قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
45 : 21

قُلۡ إِنَّمَآ أُنذِرُكُم بِٱلۡوَحۡيِۚ وَلَا يَسۡمَعُ ٱلصُّمُّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا مَا يُنذَرُونَ

Sabihin mo, O Sugo: "Nagpapangamba lamang ako sa inyo, O mga tao, sa pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng pagkakasi na ikinakasi sa akin ng Panginoon ko." Hindi nakaririnig ang mga bingi sa katotohanan, na hindi sila dumadalangin sa Kanya ayon sa pagkadinig ng pagtanggap, kapag pinangamba sila sa pagdurusang dulot ni Allāh." info
التفاسير:

external-link copy
46 : 21

وَلَئِن مَّسَّتۡهُمۡ نَفۡحَةٞ مِّنۡ عَذَابِ رَبِّكَ لَيَقُولُنَّ يَٰوَيۡلَنَآ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ

Talagang kung nasaling ang mga tagapagmadaling ito ng pagdurusa ng isang bahagi mula sa pagdurusang dulot ng Panginoon mo, O Sugo, ay talagang magsasabi nga sila sa sandaling iyon: "O kapahamakan nmin at kalugihan namin! Tunay na kami dati ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal kay Allāh at pagpapasinungaling sa inihatid ni Muḥammad." Pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 21

وَنَضَعُ ٱلۡمَوَٰزِينَ ٱلۡقِسۡطَ لِيَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَلَا تُظۡلَمُ نَفۡسٞ شَيۡـٔٗاۖ وَإِن كَانَ مِثۡقَالَ حَبَّةٖ مِّنۡ خَرۡدَلٍ أَتَيۡنَا بِهَاۗ وَكَفَىٰ بِنَا حَٰسِبِينَ

Magtutukod Kami ng mga timbangang makatarungan para sa mga tao sa [Araw ng] Pagbangon upang timbangin sa pamamagitan ng mga ito ang mga gawa nila, kaya hindi lalabagin sa katarungan sa Araw na iyon ang isang kaluluwa sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga magandang gawa nito o pagdaragdag sa mga masagwang gawa nito. Kung ang natimbang ay kaunti tulad ng tinitimbang ng isang buto ng mustasa, magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang tagapag-isa-isa; mag-iisa-isa Kami ng mga gawa ng mga lingkod Namin. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 21

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ ٱلۡفُرۡقَانَ وَضِيَآءٗ وَذِكۡرٗا لِّلۡمُتَّقِينَ

Talaga ngang nagbigay Kami kina Moises at Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – ng Torah bilang tagapaghiwalay sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan at ng ipinahihintulot at ipinagbabawal, ng isang kapatnubayan para sa sinumang sumampalataya rito, at ng isang pagpapaalaala para sa mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila, info
التفاسير:

external-link copy
49 : 21

ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَيۡبِ وَهُم مِّنَ ٱلسَّاعَةِ مُشۡفِقُونَ

na nangangamba sa parusa ng Panginoon nila na sinasampalatayanan nila gayong sila ay hindi naman nakasaksi sa Kanya at sila sa Huling Sandali ay mga nangangamba. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 21

وَهَٰذَا ذِكۡرٞ مُّبَارَكٌ أَنزَلۡنَٰهُۚ أَفَأَنتُمۡ لَهُۥ مُنكِرُونَ

Itong Qur'ān na ibinaba kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang paalaala para sa sinumang nagnais na magsaalaala nito, at isang pangangaral na marami ang pakinabang at ang kabutihan. Kaya kayo ba rito sa kabila niyon ay mga tagapagkaila, na hindi mga kumikilala sa nasaad dito, ni mga gumagawa ayon dito? info
التفاسير:

external-link copy
51 : 21

۞ وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَآ إِبۡرَٰهِيمَ رُشۡدَهُۥ مِن قَبۡلُ وَكُنَّا بِهِۦ عَٰلِمِينَ

Talaga ngang nagbigay Kami kay Abraham ng katwiran laban sa mga kababayan niya noong pagkabata niya. Laging Kami sa kanya ay nakaaalam kaya nagbigay Kami sa kanya ng anumang nagiging karapat-dapat sa kanya sa kaalaman Namin na katwiran laban sa mga kababayan niya. info
التفاسير:

external-link copy
52 : 21

إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَا هَٰذِهِ ٱلتَّمَاثِيلُ ٱلَّتِيٓ أَنتُمۡ لَهَا عَٰكِفُونَ

[Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niyang si Āzar at sa mga kababayan niya: "Ano ang mga anitong ito na niyari ninyo sa pamamagitan ng mga kamay ninyo at na kayo sa mga ito ay mga nananatili sa pagsamba sa mga ito?" info
التفاسير:

external-link copy
53 : 21

قَالُواْ وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا لَهَا عَٰبِدِينَ

Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Nakatagpo Kami sa mga magulang namin na sumasamba sa mga ito kaya sumamba kami sa mga ito bilang pagtulad sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
54 : 21

قَالَ لَقَدۡ كُنتُمۡ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُمۡ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ

Nagsabi sa kanila si Abraham: "Talaga ngang kayo, O mga tagasunod, mismo at ang mga ninuno ninyong mga sinusunod ay nasa isang maliwanag na pagkaligaw palayo sa daan ng katotohanan."
info
التفاسير:

external-link copy
55 : 21

قَالُوٓاْ أَجِئۡتَنَا بِٱلۡحَقِّ أَمۡ أَنتَ مِنَ ٱللَّٰعِبِينَ

Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Naghatid ka ba sa amin ng kaseryosohan nang nagsabi ka ng sinabi mo, o ikaw ay kabilang sa mga tagapagbiro?" info
التفاسير:

external-link copy
56 : 21

قَالَ بَل رَّبُّكُمۡ رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلَّذِي فَطَرَهُنَّ وَأَنَا۠ عَلَىٰ ذَٰلِكُم مِّنَ ٱلشَّٰهِدِينَ

Nagsabi si Abraham: "Bagkus naghatid ako sa inyo ng kaseryosohan hindi ng pagbibiro sapagkat ang Panginoon ninyo ay ang Panginoon ng mga langit at lupa, na lumikha sa mga ito ayon sa walang pagkakatulad na nauna. Ako ay ayon na Siya ay Panginoon ninyo at Panginoon ng mga langit at lupa, at kabilang sa mga tagasaksi. Ang mga anito ninyo ay walang bahagi mula roon." info
التفاسير:

external-link copy
57 : 21

وَتَٱللَّهِ لَأَكِيدَنَّ أَصۡنَٰمَكُم بَعۡدَ أَن تُوَلُّواْ مُدۡبِرِينَ

Nagsabi si Abraham sa kung saan hindi nakaririnig sa kanya ang mga kababayan niya: "Sumpa man kay Allāh, talagang magpapakana nga ako laban sa mga anito ninyo ng kasusuklaman ninyo matapos na umalis kayo sa mga ito patungo sa pagdiriwang ninyo." info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• نَفْع الإقرار بالذنب مشروط بمصاحبة التوبة قبل فوات أوانها.
Ang pakikinabang sa pag-amin sa pagkakasala ay isinasakundisyon ng pagkakalakip ng pagbabalik-loob bago ng paglampas ng mga pagkakataon nito. info

• إثبات العدل لله، ونفي الظلم عنه.
Ang pagpapatibay sa katarungan para kay Allāh at ang pagkakaila sa kawalang-katarungan sa Kanya. info

• أهمية قوة الحجة في الدعوة إلى الله.
Ang kahalagahan ng lakas ng katwiran sa pag-aanyaya tungo kay Allāh. info

• ضرر التقليد الأعمى.
Ang pinsala ng bulag na paggaya-gaya. info

• التدرج في تغيير المنكر، والبدء بالأسهل فالأسهل، فقد بدأ إبراهيم بتغيير منكر قومه بالقول والصدع بالحجة، ثم انتقل إلى التغيير بالفعل.
Ang pag-uunti-unti sa pagpapaiba sa nakasasama at ang pagsisimula sa pinakamadali saka ang higit na madali sapagkat nagsimula nga si Abraham sa pagpapaiba sa nakakasamang gawain ng mga kababayan niya sa pamamagitan ng pagsasabi at pagtumbas sa katwiran, pagkatapos lumipat siya sa pagpapaiba sa pamamagitan ng gawa. info