የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ

የገፅ ቁጥር:close

external-link copy
56 : 25

وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا مُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا

Hindi Kami nagsugo sa iyo, O Sugo, kundi bilang tagapagbalita ng nakagagalak sa sinumang tumalima kay Allāh sa pamamagitan ng pananampalataya at gawang maayos at bilang tagapagbabala sa sinumang sumuway sa Kanya sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagsuway. info
التفاسير:

external-link copy
57 : 25

قُلۡ مَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍ إِلَّا مَن شَآءَ أَن يَتَّخِذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا

Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako humihingi sa inyo dahil sa pagpapaabot ng pasugo ng anumang pabuya maliban sa sinumang lumuob kabilang sa inyo na gumawa ng isang daan patungo sa kaluguran ni Allāh sa pamamagitan ng paggugol, kaya gawin niya ito." info
التفاسير:

external-link copy
58 : 25

وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱلۡحَيِّ ٱلَّذِي لَا يَمُوتُ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِهِۦۚ وَكَفَىٰ بِهِۦ بِذُنُوبِ عِبَادِهِۦ خَبِيرًا

Manalig ka, O Sugo, sa lahat ng mga nauukol sa iyo kay Allāh, ang Buhay, ang Nananatili, na hindi namamatay magpakailanman, at magpawalang-kapintasan ka sa Kanya habang nagbubunyi sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Nakasapat Siya sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, at gaganti Siya sa kanila sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
59 : 25

ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ ٱلرَّحۡمَٰنُ فَسۡـَٔلۡ بِهِۦ خَبِيرٗا

[Siya] ang lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan Niya. Siya ang Napakamaawain, kaya magtanong ka, O Sugo, sa Kanya bilang Mapagbatid. Siya ay si Allāh na nakaaalam sa bawat bagay: walang nakakukubli sa Kanya na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
60 : 25

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱسۡجُدُواْۤ لِلرَّحۡمَٰنِ قَالُواْ وَمَا ٱلرَّحۡمَٰنُ أَنَسۡجُدُ لِمَا تَأۡمُرُنَا وَزَادَهُمۡ نُفُورٗا۩

Kapag sinabi sa mga tagatangging sumampalataya: "Magpatirapa kayo sa Napakamaawain," nagsasabi sila: "Hindi kami magpapatirapa sa Napakamaawain. Ano ang Napakamaawain? Hindi kami nakakikilala sa Kanya at hindi Kami kumikilala sa Kanya. Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin na pagpapatirapaan samantalang kami ay hindi nakakikilala sa Kanya?" Nakadagdag sa kanila ang pag-uutos Niya sa kanila ng pagpapatirapa sa Kanya ng isang pagkalayo sa pananampalataya sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
61 : 25

تَبَارَكَ ٱلَّذِي جَعَلَ فِي ٱلسَّمَآءِ بُرُوجٗا وَجَعَلَ فِيهَا سِرَٰجٗا وَقَمَرٗا مُّنِيرٗا

Napakamapagpala ang gumawa sa langit ng mga kumpulan ng mga planeta at mga bituin, gumawa sa langit ng isang araw na nagsisinag ng liwanag, at gumawa roon ng isang buwang nagbibigay-liwanag sa lupa sa pamamagitan ng pinatatalbog nito mula sa tanglaw ng araw. info
التفاسير:

external-link copy
62 : 25

وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ خِلۡفَةٗ لِّمَنۡ أَرَادَ أَن يَذَّكَّرَ أَوۡ أَرَادَ شُكُورٗا

Si Allāh ay ang gumawa ng gabi at maghapon na nagsusunuran: sumusunod ang isa sa dalawa sa iba pa at pumapalit, para sa sinumang nagnais na magsaalang-alang sa mga tanda ni Allāh para mapatnubayan o nagnais ng pagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya. info
التفاسير:

external-link copy
63 : 25

وَعِبَادُ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلَّذِينَ يَمۡشُونَ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ هَوۡنٗا وَإِذَا خَاطَبَهُمُ ٱلۡجَٰهِلُونَ قَالُواْ سَلَٰمٗا

Ang mga lingkod ng Napakamaawain na mga mananampalataya ay ang mga naglalakad sa lupa nang may paggalang bilang mga tagapagpakumbaba at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay hindi sila tumutumbas sa mga ito ng tulad [niyon], bagkus nagsasabi sila sa mga ito ng nakabubuti, na hindi nag-aasal-hangal kaugnay roon sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
64 : 25

وَٱلَّذِينَ يَبِيتُونَ لِرَبِّهِمۡ سُجَّدٗا وَقِيَٰمٗا

[Sila] ang mga nagpapagabi para sa Panginoon nila habang mga nakapatirapa sa mga noo nila at mga nakatayo sa mga paa nila habang nagdarasal kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
65 : 25

وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا ٱصۡرِفۡ عَنَّا عَذَابَ جَهَنَّمَۖ إِنَّ عَذَابَهَا كَانَ غَرَامًا

[Sila] ang mga nagsasabi sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon namin, magpalayo Ka sa amin ng pagdurusa sa Impiyerno; tunay na ang pagdurusa sa Impiyerno ay laging palagiang nakadikit sa sinumang namatay na isang tagatangging sumampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 25

إِنَّهَا سَآءَتۡ مُسۡتَقَرّٗا وَمُقَامٗا

Tunay na iyon ay kay sagwa bilang lugar ng pagtigil para sa sinumang titigil doon at kay sagwa bilang pinananatilihan para sa sinumang mananatili roon." info
التفاسير:

external-link copy
67 : 25

وَٱلَّذِينَ إِذَآ أَنفَقُواْ لَمۡ يُسۡرِفُواْ وَلَمۡ يَقۡتُرُواْ وَكَانَ بَيۡنَ ذَٰلِكَ قَوَامٗا

[Sila] ang mga kapag nagkaloob ng mga salapi nila ay hindi humahantong sa pagkakaloob nila ng mga iyon sa hangganan ng pagwawaldas at hindi nagtitipid sa pagkakaloob ng mga iyon sa mga kinakailangan sa mga ito ang paggugol kabilang ang mga sarili nila o ang iba pa sa mga ito. Laging ang paggugol nila na nasa pagitan ng pagwawaldas at pagkukuripot ay makatarungang katamtaman. info
التفاسير:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• الداعي إلى الله لا يطلب الجزاء من الناس.
Ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ay hindi humihiling ng ganti sa mga tao. info

• ثبوت صفة الاستواء لله بما يليق به سبحانه وتعالى.
Ang pagtitibay ng katangian ng pagluklok para kay Allāh ayon sa naaangkop sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. info

• أن الرحمن اسم من أسماء الله لا يشاركه فيه أحد قط، دال على صفة من صفاته وهي الرحمة.
Na ang Raḥmān (Napakamaawain) ay isa sa mga pangalan ni Allāh, na walang isang nakikilahok sa Kanya rito kailanman, na nagpapatunay sa isa sa mga katangian Niya, ang awa. info

• إعانة العبد بتعاقب الليل والنهار على تدارُكِ ما فاتَهُ من الطاعة في أحدهما.
Ang pagtulong sa tao dahil sa pagsusunuran ng gabi at maghapon para sa paghahabol sa nakaalpas sa kanya na pagtalima sa [oras ng] isa sa dalawa. info

• من صفات عباد الرحمن التواضع والحلم، وطاعة الله عند غفلة الناس، والخوف من الله، والتزام التوسط في الإنفاق وفي غيره من الأمور.
Kabilang sa mga katangian ng mga lingkod ng Napakamaawain ang pagpapakumbaba, ang pagtitimpi, ang pagtalima kay Allāh sa sandali ng pagkalingat ng mga tao, ang pangamba kay Allāh, at ang pananatili sa pagkakatamtaman sa paggugol at sa iba pang mga bagay. info