Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
46 : 11

قَالَ يَٰنُوحُ إِنَّهُۥ لَيۡسَ مِنۡ أَهۡلِكَۖ إِنَّهُۥ عَمَلٌ غَيۡرُ صَٰلِحٖۖ فَلَا تَسۡـَٔلۡنِ مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٌۖ إِنِّيٓ أَعِظُكَ أَن تَكُونَ مِنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ

Nagsabi si Allāh kay Noe: "O Noe, tunay na ang anak mo na hiniling mo sa Akin na iligtas siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo na nangako Ako sa iyo na iligtas sila dahil siya ay isang tagatangging sumampalataya. Tunay na ang paghiling mo, O Noe, ay isang gawaing hindi naaangkop sa iyo at hindi nababagay para sa sinumang nasa katayuan mo. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nagbibigay-babala sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang para humiling ka sa Akin ng sumasalungat sa kaalaman Ko at karunungan Ko." info
التفاسير:

external-link copy
47 : 11

قَالَ رَبِّ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِكَ أَنۡ أَسۡـَٔلَكَ مَا لَيۡسَ لِي بِهِۦ عِلۡمٞۖ وَإِلَّا تَغۡفِرۡ لِي وَتَرۡحَمۡنِيٓ أَكُن مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ

Nagsabi si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Panginoon ko, tunay na ako ay dumudulog at nagpapasanggalang sa Iyo laban sa paghiling ko sa Iyo ng walang kaalaman para sa akin hinggil doon. Kung hindi Ka magpapatawad sa akin sa pagkakasala ko at maaawa sa akin sa pamamagitan ng awa Mo, ako ay magiging kabilang sa mga lugi na nagpalugi ng mga bahagi nila sa Kabilang-buhay." info
التفاسير:

external-link copy
48 : 11

قِيلَ يَٰنُوحُ ٱهۡبِطۡ بِسَلَٰمٖ مِّنَّا وَبَرَكَٰتٍ عَلَيۡكَ وَعَلَىٰٓ أُمَمٖ مِّمَّن مَّعَكَۚ وَأُمَمٞ سَنُمَتِّعُهُمۡ ثُمَّ يَمَسُّهُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٞ

Nagsabi si Allāh kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Noe, bumaba ka mula sa arko sa lupa nang may kaligtasan, katiwasayan, at mga biyayang marami mula kay Allāh sa iyo at sa mga supling ng mga kasama sa iyo sa arko kabilang sa mga mananampalataya, na darating matapos mo. May mga ibang kalipunang kabilang sa mga supling nila na mga tagatangging sumampalataya na pagtatamasain Namin sa buhay na ito sa Mundo. Magbibigay Kami sa kanila ng ikabubuhay nila, pagkatapos may hahantong sa kanila mula sa Amin sa Kabilang-buhay na isang pagdurusang nakasasakit." info
التفاسير:

external-link copy
49 : 11

تِلۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهَآ إِلَيۡكَۖ مَا كُنتَ تَعۡلَمُهَآ أَنتَ وَلَا قَوۡمُكَ مِن قَبۡلِ هَٰذَاۖ فَٱصۡبِرۡۖ إِنَّ ٱلۡعَٰقِبَةَ لِلۡمُتَّقِينَ

Itong kasaysayan ni Noe ay kabilang sa mga ulat ng Lingid. Hindi ka dati, O Sugo, nakaaalam nito. Ang mga tao mo noon ay hindi nakaaalam ng mga ito bago pa ng pagkakasi na ito na ikinasi ni Allāh sa iyo. Kaya magtiis ka sa pananakit ng mga tao mo at pagpapasinungaling nila kung paanong nagtiis si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Tunay na ang pagwawagi at ang pananaig ay ukol sa mga sumusunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiiwas sa mga sinasaway Niya. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 11

وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمۡ هُودٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۖ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا مُفۡتَرُونَ

Nagsugo Kami sa [liping] `Ād ng kapatid nilang si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsabi siya sa kanila: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang at huwag kayong magtambal kasama sa Kanya ng isa man; walang ukol sa inyo na isang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Walang iba kayo sa pag-aangkin ninyo na mayroon Siyang katambal kundi mga sinungaling." info
التفاسير:

external-link copy
51 : 11

يَٰقَوۡمِ لَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ أَجۡرًاۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱلَّذِي فَطَرَنِيٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ

O mga kalipi ko, hindi ako humihiling mula sa inyo ng isang gantimpala dahil sa nagpapaabot ako sa inyo mula sa Panginoon ko at nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa Kanya. Walang iba ang gantimpala ko kundi nasa kay Allāh na lumikha sa akin. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa niyon at tutugon sa ipinaaanyaya ko sa inyo? info
التفاسير:

external-link copy
52 : 11

وَيَٰقَوۡمِ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِ يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارٗا وَيَزِدۡكُمۡ قُوَّةً إِلَىٰ قُوَّتِكُمۡ وَلَا تَتَوَلَّوۡاْ مُجۡرِمِينَ

O mga kalipi ko, humiling kayo ng kapatawaran mula kay Allāh, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya mula sa mga pagkakasala ninyo – at ang pinakamalaki sa mga ito ay ang shirk – maggagantimpala Siya sa inyo roon sa pamamagitan ng pagpapababa ng maraming ulan at magdaragdag Siya sa inyo ng kapangyarihan sa [dating] kapangyarihan ninyo sa pamamagitan ng pagpaparami sa mga supling at mga yaman. Huwag kayong umayaw sa ipinaaanyaya ko sa inyo para kayo maging mga salarin dahil sa pag-ayaw ninyo sa paanyaya ko, kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh, at pagpapasinungaling ninyo sa inihatid ko. info
التفاسير:

external-link copy
53 : 11

قَالُواْ يَٰهُودُ مَا جِئۡتَنَا بِبَيِّنَةٖ وَمَا نَحۡنُ بِتَارِكِيٓ ءَالِهَتِنَا عَن قَوۡلِكَ وَمَا نَحۡنُ لَكَ بِمُؤۡمِنِينَ

Nagsabi ang mga kalipi niya: "O Hūd, hindi ka nagdala sa amin ng isang katwirang hayag na magsasanhi sa amin na maniwala sa iyo. Hindi kami mga mag-iiwan sa pagsamba sa mga diyos namin alang-alang sa sabi mong salat sa katwiran at hindi kami mga maniniwala sa iyo sa inaangkin mo na ikaw ay isang sugo. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• لا يملك الأنبياء الشفاعة لمن كفر بالله حتى لو كانوا أبناءهم.
Hindi nakapagdudulot ang mga propeta ng pamamagitan sa sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh kahit pa man sila ay mga anak nila. info

• عفة الداعية وتنزهه عما في أيدي الناس أقرب للقبول منه.
Ang kabinihan ng tagapag-anyaya tungo kay Allāh at ang pagwawalang-kaugnayan niya sa taglay ng mga kamay ng mga tao ay higit na malapit para sa pagtanggap mula sa kanya. info

• فضل الاستغفار والتوبة، وأنهما سبب إنزال المطر وزيادة الذرية والأموال.
Ang kainaman ng paghingi ng tawad at ng pagbabalik-loob, at na ang dalawang ito ay kadahilanan ng pagpapababa ng ulan at pagkadagdag ng mga supling at mga yaman. info