-iiwan Kami sa kanya kasama ng pinili niya para sa sarili niya, hindi Kami magtutuon sa kanya sa katotohanan dahil sa pag-ayaw niya nang sadyaan, at magpapasok Kami sa kanya sa apoy ng Impiyerno upang magdusa sa init nito. Kay sagwa ito bilang uwian sa mga mananahan doon! info
التفاسير:

external-link copy
116 : 4

إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا

Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya, bagkus magpapanatili Siya sa tagapagtambal sa Apoy, at magpapatawad sa anuman bukod pa sa Shirk na mga pagsuway sa sinumang loloobin Niya dahil sa awa Niya at kabutihang-loob Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ng isa man ay nalihis nga sa katotohanan at napalayo buhat dito nang pagkakalayong marami dahil siya ay nagpapantay sa pagitan ng Tagapaglikha at nilikha. info
التفاسير:

external-link copy
117 : 4

إِن يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦٓ إِلَّآ إِنَٰثٗا وَإِن يَدۡعُونَ إِلَّا شَيۡطَٰنٗا مَّرِيدٗا

Walang sinasamba ang mga tagapagtambal na ito at dinadalanginan kasama kay Allāh kundi mga babaing pinangalanan ng mga pangalan ng mga babae gaya ng Allāt at Al`uzzā, na walang pakinabang dito ni kapinsalaan. Wala silang sinasamba, sa totoo, kundi isang demonyong lumalabas sa pagtalima kay Allāh, na walang kabutihan dito dahil ito ay ang nag-utos sa kanila sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. info
التفاسير:

external-link copy
118 : 4

لَّعَنَهُ ٱللَّهُۘ وَقَالَ لَأَتَّخِذَنَّ مِنۡ عِبَادِكَ نَصِيبٗا مَّفۡرُوضٗا

Dahil doon, itinaboy ito ni Allāh mula sa awa Niya at nagsabi pa ang demonyong ito sa Panginoon habang nanunumpa: "Talagang gagawa nga ako para sa akin mula sa mga lingkod Mo ng isang bahaging nalalaman, na ililihis ko sila palayo sa katotohanan." info
التفاسير:

external-link copy
119 : 4

وَلَأُضِلَّنَّهُمۡ وَلَأُمَنِّيَنَّهُمۡ وَلَأٓمُرَنَّهُمۡ فَلَيُبَتِّكُنَّ ءَاذَانَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ وَلَأٓمُرَنَّهُمۡ فَلَيُغَيِّرُنَّ خَلۡقَ ٱللَّهِۚ وَمَن يَتَّخِذِ ٱلشَّيۡطَٰنَ وَلِيّٗا مِّن دُونِ ٱللَّهِ فَقَدۡ خَسِرَ خُسۡرَانٗا مُّبِينٗا

Talagang magbabalakid nga ako sa kanila sa landasin Mong tuwid, talagang magpapamithi nga ako sa kanila ng mga pangakong sinungaling na maggagayak para sa kanila ng pagkaligaw nila, talagang mag-uutos nga ako sa kanila ng pagpuputul-putol ng mga tainga ng mga hayupan para sa pagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh mula sa mga ito, at talagang mag-uutos nga ako sa kanila ng pagpapalit sa pagkakalikha ni Allāh at kalikasan ng pagkalalang Niya." Ang sinumang gumagawa sa demonyo bilang katangkilik na tinatangkilik niya at tinatalima niya ay nalugi nga siya ng isang pagkaluging malinaw dahil sa pakikipagtangkilik sa demonyong isinumpa. info
التفاسير:

external-link copy
120 : 4

يَعِدُهُمۡ وَيُمَنِّيهِمۡۖ وَمَا يَعِدُهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ إِلَّا غُرُورًا

Nangangako sa kanila ang demonyo ng mga pangakong sinungaling at nagpapamithi siya ng mga mithiing bulaan. Wala siyang ipinangangako sa kanila, sa totoo, kundi isang kabulaanang walang katotohanan. info
التفاسير:

external-link copy
121 : 4

أُوْلَٰٓئِكَ مَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُ وَلَا يَجِدُونَ عَنۡهَا مَحِيصٗا

Ang mga sumusunod na iyon sa mga bakas ng demonyo at anumang idinidikta niya sa kanila, ang tuluyan nila ay apoy ng Impiyerno; hindi sila makatatagpo palayo roon na isang matatakbuhang dadaupan nila. info
التفاسير:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• أكثر تناجي الناس لا خير فيه، بل ربما كان فيه وزر، وقليل من كلامهم فيما بينهم يتضمن خيرًا ومعروفًا.
Ang higit na marami sa mga bulungan ng mga tao ay walang kabutihan roon, bagkus marahil mayroong kasalanan doon, at ang kaunti sa pag-uusap nila sa pagitan nila ay naglalaman ng kabutihan at nakabubuti. info

• معاندة الرسول صلى الله عليه وسلم ومخالفة سبيل المؤمنين نهايتها البعد عن الله ودخول النار.
Ang pakikipagmatigasan sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang pagsalungat sa landas ng mga mananampalataya, ang wakas nito ay ang pagkakalayo kay Allāh at ang pagpasok sa Apoy. info

• كل الذنوب تحت مشيئة الله، فقد يُغفر لصاحبها، إلا الشرك، فلا يغفره الله أبدًا، إذا لم يتب صاحبه ومات عليه.
Ang lahat ng mga pagkakasala ay nasa ilalim ng kalooban ni Allāh sapagkat maaaring magpapatawad Siya sa nakagawa nito maliban sa Shirk sapagkat hindi magpapatawad sa kanya si Allāh magpakailanman kapag hindi nagbalik-loob ang nakagawa nito at namatay siya rito. info

• غاية الشيطان صرف الناس عن عبادة الله تعالى، ومن أعظم وسائله تزيين الباطل بالأماني الغرارة والوعود الكاذبة.
Ang layon ng demonyo ay ibaling ang mga tao palayo sa pagsamba kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Kabilang sa pinakamabigat sa mga kaparaanan niya ay ang paggagayak sa kabulaanan sa pamamagitan ng mga mithiing mapanghibang at mga pangakong sinungaling. info