قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى

بەت نومۇرى:close

external-link copy
102 : 21

لَا يَسۡمَعُونَ حَسِيسَهَاۖ وَهُمۡ فِي مَا ٱشۡتَهَتۡ أَنفُسُهُمۡ خَٰلِدُونَ

Hindi makararating sa pandinig nila ang tunog ng Impiyerno habang sila sa ninasa ng mga sarili nila na kaginhawahan at mga sarap ay mga mananatili; hindi mapuputol ang kaginhawahan nila magpakailanman. info
التفاسير:

external-link copy
103 : 21

لَا يَحۡزُنُهُمُ ٱلۡفَزَعُ ٱلۡأَكۡبَرُ وَتَتَلَقَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ هَٰذَا يَوۡمُكُمُ ٱلَّذِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ

Hindi magpapangamba sa kanila ang hilakbot na sukdulan kapag itinataklob ang Apoy sa mga maninirahan doon at haharap sa kanila ang mga anghel nang may pagbati habang mga nagsasabi: "Ito ay ang Araw ninyo na kayo noon ay pinangangakuan nito sa Mundo at binabalitaan ng daranasin ninyo rito na kaginhawahan, info
التفاسير:

external-link copy
104 : 21

يَوۡمَ نَطۡوِي ٱلسَّمَآءَ كَطَيِّ ٱلسِّجِلِّ لِلۡكُتُبِۚ كَمَا بَدَأۡنَآ أَوَّلَ خَلۡقٖ نُّعِيدُهُۥۚ وَعۡدًا عَلَيۡنَآۚ إِنَّا كُنَّا فَٰعِلِينَ

sa Araw na magtutupi Kami sa langit tulad ng pagtupi ng kalatas sa nilalaman nito at kakalap Kami sa nilikha ayon sa anyo nila na nilikha sila ayon doon sa unang pagkakataon. Nangako Kami niyon ayon sa isang pangakong walang pagsira roon. Tunay na Kami ay laging magpapatupad ng anumang ipinangangako Namin. info
التفاسير:

external-link copy
105 : 21

وَلَقَدۡ كَتَبۡنَا فِي ٱلزَّبُورِ مِنۢ بَعۡدِ ٱلذِّكۡرِ أَنَّ ٱلۡأَرۡضَ يَرِثُهَا عِبَادِيَ ٱلصَّٰلِحُونَ

Talaga ngang nagsulat Kami sa mga kasulatang pinababa Namin sa mga sugo noong matapos na naisulat Namin sa Tablerong Pinag-iingatan, na ang lupa ay mamanahin ng mga lingkod ni Allāh na maaayos na nagsasagawa ng pagtalima sa Kanya. Sila ay ang Kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. info
التفاسير:

external-link copy
106 : 21

إِنَّ فِي هَٰذَا لَبَلَٰغٗا لِّقَوۡمٍ عَٰبِدِينَ

Tunay na sa pinababa Namin na pangaral ay talagang may kapakinabangan at kasapatan para sa mga taong tagasamba sa Panginoon nila ayon sa isinabatas Niya para sa kanila sapagkat sila ay ang mga nakikinabang dito.
info
التفاسير:

external-link copy
107 : 21

وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا رَحۡمَةٗ لِّلۡعَٰلَمِينَ

Hindi Kami nagpadala sa iyo, O Muḥammad, bilang sugo kundi bilang awa para sa lahat ng nilikha dahil sa pagtataglay mo ng katangian ng sigasig sa kapatnubayan sa mga tao at sa pagsagip sa kanila mula sa parusa ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
108 : 21

قُلۡ إِنَّمَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ فَهَلۡ أَنتُم مُّسۡلِمُونَ

Sabihin mo, O Sugo: "Ikinakasi lamang sa akin mula sa Panginoon ko na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay nag-iisa: walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh. Kaya magpaakay kayo para sa pagsampalataya sa Kanya at paggawa ayon sa pagtalima sa Kanya." info
التفاسير:

external-link copy
109 : 21

فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقُلۡ ءَاذَنتُكُمۡ عَلَىٰ سَوَآءٖۖ وَإِنۡ أَدۡرِيٓ أَقَرِيبٌ أَم بَعِيدٞ مَّا تُوعَدُونَ

Ngunit kung umayaw ang mga ito sa inihatid mo sa kanila ay sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Ipinaalam ko sa inyo na ako kasama sa inyo ay nasa isang lagay na magkapantay at sa pagitan ko at ninyo ay pakikipaghiwalay. Hindi ako nakaaalam kung kailan bababa sa inyo ang ipinangako ni Allāh na pagdurusang dulot Niya. info
التفاسير:

external-link copy
110 : 21

إِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلۡجَهۡرَ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ وَيَعۡلَمُ مَا تَكۡتُمُونَ

Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ipinahayag ninyo na pagkakasabi at nakaaalam sa anumang itinatago ninyo mula roon: walang nakakukubli sa Kanya na anuman doon. Gaganti Siya sa inyo roon. info
التفاسير:

external-link copy
111 : 21

وَإِنۡ أَدۡرِي لَعَلَّهُۥ فِتۡنَةٞ لَّكُمۡ وَمَتَٰعٌ إِلَىٰ حِينٖ

Hindi ako nakaaalam; baka ang pagpapalugit sa inyo sa pagdurusa ay isang pagsusulit para sa inyo, isang pagpapain, at isang pagpapatamasa para sa inyo hanggang sa isang yugtong itinakda sa kaalaman ni Allāh upang magpatuloy kayo sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagkaligaw ninyo." info
التفاسير:

external-link copy
112 : 21

قَٰلَ رَبِّ ٱحۡكُم بِٱلۡحَقِّۗ وَرَبُّنَا ٱلرَّحۡمَٰنُ ٱلۡمُسۡتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ

Nagsabi ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – habang dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, magpasya Ka sa pagitan namin at ng mga kababayan namin na nagpumilit sa kawalang-pananampalataya sa paghuhusgang totoo. Sa Panginoon namin, ang Napakamaawain, ay nagpapatulong kami laban sa anumang sinasabi ninyo na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling." info
التفاسير:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• الصلاح سبب للتمكين في الأرض.
Ang kaayusan ay isang kadahilanan para sa pagbibigay-kapangyarihan sa lupa. info

• بعثة النبي صلى الله عليه وسلم وشرعه وسنته رحمة للعالمين.
Ang pagpapadala sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang Batas niya, at ang Kalakaran (Sunnah) niya ay awa para sa mga nilalang. info

• الرسول صلى الله عليه وسلم لا يعلم الغيب.
Ang Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi nakaaalam sa Lingid. info

• علم الله بما يصدر من عباده من قول.
Ang kaalaman ni Allāh sa anumang namumutawi mula sa mga lingkod Niya kabilang sa sinasabi. info