Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht)

Numri i faqes:close

external-link copy
131 : 7

فَإِذَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡحَسَنَةُ قَالُواْ لَنَا هَٰذِهِۦۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةٞ يَطَّيَّرُواْ بِمُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُۥٓۗ أَلَآ إِنَّمَا طَٰٓئِرُهُمۡ عِندَ ٱللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

Ngunit kapag dumating sa angkan ni Paraon ang kasaganahan, ang kaayusan ng mga bunga, at ang kamurahan ng mga halaga ay nagsasabi sila: "Ibinigay sa amin ito dahil sa pagiging karapat-dapat namin para rito at sa pagkanauukol sa amin nito." Kung may umabot sa kanila o tumama sa kanila na isang kapahamakan gaya ng tagtuyot, kawalang-ulan, dami ng mga sakit, at iba pa rito na mga kalamidad, nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama niya kabilang sa mga anak ni Israel. Ang totoo ay na ang anumang tumatama sa kanila mula roon sa kalahatan niyon ay dahil sa isang pagtatakda lamang mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Sila at si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay walang kinalaman doon maliban sa bahagi ng panalangin ni Moises laban sa kanila, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam kaya nag-uugnay sila niyon sa iba pa kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
132 : 7

وَقَالُواْ مَهۡمَا تَأۡتِنَا بِهِۦ مِنۡ ءَايَةٖ لِّتَسۡحَرَنَا بِهَا فَمَا نَحۡنُ لَكَ بِمُؤۡمِنِينَ

Nagsabi ang mga tao ni Paraon kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang pagmamatigas sa katotohanan: "Alinmang himala at katunayan ang ihatid mo sa amin, alinmang katwiran ang ilahad mo sa kabulaanan ng anumang nasa ganang amin upang magbaling ka sa amin palayo roon, at [alinmang katwiran ang ilahad mo] sa katapatan ng inihatid mo ay hindi kami maniniwala sa iyo." info
التفاسير:

external-link copy
133 : 7

فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلطُّوفَانَ وَٱلۡجَرَادَ وَٱلۡقُمَّلَ وَٱلضَّفَادِعَ وَٱلدَّمَ ءَايَٰتٖ مُّفَصَّلَٰتٖ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ وَكَانُواْ قَوۡمٗا مُّجۡرِمِينَ

Kaya nagpadala Kami sa kanila ng maraming tubig bilang parusa para sa kanila sa pagpapasinungaling nila at pagmamatigas nila, kaya nilunod ang mga pananim nila at ang mga bunga nila. Nagpadala Kami sa kanila ng mga balang, kaya kinain ng mga ito ang mga aanihin nila. Nagpadala Kami sa kanila ng mga kulisap na tinatawag na mga kuto, na namiminsala ng pananim o nakasasakit sa tao sa buhok nito. Nagpadala Kami sa kanila ng mga palaka, kaya pinuno ng mga ito ang mga lalagyan nila, sinira ng mga ito ang mga pagkain nila, at pinuyat ng mga ito sa mga higaan nila. Nagpadala Kami sa kanila ng dugo, kaya ang mga tubig ng mga balon nila at mga ilog nila ay naging dugo. Nagpadala Kami ng lahat ng iyon bilang mga tanda na naglilinaw at nagtatangi, na sumusunod ang ilan sa mga ito sa iba. Sa kabila ng lahat ng tumama sa kanila na mga kaparusahan ay nagmataas sila laban sa pagsampalataya kay Allāh at sa paniniwala sa inihatid ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Sila noon ay mga taong gumagawa ng mga pagsuway. Hindi sila kumakalas sa kabulaanan at hindi sila napapatnubayan tungo sa katotohanan. info
التفاسير:

external-link copy
134 : 7

وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيۡهِمُ ٱلرِّجۡزُ قَالُواْ يَٰمُوسَى ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَۖ لَئِن كَشَفۡتَ عَنَّا ٱلرِّجۡزَ لَنُؤۡمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرۡسِلَنَّ مَعَكَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ

Noong tumama sa kanila ang pagdurusa dahil sa mga bagay na ito ay bumaling sila kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at nagsabi sa kanya: "O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ipinantangi Niya sa iyo na pagkapropeta at sa pamamagitan ng ihinabilin Niya sa iyo na pag-aalis ng parusa sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, na alisin Niya sa amin ang tumama sa amin na parusa. Kaya kung aalisin Niya sa amin iyon ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo, talagang magpapadala nga Kami kasama sa iyo ng mga anak ni Israel, at magpapalaya kami sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
135 : 7

فَلَمَّا كَشَفۡنَا عَنۡهُمُ ٱلرِّجۡزَ إِلَىٰٓ أَجَلٍ هُم بَٰلِغُوهُ إِذَا هُمۡ يَنكُثُونَ

Ngunit noong nag-alis Kami sa kanila ng pagdurusa hanggang sa isang yugtong nalalaman bago ng pagpapahamak sa kanila sa pamamagitan ng pagkalunod, biglang sila ay sumisira sa inobliga nila sa mga sarili nila na paniniwala at pagpapalaya sa mga anak ni Israel saka nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila at tumanggi sila na magpalaya sa mga anak ni Israel kasama kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. info
التفاسير:

external-link copy
136 : 7

فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ فَأَغۡرَقۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّ بِأَنَّهُمۡ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُواْ عَنۡهَا غَٰفِلِينَ

Kaya noong sumapit ang taning na itinakda para sa pagpapahamak sa kanila ay nagpababa Kami sa kanila ng paghihiganti Namin sa pamamagitan ng paglunod sa kanila sa dagat dahilan sa pagpapasinungaling nila sa mga tanda Namin at pag-ayaw nila sa ipinahiwatig ng mga ito na katotohanang walang pag-aalangan hinggil doon. info
التفاسير:

external-link copy
137 : 7

وَأَوۡرَثۡنَا ٱلۡقَوۡمَ ٱلَّذِينَ كَانُواْ يُسۡتَضۡعَفُونَ مَشَٰرِقَ ٱلۡأَرۡضِ وَمَغَٰرِبَهَا ٱلَّتِي بَٰرَكۡنَا فِيهَاۖ وَتَمَّتۡ كَلِمَتُ رَبِّكَ ٱلۡحُسۡنَىٰ عَلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ بِمَا صَبَرُواْۖ وَدَمَّرۡنَا مَا كَانَ يَصۡنَعُ فِرۡعَوۡنُ وَقَوۡمُهُۥ وَمَا كَانُواْ يَعۡرِشُونَ

Ipinamana Namin sa mga anak ni Israel, na mga dating hinahamak-hamak ni Paraon at ng mga tao nito, ang mga silangan ng lupain at ang mga kanluran nito. Ang tinutukoy niyon ay ang bayan ng Malaking Sirya, na nagbiyaya si Allāh sa pamamagitan ng pagpapatubo ng mga pananim nito at mga bunga nito sa paraang pinakaganap. Nalubos ang napakagandang salita ng Panginoon mo, O Sugo. Ito ay ang nabanggit sa sabi ni Allāh – pagkataas-taas Siya – (Qur'ān 28:5): "Nagnanais Kami na magmagandang-loob Kami sa mga siniil sa lupain, gumawa Kami sa kanila na mga pasimuno, gumawa Kami sa kanila na mga tagapagmana," Nagpatatag si Allāh sa kanila sa lupa dahilan sa pagtitiis nila sa tumama sa kanila na pananakit ni Paraon at ng mga tao nito. Winasak ni Allāh ang dating niyayari ni Paraon na mga taniman at mga tahanan at ang dati nilang ipinatatayo na mga palasyo. info
التفاسير:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• الخير والشر والحسنات والسيئات كلها بقضاء الله وقدره، لا يخرج منها شيء عن ذلك.
Ang kabutihan, ang kasamaan, ang mga magandang gawa, at ang mga masagwang gawa, ang lahat ng mga ito ay ayon sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya. Walang nakalalabas mula sa mga ito na anuman. info

• شأن الناس في وقت المحنة والمصائب اللجوء إلى الله بدافع نداء الإيمان الفطري.
Ang pumapatungkol sa mga tao sa oras ng mga pagsubok at mga kasawian ay ang dumulog kay Allāh sa pamamagitan ng udyok ng panawagan ng pananampalatayang likas. info

• يحسن بالمؤمن تأمل آيات الله وسننه في الخلق، والتدبر في أسبابها ونتائجها.
Nakabubuti sa mananampalataya ang pagninilay-nilay sa mga tanda ni Allāh at mga kalakaran Niya sa nilikha at ang pagbubulay-bulay sa mga kadahilanan ng mga ito at mga resulta ng mga ito. info

• تتلاشى قوة الأفراد والدول أمام قوة الله العظمى، والإيمان بالله هو مصدر كل قوة.
Naglalayo ang lakas ng mga indibiduwal at mga estado sa harapan ng pinakasukdulang lakas ni Allāh. Ang pananampalataya ay ang pinagmumulan ng bawat lakas. info

• يكافئ الله تعالى عباده المؤمنين الصابرين بأن يمكِّنهم في الأرض بعد استضعافهم.
Tinutumbasan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ang mga lingkod Niyang mga mananampalatayang nagtitiis sa pamamagitan ng pagpapatatag sa kanila sa lupa matapos ng paniniil sa kanila. info