Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - 简易古兰经经注菲律宾语(他加禄语)翻译

external-link copy
2 : 18

قَيِّمٗا لِّيُنذِرَ بَأۡسٗا شَدِيدٗا مِّن لَّدُنۡهُ وَيُبَشِّرَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمۡ أَجۡرًا حَسَنٗا

Bagkus gumawa Siya rito bilang tuwid, na walang salungatan dito at walang pagkakaiba-iba, upang magpangamba sa mga tagatangging sumampalataya laban sa isang pagdurusang malakas mula sa ganang Kanya na naghihintay sa kanila, at upang magpabatid sa mga mananampalatayang gumagawa ng mga gawaing maayos hinggil sa magpapagalak sa kanila: na ukol sa kanila ay isang gantimpalang maganda, na hindi napapantayan ng anumang gantimpala. info
التفاسير:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• أنزل الله القرآن متضمنًا الحق والعدل والشريعة والحكم الأمثل .
Nagpababa si Allāh ng Qur'ān na naglalaman ng katotohanan, katarungan, batas, at kahatulang pinakaideyal. info

• جواز البكاء في الصلاة من خوف الله تعالى.
Ang pagpayag sa pag-iyak sa dasal dala ng pangamba kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info

• الدعاء أو القراءة في الصلاة يكون بطريقة متوسطة بين الجهر والإسرار.
Ang pagdalangin o ang pagbigkas sa dasal ay ayon sa paraang katamtaman sa pagitan ng pag-iingay at paglilihim. info

• القرآن الكريم قد اشتمل على كل عمل صالح موصل لما تستبشر به النفوس وتفرح به الأرواح.
Ang Marangal na Qur'ān ay sumaklaw nga sa bawat gawaing maayos na nagpapaabot ng anumang nagpapagalak sa mga kaluluwa at ikinatutuwa ng mga espiritu. info