Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
13 : 11

أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ فَأۡتُواْ بِعَشۡرِ سُوَرٖ مِّثۡلِهِۦ مُفۡتَرَيَٰتٖ وَٱدۡعُواْ مَنِ ٱسۡتَطَعۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Bagkus nagsasabi ba ang mga tagapagtambal: "Lumikha-likha si Muḥammad ng Qur'ān at hindi ito isang kasi mula kay Allāh?" Sabihin mo, O Sugo, habang naghahamon sa kanila: "Kaya maglahad kayo ng sampung nilikha-likhang kabanata tulad ng Qur'ān na ito, na hindi kayo naoobliga sa mga ito ng katapatan tulad ng Qur'ān na inaakala ninyo na ito ay nilikha-likha. Tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyong tawagin upang magpatulong kayo rito para roon kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin na ang Qur'ān ay nilikha-likha." info
التفاسير:

external-link copy
14 : 11

فَإِلَّمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَكُمۡ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَآ أُنزِلَ بِعِلۡمِ ٱللَّهِ وَأَن لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَهَلۡ أَنتُم مُّسۡلِمُونَ

Kaya kung hindi sila nagdala ng hiniling ninyo mula sa kanila dahil sa kawalan ng kakayahan nila roon, alamin ninyo, O mga mananampalataya, ayon sa kaalamang tiyak na ang Qur'ān ay pinababa lamang ni Allāh sa Sugo Niya nang may kaalaman Niya at hindi nilikha-likha, at alamin ninyo na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. Kaya kayo ba ay mga nagpapaakay sa Kanya matapos ng mga kapani-paniwalang katwirang ito? info
التفاسير:

external-link copy
15 : 11

مَن كَانَ يُرِيدُ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتَهَا نُوَفِّ إِلَيۡهِمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ فِيهَا وَهُمۡ فِيهَا لَا يُبۡخَسُونَ

Ang sinumang nagnanais dahil sa gawa niya ng buhay na pangmundo at ng mga tinatamasa ritong naglalaho at hindi nagnanais dahil doon ng Kabilang-buhay, magbibigay Kami sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila sa Mundo [gaya ng] kalusugan, katiwasayan, at kaluwagan sa panustos habang hindi sila binabawasan ng anuman mula sa gantimpala sa gawa nila. info
التفاسير:

external-link copy
16 : 11

أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَيۡسَ لَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ إِلَّا ٱلنَّارُۖ وَحَبِطَ مَا صَنَعُواْ فِيهَا وَبَٰطِلٞ مَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Ang mga nailarawang iyon sa layuning kasisi-sising ito ay walang ukol sa kanilang gantimpala sa Araw ng Pagbangon kundi ang Apoy upang pasukin nila. Nawala sa kanila ang gantimpala ng mga gawa nila. Ang mga gawa nila ay walang-saysay dahil ang mga ito ay hindi naunahan ng isang pananampalataya ni ng isang layuning tumpak sapagkat hindi sila nagnais dahil sa mga ito ng [lugod ng] mukha ni Allāh at ng tahanan sa Kabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 11

أَفَمَن كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّهِۦ وَيَتۡلُوهُ شَاهِدٞ مِّنۡهُ وَمِن قَبۡلِهِۦ كِتَٰبُ مُوسَىٰٓ إِمَامٗا وَرَحۡمَةًۚ أُوْلَٰٓئِكَ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۚ وَمَن يَكۡفُرۡ بِهِۦ مِنَ ٱلۡأَحۡزَابِ فَٱلنَّارُ مَوۡعِدُهُۥۚ فَلَا تَكُ فِي مِرۡيَةٖ مِّنۡهُۚ إِنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤۡمِنُونَ

Hindi nagkakapantay [iyon at] si Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na may kasama sa kanyang isang patotoo mula sa Panginoon niya – pagkataas-taas Siya. Sumusunod sa kanya ang isang tagasaksi mula sa Panginoon niya, na si Anghel Gabriel, at sumasaksi sa kanya bago pa man sa pagkapropeta niya ang Torah na pinababa kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang huwaran ng mga tao at bilang awa sa kanila. Siya at ang sinumang sumampalataya kasama sa kanya ay hindi nakapapantay ng mga tagatangging sumampalatayang iyan na mga nag-aapuhap sa pagkaligaw. Ang mga iyon ay sumasampalataya kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa Qur'ān na pinababa sa kanya. Ang sinumang tumangging sumampalataya sa kanya kabilang sa mga tagasunod ng mga kapaniwalaan, ang Apoy ay ipinangako rito sa Araw ng Pagbangon. Kaya ikaw, O Sugo, ay huwag maging nasa isang pag-aalinlangan sa Qur'ān at sa ipinangako sa kanila sapagkat ito ang katotohanang walang pagdududa hinggil dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya sa kabila ng pagkakatigan ng mga patunay na maliwanag at mga patotoong hayag. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 11

وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ يُعۡرَضُونَ عَلَىٰ رَبِّهِمۡ وَيَقُولُ ٱلۡأَشۡهَٰدُ هَٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ كَذَبُواْ عَلَىٰ رَبِّهِمۡۚ أَلَا لَعۡنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلظَّٰلِمِينَ

Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal o anak sa Kanya. Ang mga lumilikha-likha ng kasinungalingan laban kay Allāh ay ilalahad sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon upang magtanong Siya sa kanila tungkol sa mga gawain nila at magsasabi ang mga saksi laban sa kanila kabilang sa mga anghel at mga isinugo: "Ang mga ito ay ang mga nagsinungaling laban kay Allāh sa pamamagitan ng iniugnay nila sa Kanya na katambal at anak." Pansinin, itinaboy ni Allāh mula sa awa Niya ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagsisinungaling laban kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 11

ٱلَّذِينَ يَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَيَبۡغُونَهَا عِوَجٗا وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ كَٰفِرُونَ

Ang mga pumipigil sa mga tao sa tuwid na landas ni Allāh at humihiling para sa landas Niya ng pagkabaluktot palayo sa pagkamatuwid upang hindi ito tahakin ng isa man habang sila ay tumatangging sumampalataya sa pagkabuhay matapos ng kamatayan at nagkakaila rito. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• تحدي الله تعالى للمشركين بالإتيان بعشر سور من مثل القرآن، وبيان عجزهم عن الإتيان بذلك.
Ang paghamon ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga tagapagtambal na maglahad ng sampung kabanata mula sa tulad ng Qur'ān at ang paglilinaw sa kawalang-kakayahan nila sa paglalahad niyon. info

• إذا أُعْطِي الكافر مبتغاه من الدنيا فليس له في الآخرة إلّا النار.
Kapag binigyan ang tagatangging sumampalataya ng minimithi nito mula sa Mundo, walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay kundi ang Apoy. info

• عظم ظلم من يفتري على الله الكذب وعظم عقابه يوم القيامة.
Ang bigat ng kawalang-katarungan ng sinumang gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan at ang bigat ng parusa sa kanya sa Araw ng Pagbangon. info