Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
72 : 11

قَالَتۡ يَٰوَيۡلَتَىٰٓ ءَأَلِدُ وَأَنَا۠ عَجُوزٞ وَهَٰذَا بَعۡلِي شَيۡخًاۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيۡءٌ عَجِيبٞ

Nagsabi si Sarah noong nagbalita sa kanya ang mga anghel ng nakagagalak na balitang iyon habang nagtataka: "Papaano akong manganganak samantalang ako ay isang matandang walang pag-asang manganak at itong asawa ko ay umabot na sa edad ng katandaan? Tunay na ang pagsisilang ng anak sa kalagayang ito ay isang bagay na kataka-taka na hindi umaayon ang kaugalian dito." info
التفاسير:

external-link copy
73 : 11

قَالُوٓاْ أَتَعۡجَبِينَ مِنۡ أَمۡرِ ٱللَّهِۖ رَحۡمَتُ ٱللَّهِ وَبَرَكَٰتُهُۥ عَلَيۡكُمۡ أَهۡلَ ٱلۡبَيۡتِۚ إِنَّهُۥ حَمِيدٞ مَّجِيدٞ

Nagsabi ang mga anghel kay Sarah noong nagtaka siya sa nagagalak na balita: "Nagtataka ka ba sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya? Sa tulad mo ay hindi naikukubli na si Allāh ay nakakakaya ng tulad nito. Ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya ay sumainyo, O mga tao ng bahay ni Abraham. Tunay na Allāh ay Kapuri-puri sa mga katangian Niya at mga gawain Niya, May karingalan at kaangatan." info
التفاسير:

external-link copy
74 : 11

فَلَمَّا ذَهَبَ عَنۡ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلرَّوۡعُ وَجَآءَتۡهُ ٱلۡبُشۡرَىٰ يُجَٰدِلُنَا فِي قَوۡمِ لُوطٍ

Kaya noong umalis kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang pangambang dumapo sa kanya mula sa mga panauhin niya na hindi kumain ng pagkain niya, matapos ng pagkaalam niya na sila ay mga anghel, at dumating sa kanya ang balitang nakatutuwa na ipanganganak sa kanya si Isaac, pagkatapos si Jacob, nagsimula siyang nakipagtalo sa mga sugo Namin kaugnay sa lagay ng mga kababayan ni Lot, nang sa gayon sila ay magpaliban sa mga iyon ng parusa at nang sa gayon sila ay magligtas kay Lot at sa mag-anak nito. info
التفاسير:

external-link copy
75 : 11

إِنَّ إِبۡرَٰهِيمَ لَحَلِيمٌ أَوَّٰهٞ مُّنِيبٞ

Tunay na si Abraham ay matimpiin: naiibigan niya ang pagpapaliban ng kaparusahan, madalas ang pagsusumamo sa Panginoon niya, madalas ang panalangin, nagbabalik-loob sa Panginoon. info
التفاسير:

external-link copy
76 : 11

يَٰٓإِبۡرَٰهِيمُ أَعۡرِضۡ عَنۡ هَٰذَآۖ إِنَّهُۥ قَدۡ جَآءَ أَمۡرُ رَبِّكَۖ وَإِنَّهُمۡ ءَاتِيهِمۡ عَذَابٌ غَيۡرُ مَرۡدُودٖ

Nagsabi ang mga anghel: "O Abraham, umayaw ka sa pakikipagtalong ito hinggil sa mga kababayan ni Lot! Tunay na dumating na ang utos ng Panginoon mo ng pagpapaganap ng pagdurusang itinakda Niya sa kanila. Tunay na ang mga kababayan ni Lot ay pupuntahan ng isang pagdurusang sukdulan na hindi mapipigil ng isang pagtatalo ni ng isang panalangin." info
التفاسير:

external-link copy
77 : 11

وَلَمَّا جَآءَتۡ رُسُلُنَا لُوطٗا سِيٓءَ بِهِمۡ وَضَاقَ بِهِمۡ ذَرۡعٗا وَقَالَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَصِيبٞ

Noong dumating ang mga anghel kay Lot na nasa anyo ng mga lalaking tao, ikinasama ng loob niya ang pagdating nila at sumikip ang dibdib niya dahilan sa pangamba sa kanila para sa mga kababayan niyang pumapatol sa mga lalaki dala ng pagnanasa sa halip na sa mga babae. Nagsabi si Lot: "Ito ay isang araw na matindi," dahil sa pagpapalagay niya na ang mga kababayan niya ay makikipanaig sa kanya sa mga panauhin niya. info
التفاسير:

external-link copy
78 : 11

وَجَآءَهُۥ قَوۡمُهُۥ يُهۡرَعُونَ إِلَيۡهِ وَمِن قَبۡلُ كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ هَٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِي هُنَّ أَطۡهَرُ لَكُمۡۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ فِي ضَيۡفِيٓۖ أَلَيۡسَ مِنكُمۡ رَجُلٞ رَّشِيدٞ

Dumating kay Lot ang mga kababayan niya, na nagmamadaling naglalayon ng paggawa ng kahalayan sa mga panauhin niya. Bago pa niyon, ang kaugalian nila dati ay ang pagpatol sa mga lalaki dala ng pagnanasa sa halip na sa mga babae. Nagsabi si Lot habang nagtatanggol sa mga kababayan niya at humihingi ng paumanhin para sa sarili niya sa harap ng mga panauhin niya: "Ang mga ito ay mga babaing anak ko kabilang sa kabuuan ng mga kababaihan ninyo kaya magpakasal kayo sa kanila sapagkat sila ay higit na dalisay para sa inyo kaysa sa paggawa ng kahalayan. Saka mangamba kayo kay Allāh at huwag kayong magdulot sa akin ng kapintasan sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyo, O mga kababayan ko, na isang lalaking may tamang pag-iisip na sasaway sa inyo sa pangit na gawaing ito?" info
التفاسير:

external-link copy
79 : 11

قَالُواْ لَقَدۡ عَلِمۡتَ مَا لَنَا فِي بَنَاتِكَ مِنۡ حَقّٖ وَإِنَّكَ لَتَعۡلَمُ مَا نُرِيدُ

Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Talaga ngang nalaman mo, O Lot, na wala kaming pangangailangan sa mga babaing anak mo ni sa kababaihan ng mga kababayan mo, ni pagnanasa. Tunay na ikaw ay talagang nakaaalam sa ninanais namin sapagkat wala kaming ninanais kundi ang mga lalaki." info
التفاسير:

external-link copy
80 : 11

قَالَ لَوۡ أَنَّ لِي بِكُمۡ قُوَّةً أَوۡ ءَاوِيٓ إِلَىٰ رُكۡنٖ شَدِيدٖ

Nagsabi si Lot: "O kung sana mayroon akong lakas na maipantutulak ko sa inyo o isang angkang magtatanggol sa akin para humarang ako sa pagitan ninyo at ng mga panauhin ko." info
التفاسير:

external-link copy
81 : 11

قَالُواْ يَٰلُوطُ إِنَّا رُسُلُ رَبِّكَ لَن يَصِلُوٓاْ إِلَيۡكَۖ فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٖ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٌ إِلَّا ٱمۡرَأَتَكَۖ إِنَّهُۥ مُصِيبُهَا مَآ أَصَابَهُمۡۚ إِنَّ مَوۡعِدَهُمُ ٱلصُّبۡحُۚ أَلَيۡسَ ٱلصُّبۡحُ بِقَرِيبٖ

Nagsabi ang mga anghel kay Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Lot, tunay na kami ay mga sugo na isinugo ni Allāh. Hindi makapagpapaabot sa iyo ang mga kababayan mo ng isang kasagwaan. Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo mula sa pamayanang ito sa gabi sa isang madilim na oras. Huwag titingin ang isa sa inyo sa likuran niya, maliban ang maybahay mo; lilingon ito bilang pagsalungat dahil sasapit dito ang sasapit sa mga kababayan mo na pagdurusa. Tunay na ang tipanan ng pagpapahamak sa kanila ay ang umaga. Ito ay tipanang malapit na." info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• بيان فضل ومنزلة خليل الله إبراهيم عليه السلام، وأهل بيته.
Ang paglilinaw sa kalamangan at antas ng matalik na kaibigan ni Allāh na si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ng sambahayan niya. info

• مشروعية الجدال عمن يُرجى له الإيمان قبل الرفع إلى الحاكم.
Ang pagkaisinasabatas ng pakikipagtalo para sa sinumang maaasahan sa kanya ang pananampalataya bago ng pagsasampa sa tagahatol. info

• بيان فظاعة وقبح عمل قوم لوط.
Ang paglilinaw sa karumalan at kapangitan ng gawain ng mga kababayan ni Lot. info