Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht)

Numri i faqes:close

external-link copy
52 : 4

أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَعَنَهُمُ ٱللَّهُۖ وَمَن يَلۡعَنِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ نَصِيرًا

Ang mga naniniwalang iyon ng tiwaling paniniwalang ito ay ang mga itinaboy ni Allāh mula sa awa Niya. Ang sinumang itataboy ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang mapag-adyang tatangkilik sa kanya. info
التفاسير:

external-link copy
53 : 4

أَمۡ لَهُمۡ نَصِيبٞ مِّنَ ٱلۡمُلۡكِ فَإِذٗا لَّا يُؤۡتُونَ ٱلنَّاسَ نَقِيرًا

Wala silang taglay na isang bahagi mula sa paghahari. Kung sakaling nagkaroon sila nito ay talaga sanang hindi sila nagbigay sa isa man mula rito ng anuman, kahit pa man kasing laki ng tuldok na nasa ibabaw ng buto ng datiles. info
التفاسير:

external-link copy
54 : 4

أَمۡ يَحۡسُدُونَ ٱلنَّاسَ عَلَىٰ مَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦۖ فَقَدۡ ءَاتَيۡنَآ ءَالَ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَءَاتَيۡنَٰهُم مُّلۡكًا عَظِيمٗا

Bagkus naiinggit sila kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at mga Kasamahan nito dahil sa ibinigay ni Allāh sa mga ito na pagkapropeta, pananampalataya, at pagpapakapangyarihan sa lupa? Kaya bakit sila naiinggit sa mga ito gayong nauna nang nagbigay si Allāh sa mga supling ni Abraham ng Kasulatan na ibinaba at ng ikinasi Niya sa kanila bukod pa sa Kasulatan? Nagbigay Siya sa kanila ng isang paghaharing malawak sa mga tao. info
التفاسير:

external-link copy
55 : 4

فَمِنۡهُم مَّنۡ ءَامَنَ بِهِۦ وَمِنۡهُم مَّن صَدَّ عَنۡهُۚ وَكَفَىٰ بِجَهَنَّمَ سَعِيرًا

Mayroon sa mga May Kasulatan na sumampalataya sa pinababa ni Allāh kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa mga propeta Niya kabilang sa mga supling nito. Mayroon sa kanila na umayaw sa pagsampalataya sa Kanya. Ito ay ang paninindigan nila sa pinababa kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang Apoy ay ang pagdurusang itutumbas sa sinumang tumangging sumampalataya kabilang sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
56 : 4

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا سَوۡفَ نُصۡلِيهِمۡ نَارٗا كُلَّمَا نَضِجَتۡ جُلُودُهُم بَدَّلۡنَٰهُمۡ جُلُودًا غَيۡرَهَا لِيَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَزِيزًا حَكِيمٗا

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin ay magpapasok Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa Apoy na papalibot sa kanila. Sa tuwing sinunog ang mga balat nila ay magpapalit Kami sa kanila ng mga ibang balat na iba sa mga ito upang magpatuloy sa kanila ang pagdurusa. Tunay na si Allāh ay laging Makapangyarihan: walang dumadaig sa Kanya na anuman, Marunong sa pinangangasiwaan Niya at hinahatulan Niya. info
التفاسير:

external-link copy
57 : 4

وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ سَنُدۡخِلُهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ لَّهُمۡ فِيهَآ أَزۡوَٰجٞ مُّطَهَّرَةٞۖ وَنُدۡخِلُهُمۡ ظِلّٗا ظَلِيلًا

Ang mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, at gumawa ng mga pagtalima ay magpapapasok Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Magkakaroon sila sa mga harding ito ng mga maybahay na dinalisay mula sa bawat karumihan, at magpapapasok Kami sa kanila sa lilim na malawak na makapal na walang init doon ni lamig. info
التفاسير:

external-link copy
58 : 4

۞ إِنَّ ٱللَّهَ يَأۡمُرُكُمۡ أَن تُؤَدُّواْ ٱلۡأَمَٰنَٰتِ إِلَىٰٓ أَهۡلِهَا وَإِذَا حَكَمۡتُم بَيۡنَ ٱلنَّاسِ أَن تَحۡكُمُواْ بِٱلۡعَدۡلِۚ إِنَّ ٱللَّهَ نِعِمَّا يَعِظُكُم بِهِۦٓۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ سَمِيعَۢا بَصِيرٗا

Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na iparating ninyo ang bawat ipinagkatiwala sa inyo sa mga kinauukulan nito, at nag-uutos sa inyo kapag humusga kayo sa pagitan ng mga tao na magpakamakatarungan kayo, huwag kayong kumiling, at huwag kayong mang-api sa paghatol. Tunay na si Allāh ay kay inam ng ipinapaalaala sa inyo at iginagabay sa inyo sa lahat ng mga kalagayan ninyo. Tunay na si Allāh ay laging Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Nakakikita sa mga ginagawa ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
59 : 4

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَأُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنكُمۡۖ فَإِن تَنَٰزَعۡتُمۡ فِي شَيۡءٖ فَرُدُّوهُ إِلَى ٱللَّهِ وَٱلرَّسُولِ إِن كُنتُمۡ تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ وَأَحۡسَنُ تَأۡوِيلًا

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo, tumalima kayo kay Allāh, tumalima kayo sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya, at tumalima kayo sa mga may kapamahalaan sa inyo hanggat hindi sila nag-uutos ng pagsuway. Kaya kung nagkaiba-iba kayo sa isang bagay ay bumatay kayo hinggil dito sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Propeta Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang pagbatay na iyon sa Qur'ān at Sunnah ay higit na mainam kaysa sa pagpapatuloy sa pagkakaiba-iba at pagsasabi batay sa pananaw, at higit na maganda sa kahihinatnan para sa inyo. info
التفاسير:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• من أعظم أسباب كفر أهل الكتاب حسدهم المؤمنين على ما أنعم الله به عليهم من النبوة والتمكين في الأرض.
Kabilang sa pinakamabigat sa mga kadahilanan ng kawalang-pananampalataya ng mga May Kasulatan ay ang inggit nila sa mga mananampalataya sa ibiniyaya ni Allāh sa mga ito na pagkapropeta at pagpapakapangyarihan sa lupa. info

• الأمر بمكارم الأخلاق من المحافظة على الأمانات، والحكم بالعدل.
Ang pag-uutos para sa mga marangal na kaasalan gaya ng pag-iingat sa mga ipinagkatiwala at paghatol ayon sa katarungan. info

• وجوب طاعة ولاة الأمر ما لم يأمروا بمعصية، والرجوع عند التنازع إلى حكم الله ورسوله صلى الله عليه وسلم تحقيقًا لمعنى الإيمان.
Ang pagkakailangan ng pagtalima sa mga may pamamahala hanggat hindi sila nag-utos ng isang pagsuway at ng pagbatay sa sandali ng hidwaan sa kahatulan ni Allāh at ng Sugo Niya –basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – bilang pagsasakatuparan sa kahulugan ng pananampalataya. info