Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na taƙaitaccen tafsirin AlƘur'ani mai girma.

Lambar shafi:close

external-link copy
75 : 4

وَمَا لَكُمۡ لَا تُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلۡمُسۡتَضۡعَفِينَ مِنَ ٱلرِّجَالِ وَٱلنِّسَآءِ وَٱلۡوِلۡدَٰنِ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَآ أَخۡرِجۡنَا مِنۡ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلظَّالِمِ أَهۡلُهَا وَٱجۡعَل لَّنَا مِن لَّدُنكَ وَلِيّٗا وَٱجۡعَل لَّنَا مِن لَّدُنكَ نَصِيرًا

Ano ang pumipigil sa inyo, O mga mananampalataya, sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh para sa pagtataas ng Salita Niya at para sa pagsasagip ng mga minamahina kabilang sa mga lalaki, mga babae, at mga paslit, na dumadalangin kay Allāh, na mga nagsasabi: "O Panginoon namin, magpalisan Ka sa amin mula sa Makkah dahil sa paglabag sa katarungan ng mga naninirihan dito dahil sa pagtatambal sa Iyo at pangangaway sa mga lingkod Mo, magtalaga Ka para sa amin mula sa ganang Iyo ng isang tatangkilik sa kapakanan namin sa pamamagitan ng pag-aalaga at pangangalaga, at ng isang mapag-adyang magtutulak palayo sa amin ng kapinsalaan." info
التفاسير:

external-link copy
76 : 4

ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱلطَّٰغُوتِ فَقَٰتِلُوٓاْ أَوۡلِيَآءَ ٱلشَّيۡطَٰنِۖ إِنَّ كَيۡدَ ٱلشَّيۡطَٰنِ كَانَ ضَعِيفًا

Ang mga sumampalatayang tapat ay nakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh para sa pagtataas ng Salita Niya samantalang ang mga tagatangging sumampalataya ay nakikipaglaban ayon sa landas ng mga diyos nila. Kaya makipaglaban kayo sa mga katulong ng demonyo sapagkat tunay na kayo, kung nakipaglaban kayo sa kanila, ay dadaig sa kanila dahil ang pangangasiwa ng demonyo ay laging mahina: hindi nakapipinsala sa mga nananalig kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info
التفاسير:

external-link copy
77 : 4

أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ قِيلَ لَهُمۡ كُفُّوٓاْ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ فَلَمَّا كُتِبَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقِتَالُ إِذَا فَرِيقٞ مِّنۡهُمۡ يَخۡشَوۡنَ ٱلنَّاسَ كَخَشۡيَةِ ٱللَّهِ أَوۡ أَشَدَّ خَشۡيَةٗۚ وَقَالُواْ رَبَّنَا لِمَ كَتَبۡتَ عَلَيۡنَا ٱلۡقِتَالَ لَوۡلَآ أَخَّرۡتَنَآ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖۗ قُلۡ مَتَٰعُ ٱلدُّنۡيَا قَلِيلٞ وَٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لِّمَنِ ٱتَّقَىٰ وَلَا تُظۡلَمُونَ فَتِيلًا

Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, sa lagay ng ilan sa mga Kasamahan mo, na humiling na isatungkulin sa kanila ang pakikibaka kaya sinabihan sila: "Magpigil kayo ng mga kamay ninyo sa pakikipaglaban, magpanatili kayo ng pagdarasal, at magbigay kayo ng zakāh." Iyon ay bago ng pagsasatungkulin ng pakikibaka, ngunit noong lumikas sila sa Madīnah at ang Islām ay naging malakas at isinatungkulin ang pakikipaglaban, humirap iyon sa ilan sa kanila at sila ay naging nangangamba sa mga tao gaya ng pangangamba nila kay Allāh o higit na matindi pa. Nagsabi sila: "O Panginoon Namin, bakit Ka nagsatungkulin sa amin ng pakikipaglaban? Bakit kaya hindi Ka nag-antala nito sa maikling yugto hanggang sa magtamasa kami sa Mundo?" Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang natatamasa sa Mundo saanman umabot ay kakaunti, maglalaho. Ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa sinumang nangilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil sa pamamalagi ng anumang naroon na lugod. Hindi kayo babawasan sa mga gawa ninyong maayos ng anuman, kahit pa man kasing laki ng hiblang nasa buto ng datiles." info
التفاسير:

external-link copy
78 : 4

أَيۡنَمَا تَكُونُواْ يُدۡرِككُّمُ ٱلۡمَوۡتُ وَلَوۡ كُنتُمۡ فِي بُرُوجٖ مُّشَيَّدَةٖۗ وَإِن تُصِبۡهُمۡ حَسَنَةٞ يَقُولُواْ هَٰذِهِۦ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةٞ يَقُولُواْ هَٰذِهِۦ مِنۡ عِندِكَۚ قُلۡ كُلّٞ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ فَمَالِ هَٰٓؤُلَآءِ ٱلۡقَوۡمِ لَا يَكَادُونَ يَفۡقَهُونَ حَدِيثٗا

Maging nasaan man kayo, hahabol sa inyo ang kamatayan kapag dumating ang taning ninyo kahit pa man kayo ay nasa mga kastilyong matibay na malayo sa larangan ng labanan. Kung sumasapit sa mga mapagpaimbabaw na ito ang ikinagagalak nila gaya ng anak at maraming kabuhayan ay nagsasabi sila: "Ito ay mula sa ganang kay Allāh." Kung may sumasapit naman sa kanila na isang kasawiang-palad sa anak o kabuhayan ay nagtuturing sila ng kamalasan mula sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at nagsasabi: "Ang kamalasang ito ay dahil sa iyo." Sabihin mo, O Sugo, bilang pagtugon sa mga ito: "Lahat ng pampagalak at pampinsala ay ayon sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya." Kaya ano ang mayroon dito sa mga namumutawi sa kanila ang pananalitang ito, na hindi halos sila nakaiintindi sa pananalita mo sa kanila? info
التفاسير:

external-link copy
79 : 4

مَّآ أَصَابَكَ مِنۡ حَسَنَةٖ فَمِنَ ٱللَّهِۖ وَمَآ أَصَابَكَ مِن سَيِّئَةٖ فَمِن نَّفۡسِكَۚ وَأَرۡسَلۡنَٰكَ لِلنَّاسِ رَسُولٗاۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدٗا

Ang anumang sumapit sa iyo, O anak ni Adan, na nagpapalugod sa iyo gaya ng panustos at anak, ito ay mula kay Allāh, na nagmabuting-loob nito sa iyo. Ang anumang sumapit sa iyo na nagpapasama ng loob mo kaugnay sa kabuhayan mo at anak mo, ito ay mula sa sarili mo dahilan sa nagawa mo na mga pagsuway. Nagpadala nga sa iyo si Allāh, O Propeta, para sa lahat ng mga tao bilang sugo mula sa Kanya, na nagpapaabot ka sa kanila ng pasugo ng Panginoon mo. Nakasapat si Allāh bilang tagasaksi sa katapatan mo sa ipinaabot mo sa pamamagitan ng ibinigay Niya sa iyo na mga patunay at mga katibayan. info
التفاسير:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• وجوب القتال لإعلاء كلمة الله ونصرة المستضعفين، وذم الخوف والجبن والاعتراض على أحكام الله.
Ang pagkatungkulin ng pakikipaglaban para sa pagtataas ng Salita ni Allāh, ng pag-aadya sa mga minamahina, at ng pagpula sa pangamba, sa karuwagan, at sa pagtutol sa mga kahatulan ni Allāh. info

• الدار الآخرة خير من الدنيا وما فيها من متاع وشهوات لمن اتقى الله تعالى وعمل بطاعته.
Ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang nasa loob nito gaya ng tinatamasa at mga ninanasa, para sa sinumang nangilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at gumawa ayon sa pagtalima sa Kanya. info

• الخير والشر كله بقدر الله، وقد يبتلي الله عباده ببعض السوء في الدنيا لأسباب، منها: ذنوبهم ومعاصيهم.
Ang kabutihan at ang kasamaan sa kabuuan nito ay ayon sa pagtatakda ni Allāh. Maaaring sumubok si Allāh sa mga lingkod Niya ng ilang kasamaan sa Mundo dahil sa mga kadahilanan, na kabilang sa mga ito ang mga pagkakasala nila at ang mga pagsuway nila. info