የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ

የገፅ ቁጥር:close

external-link copy
44 : 25

أَمۡ تَحۡسَبُ أَنَّ أَكۡثَرَهُمۡ يَسۡمَعُونَ أَوۡ يَعۡقِلُونَۚ إِنۡ هُمۡ إِلَّا كَٱلۡأَنۡعَٰمِ بَلۡ هُمۡ أَضَلُّ سَبِيلًا

Bagkus nag-aakala ka ba, O Sugo, na ang higit na marami sa inaanyayahan mo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya ay dumidinig ng pagdinig ng pagtanggap o nakapag-uunawa sa mga katwiran at mga patotoo? Walang iba sila kundi tulad ng mga hayupan sa pagdinig, pagpapakaunawa, at pag-intindi, bagkus sila ay higit na ligaw sa daan kaysa sa mga hayupan. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 25

أَلَمۡ تَرَ إِلَىٰ رَبِّكَ كَيۡفَ مَدَّ ٱلظِّلَّ وَلَوۡ شَآءَ لَجَعَلَهُۥ سَاكِنٗا ثُمَّ جَعَلۡنَا ٱلشَّمۡسَ عَلَيۡهِ دَلِيلٗا

Hindi ka ba nakakita, O Sugo, sa mga bakas ng pagkalikha ni Allāh nang inilatag Niya ang anino sa mukha ng lupa? Kung sakaling niloob Niya na gawin itong nakatigil na hindi gumagalaw ay talaga sanang ginawa Niya ito na ganoon. Pagkatapos ginawa ang araw bilang katunayan dito, na humahaba sa pamamagitan ng araw at umiikli. info
التفاسير:

external-link copy
46 : 25

ثُمَّ قَبَضۡنَٰهُ إِلَيۡنَا قَبۡضٗا يَسِيرٗا

Pagkatapos nag-urong Kami sa anino sa pamamagitan ng pagbawas, na nagdadahan-dahan nang utay-utay nang kaunting pag-urong alinsunod sa pagkaangat ng araw. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 25

وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِبَاسٗا وَٱلنَّوۡمَ سُبَاتٗا وَجَعَلَ ٱلنَّهَارَ نُشُورٗا

Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng gabi sa katayuan ng damit na nagtatakip sa inyo at nagtatakip sa mga bagay. Siya ay ang gumawa para sa inyo ng pagtulog bilang pahinga, na namamahinga kayo sa pamamagitan niyon mula sa mga pinagkakaabalahan ninyo. Siya ay ang gumawa para sa inyo ng maghapon bilang oras na lumilisan kayo rito patungo sa mga gawain ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 25

وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ ٱلرِّيَٰحَ بُشۡرَۢا بَيۡنَ يَدَيۡ رَحۡمَتِهِۦۚ وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ طَهُورٗا

Siya ay ang nagpadala ng mga hangin bilang tagabalita ng nakagagalak hinggil sa pagbaba ng ulan na mula sa awa Niya sa mga lingkod Niya. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig na dalisay na ipinandadalisay info
التفاسير:

external-link copy
49 : 25

لِّنُحۡـِۧيَ بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗا وَنُسۡقِيَهُۥ مِمَّا خَلَقۡنَآ أَنۡعَٰمٗا وَأَنَاسِيَّ كَثِيرٗا

upang magbigay-buhay Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon na bumababa sa isang lupaing tigang na walang halaman doon, sa pamamagitan ng pagpapatubo roon ng mga uri ng halaman at ng pagpapakalat ng mga luntian doon; at upang magpainom Kami ng tubig na iyon sa kabilang sa nilikha Namin na maraming hayupan at tao. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 25

وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَٰهُ بَيۡنَهُمۡ لِيَذَّكَّرُواْ فَأَبَىٰٓ أَكۡثَرُ ٱلنَّاسِ إِلَّا كُفُورٗا

Talaga ngang nagpalinaw Kami at nagsarisari Kami sa Qur'ān ng mga katwiran at mga patotoo upang magsaalang-alang sila sa mga ito ngunit tumutol ang higit na marami sa mga tao [sa anuman] maliban sa kawalang-pasasalamat sa katotohanan at pagkakaila nito. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 25

وَلَوۡ شِئۡنَا لَبَعَثۡنَا فِي كُلِّ قَرۡيَةٖ نَّذِيرٗا

Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng isang sugong magbababala sa kanila at magpapangamba sa kanila sa parusa Namin, subalit Kami ay hindi nagnais niyon. Nagpadala lamang Kami kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – bilang sugo sa lahat ng mga tao. info
التفاسير:

external-link copy
52 : 25

فَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَجَٰهِدۡهُم بِهِۦ جِهَادٗا كَبِيرٗا

Kaya huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya sa anumang hinihiling nila sa iyo na paglalangis sa kanila at sa anumang inihahain nila na mga mungkahi. Makibaka ka sa kanila sa pamamagitan nitong Qur'ān na pinabababa sa iyo ayon sa isang pakikibakang sukdulan sa pamamagitan ng pagtitiis sa pananakit nila at pagbata sa mga hirap sa pag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
53 : 25

۞ وَهُوَ ٱلَّذِي مَرَجَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ هَٰذَا عَذۡبٞ فُرَاتٞ وَهَٰذَا مِلۡحٌ أُجَاجٞ وَجَعَلَ بَيۡنَهُمَا بَرۡزَخٗا وَحِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا

Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagpadikit sa dalawang dagat: itong isa ay naiinom na matamis at itong isa pa ay maalat na mapait. Naglagay Siya sa pagitan ng dalawang ito ng isang pangharang at isang pantakip na tumatakip na pumipigil sa dalawang ito sa paghahaluan. info
التفاسير:

external-link copy
54 : 25

وَهُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ مِنَ ٱلۡمَآءِ بَشَرٗا فَجَعَلَهُۥ نَسَبٗا وَصِهۡرٗاۗ وَكَانَ رَبُّكَ قَدِيرٗا

Siya ay ang lumikha mula sa punlay ng lalaki at babae ng isang tao. Ang lumikha sa tao ay nagpaluwal ng ugnayan sa pagkakamag-anak at ugnayan sa pag-aasawa. Laging ang Panginoon mo, O Sugo, ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Bahagi ng kakayahan Niya ang paglikha sa tao mula sa punlay ng lalaki at babae. info
التفاسير:

external-link copy
55 : 25

وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُهُمۡ وَلَا يَضُرُّهُمۡۗ وَكَانَ ٱلۡكَافِرُ عَلَىٰ رَبِّهِۦ ظَهِيرٗا

Sumasamba ang mga tagatangging sumampalataya bukod pa kay Allāh sa mga diyus-diyusang hindi nakapagpapakinabang sa kanila kung tumalima sila sa mga ito at hindi nakapipinsala sa kanila kung sumuway sila sa mga ito. Laging ang tagatangging sumampalataya ay isang tagasunod para sa demonyo sa ikinaiinis ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. info
التفاسير:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• انحطاط الكافر إلى مستوى دون مستوى الحيوان بسبب كفره بالله.
Ang pagbaba ng tagatangging sumampalataya sa isang antas na mababa pa sa antas ng hayop dahilan sa kawalang-pananampalataya niya kay Allāh. info

• ظاهرة الظل آية من آيات الله الدالة على قدرته.
Ang pagkalitaw ng anino ay isa sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa kakayahan Niya. info

• تنويع الحجج والبراهين أسلوب تربوي ناجح.
Ang pagsasarisari ng mga katwiran at mga patotoo ay isang matagumpay na istilong pang-edukasyon. info

• الدعوة بالقرآن من صور الجهاد في سبيل الله.
Ang pag-aanyaya sa pamamagitan ng Qur'ān ay kabilang sa mga anyo ng pakikibaka sa landas ni Allāh. info