Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht)

At-Taghābun

Qëllimet e sures:
التحذير مما تحصل به الندامة والغبن يوم القيامة.
Ang pagbibigay-babala laban sa anumang ikapangyayari ng pagsisisi at pagkadaya sa Araw ng Pagbangon. info

external-link copy
1 : 64

يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ لَهُ ٱلۡمُلۡكُ وَلَهُ ٱلۡحَمۡدُۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ

Nagpapawalang-kaugnayan kay Allāh at nagpapabanal sa Kanya sa bawat anumang hindi nababagay sa Kanya na mga katangian ng kakulangan ang bawat anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa na mga nilikha. Sa Kanya lamang ang paghahari kaya walang haring iba pa sa Kanya at ukol sa Kanya ang pagbubunying maganda. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
2 : 64

هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ فَمِنكُمۡ كَافِرٞ وَمِنكُم مُّؤۡمِنٞۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٌ

Siya ay ang lumikha sa inyo, O mga tao, saka kabilang sa inyo ay tagatangging sumampalataya sa Kanya at ang kahahantungan nito ay ang Apoy, at kabilang sa inyo ay mananampalataya sa Kanya at ang kahahantungan nito ay ang Hardin. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman, at gaganti sa inyo sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
3 : 64

خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّ وَصَوَّرَكُمۡ فَأَحۡسَنَ صُوَرَكُمۡۖ وَإِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ

Lumikha Siya ng mga langit at lumikha Siya ng lupa ayon sa katotohanan, at hindi Siya lumikha sa mga ito sa isang paglalaru-laro. Nagbigay-anyo Siya sa inyo, O mga tao, saka nagpaganda Siya ng mga anyo ninyo bilang kagandahang-loob mula sa Kanya at bilang pagmamabuting-loob. Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ang mga ito na pangit. Tungo sa Kanya lamang ang pagbabalik sa Araw ng Pagbangon para gumantimpala Siya sa inyo sa mga gawain ninyo; kung mabuti ay mabuti [ang ganti] at kung masama ay masama [ang ganti]. info
التفاسير:

external-link copy
4 : 64

يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَيَعۡلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعۡلِنُونَۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit, nakaaalam Siya sa anumang nasa lupa, nakaaalam Siya sa anumang ikinukubli ninyo na mga gawain, at nakaaalam Siya sa anumang inihahayag ninyo. Si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib na kabutihan o kasamaan: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
5 : 64

أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ نَبَؤُاْ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَبۡلُ فَذَاقُواْ وَبَالَ أَمۡرِهِمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

Hindi ba sumapit sa inyo, O mga tagapagtambal, ang ulat hinggil sa mga kalipunang tagapasinungaling bago pa ninyo, tulad ng mga kababayan ni Noe, ng [liping] `Ād, [liping] Thamūd at iba pa sa kanila? Kaya lumasap sila ng parusa sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya sa Mundo, at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang nakasasakit. Oo; sumapit nga sa inyo iyon, kaya magsaalang-alang kayo sa kinauwian ng lagay nila, saka magbalik-loob kayo kay Allāh bago dumapo sa inyo ang dumapo sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
6 : 64

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُۥ كَانَت تَّأۡتِيهِمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَقَالُوٓاْ أَبَشَرٞ يَهۡدُونَنَا فَكَفَرُواْ وَتَوَلَّواْۖ وَّٱسۡتَغۡنَى ٱللَّهُۚ وَٱللَّهُ غَنِيٌّ حَمِيدٞ

Ang pagdurusang iyon na tumama sa kanila ay tumama lamang sa kanila dahilan sa noon ay nagdadala sa kanila ang mga sugo nila mula sa ganang kay Allāh ng mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag, ngunit nagsabi sila habang mga nagmamalaki [sa pangungutya] na ang mga sugo ay naging kabilang sa lahi ng sangkatauhan: "Mga tao ba ang gagabay sa amin tungo sa katotohanan?" Kaya tumanggi silang sumampalataya at umayaw sila sa pagsampalataya sa kanila, ngunit hindi sila nakapinsala kay Allāh ng anuman. Nagwalang-halaga si Allāh sa pananampalataya nila at pagtalima nila dahil ang pagtalima nila ay hindi nakadaragdag sa Kanya ng anuman. Si Allāh ay Walang-pangangailangan, na hindi nangangailangan sa mga lingkod Niya, na Pinapupurihan sa mga sinasabi Niya at mga ginagawa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 64

زَعَمَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَن لَّن يُبۡعَثُواْۚ قُلۡ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتُبۡعَثُنَّ ثُمَّ لَتُنَبَّؤُنَّ بِمَا عَمِلۡتُمۡۚ وَذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ

Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh na si Allāh ay hindi raw bubuhay sa kanila para maging mga buhay matapos ng kamatayan nila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagkailang ito sa pagbubuhay: "Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo sa Araw ng Pagbangon, pagkatapos talagang magpapabatid nga sa inyo hinggil sa ginawa ninyo sa Mundo. Ang pagbubuhay na iyon kay Allāh ay magaan sapagkat lumikha na Siya sa inyo sa unang pagkakataon kaya Siya ay nakakakaya sa pagbuhay sa inyo, matapos ng kamatayan ninyo, para maging mga buhay para sa pagtutuos at pagganti." info
التفاسير:

external-link copy
8 : 64

فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَٱلنُّورِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلۡنَاۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ

Kaya sumampalataya kayo, O mga tao, kay Allāh, sumampalataya kayo sa Sugo Niya, at sumampalataya kayo sa Qur'ān na pinababa Niya sa Sugo Niya. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman, at gaganti sa inyo sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 64

يَوۡمَ يَجۡمَعُكُمۡ لِيَوۡمِ ٱلۡجَمۡعِۖ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلتَّغَابُنِۗ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعۡمَلۡ صَٰلِحٗا يُكَفِّرۡ عَنۡهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ

Banggitin mo, O Sugo, sa Araw na magtitipon sa inyo si Allāh para sa Araw ng Pagbangon upang gumanti sa inyo sa mga gawain ninyo. Ang Araw na iyon na lalantad doon ang kalugihan ng mga tagatangging sumampalataya at ang pagkukulang nila yayamang magmamana ang mga mananampalataya ng mga tuluyan sana sa Hardin ng mga alagad ng Apoy at magmamana ang mga alagad ng Apoy ng mga tuluyan sana sa Apoy ng mga alagad ng Hardin. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng gawang matuwid ay magtatakip si Allāh rito sa mga masagwang gawa nito at magpapapasok Siya rito sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Hindi sila lalabas mula sa mga ito at hindi mapuputol sa kanila ang kaginhawahan sa mga ito. Ang matatamo nilang iyon ay ang pagkatamong sukdulan na walang nakapapantay rito na isang pagkatamo. info
التفاسير:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• من قضاء الله انقسام الناس إلى أشقياء وسعداء.
Kabilang sa pagtatadhana ni Allāh ang pagkakahati ng mga tao sa mga maligaya at mga malumbay. info

• من الوسائل المعينة على العمل الصالح تذكر خسارة الناس يوم القيامة.
Kabilang sa mga kaparaanang nakatutulong sa gawang maayos ang pagsasaalaala sa kalugihan ng mga tao sa Araw ng Pagbangon. info