Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht)

Numri i faqes:close

external-link copy
37 : 9

إِنَّمَا ٱلنَّسِيٓءُ زِيَادَةٞ فِي ٱلۡكُفۡرِۖ يُضَلُّ بِهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُحِلُّونَهُۥ عَامٗا وَيُحَرِّمُونَهُۥ عَامٗا لِّيُوَاطِـُٔواْ عِدَّةَ مَا حَرَّمَ ٱللَّهُ فَيُحِلُّواْ مَا حَرَّمَ ٱللَّهُۚ زُيِّنَ لَهُمۡ سُوٓءُ أَعۡمَٰلِهِمۡۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَٰفِرِينَ

Tunay na ang pagpapaliban sa kabanalan ng buwang binanal tungo sa buwang hindi binanal at ang paglalagay nito sa kinalalagyan niyon – gaya ng dating ginagawa ng mga Arabe sa Panahon ng Kamangmangan – ay isang pagdaragdag ng kawalang-pananampalataya sa dating kawalang-pananampalataya nila kay Allāh yayamang tumanggi silang sumampalataya sa kahatulan Niya sa mga buwang pinakababanal. Nanligaw ang demonyo sa pamamagitan ng mga ito ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh nang nagpauso siya para sa kanila ng masagwang kalakarang ito. Nagpapahintulot sila [ng labanan] sa isang taon sa buwang pinakababanal sa pamamagitan ng pagpapalit dito ng isang buwang kabilang sa mga buwang karaniwan. Nagpapanatili sila nito sa pagbabawal dito [ng digmaan] sa isang taon upang magpaalinsunod sila sa bilang ng mga buwan na nagbawal si Allāh [ng labanan], kahit pa sumalungat sila sa mga pinakadiwa ng mga ito, sapagkat hindi sila nagpapahintulot ng [labanan sa] isang buwan malibang nagbabawal sila kapalit nito sa isa namang buwan. Kaya nagpapahintulot sila dahil doon ng ipinagbawal ni Allāh mula sa mga buwang pinakababanal at sumasalungat sila sa kahatulan Niya. Pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawaing masagwa kaya gumawa sila ng mga ito, na kabilang sa mga ito ang ginawa-gawa nilang pag-aantala [ng buwang pinakababanal]. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga tagatangging sumampalataya na nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila. info
التفاسير:

external-link copy
38 : 9

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَا لَكُمۡ إِذَا قِيلَ لَكُمُ ٱنفِرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ٱثَّاقَلۡتُمۡ إِلَى ٱلۡأَرۡضِۚ أَرَضِيتُم بِٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا مِنَ ٱلۡأٓخِرَةِۚ فَمَا مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فِي ٱلۡأٓخِرَةِ إِلَّا قَلِيلٌ

O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at gumawa ayon sa isinabatas Niya sa kanila, ano ang nangyayari sa inyo na kapag inanyayahan kayo sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh para makipaglaban sa kaaway ninyo ay nagbagal-bagalan kayo at nahilig kayo sa pananatili sa mga tirahan ninyo? Nalugod ba kayo sa natatamasa ng buhay na pangmundo na naglalaho at mga sarap nitong napuputol bilang panumbas sa nanatiling kaginhawahan sa Kabilang-buhay na inihanda ni Allāh para sa mga nakikibaka ayon sa landas Niya? Ngunit ano ang natatamasa sa buhay na pangmundo sa paghahambing sa Kabilang-buhay kundi hamak? Kaya papaanong ukol sa isang nag-iisip na pumili ng isang naglalaho kaysa sa isang namamalagi at isang hamak kaysa isang dakila? info
التفاسير:

external-link copy
39 : 9

إِلَّا تَنفِرُواْ يُعَذِّبۡكُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا وَيَسۡتَبۡدِلۡ قَوۡمًا غَيۡرَكُمۡ وَلَا تَضُرُّوهُ شَيۡـٔٗاۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ

Kung hindi kayo susugod, O mga mananampalataya, para sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh para makipaglaban sa mga kaaway ninyo ay pagdurusahin kayo ni Allāh sa pamamagitan ng paglupig, pang-aaba, at iba pa rito; magpapalit Siya sa inyo ng mga taong tagatalima sa Kanya, na kapag pinahayo sila para sa pakikibaka ay humahayo sila; at hindi kayo makapipinsala sa Kanya ng anuman dahil sa pagsuway ninyo sa utos Niya sapagkat Siya ay Walang-pangangailangan sa inyo samantalang kayo ay mga maralita para sa Kanya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapahina sa Kanya na anuman, sapagkat Siya ay nakakakaya sa pag-aadya sa relihiyon Niya at Propeta Niya sa halip ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
40 : 9

إِلَّا تَنصُرُوهُ فَقَدۡ نَصَرَهُ ٱللَّهُ إِذۡ أَخۡرَجَهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ثَانِيَ ٱثۡنَيۡنِ إِذۡ هُمَا فِي ٱلۡغَارِ إِذۡ يَقُولُ لِصَٰحِبِهِۦ لَا تَحۡزَنۡ إِنَّ ٱللَّهَ مَعَنَاۖ فَأَنزَلَ ٱللَّهُ سَكِينَتَهُۥ عَلَيۡهِ وَأَيَّدَهُۥ بِجُنُودٖ لَّمۡ تَرَوۡهَا وَجَعَلَ كَلِمَةَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلسُّفۡلَىٰۗ وَكَلِمَةُ ٱللَّهِ هِيَ ٱلۡعُلۡيَاۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ

Kung hindi kayo, O mga mananampalataya, mag-aadya sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at tutugon sa paanyaya niya para sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh, nag-adya na sa kanya si Allāh nang hindi kayo naging kasama sa kanya nang nagpalisan ang mga tagapagtambal sa kanya at kay Abū Bakr – malugod si Allāh sa kanya. Walang ikatlong [kasama] sa kanilang dalawa – nang silang dalawa ay nasa Yungib ng Thawr habang mga nagkukubli mula sa mga tagatangging sumampalataya na naghahanap sa kanilang dalawa – nang nagsasabi ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kasamahan niyang si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq nang nangamba ito na makaabot dito ang mga tagapagtambal: "Huwag kang malungkot; tunay na si Allāh ay kasama sa atin sa pamamagitan ng pag-alalay Niya at pag-aadya Niya." Kaya nagpababa si Allāh ng kapanatagan sa puso ng Sugo Niya at nagpababa sa kanya ng mga kawal na hindi ninyo nasasaksihan. Sila ay ang mga anghel na umaalalay sa kanya. Ginawa Niya ang salita ng mga tagapagtambal bilang ang pinakamababa. Ang salita ni Allāh ay ang pinakamataas nang nagpataas Siya sa Islām. Si Allāh ay Makapangyarihan sa sarili Niya, sa paglupig Niya, at paghahari Niya: walang dumadaig sa Kanya na isa man; Marunong sa pangangasiwa Niya, pagtatakda Niya, at sa batas Niya. info
التفاسير:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• العادات المخالفة للشرع بالاستمرار عليها دونما إنكار لها يزول قبحها عن النفوس، وربما ظُن أنها عادات حسنة.
Ang mga kaugaliang sumasalungat sa Batas ng Islām dahil sa pagpapatuloy sa mga ito nang walang anumang pagtutol sa mga ito ay nawawala ang kapangitan nito sa mga tao. Marahil ay ipinagpalagay na ang mga ito ay mga kaugaliang maganda. info

• عدم النفير في حال الاستنفار من كبائر الذنوب الموجبة لأشد العقاب، لما فيها من المضار الشديدة.
Ang hindi pagtugon sa sandali ng panawagang magsandata ay kabilang sa mga malaki sa mga pagkakasalang nag-oobliga ng pinakamatinding parusa dahil sa dulot nitong mga matinding pinsala. info

• فضيلة السكينة، وأنها من تمام نعمة الله على العبد في أوقات الشدائد والمخاوف التي تطيش فيها الأفئدة، وأنها تكون على حسب معرفة العبد بربه، وثقته بوعده الصادق، وبحسب إيمانه وشجاعته.
Ang kalamangan ng katiwasayan, na ito ay bahagi ng kalubusan ng biyaya ni Allāh sa tao sa mga panahon ng mga trahedya at mga pangangamba na natutuliro sa mga sandaling ito ang mga puso, at na ito ay alinsunod sa pagkakilala ng tao sa Panginoon nito, pananalig nito sa pangako Niyang tapat, at alinsunod sa pananampalataya nito at katapangan nito. info

• أن الحزن قد يعرض لخواص عباد الله الصدِّيقين وخاصة عند الخوف على فوات مصلحة عامة.
Na ang kalungkutan ay maaaring sumapit sa mga pili sa mga lingkod ni Allāh na mga tapat, lalo na sa sandali ng pangamba sa pagkawala ng kapakanang panlahat. info