Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht)

Numri i faqes:close

external-link copy
38 : 3

هُنَالِكَ دَعَا زَكَرِيَّا رَبَّهُۥۖ قَالَ رَبِّ هَبۡ لِي مِن لَّدُنكَ ذُرِّيَّةٗ طَيِّبَةًۖ إِنَّكَ سَمِيعُ ٱلدُّعَآءِ

Sa sandaling iyon na nakakita si Zacarias ng panustos ni Allāh – pagkataas-taas Siya – kay Maria na anak ni `Imrān sa hindi nakagawian sa mga kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagtutustos, umasa siya na magkaloob sa kanya si Allāh ng isang anak sa kabila ng kalagayang siya ay nakasadlak na katandaan ng edad niya at pagkabaog ng maybahay niya. Kaya nagsabi siya: "O Panginoon ko, magkaloob Ka sa akin ng isang anak na kaaya-aya; tunay na Ikaw ay Madinigin sa panalangin ng sinumang dumalangin sa Iyo, sumasagot sa kanya." info
التفاسير:

external-link copy
39 : 3

فَنَادَتۡهُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَهُوَ قَآئِمٞ يُصَلِّي فِي ٱلۡمِحۡرَابِ أَنَّ ٱللَّهَ يُبَشِّرُكَ بِيَحۡيَىٰ مُصَدِّقَۢا بِكَلِمَةٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَسَيِّدٗا وَحَصُورٗا وَنَبِيّٗا مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

Kaya nanawagan sa kanya ang mga anghel habang kumakausap sa kanya samantalang siya ay nasa kalagayan ng pagkakatayo para sa pagdarasal sa isang lugar ng pagsamba, sa pamamagitan ng sabi nila: "Tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang anak na ipanganganak sa iyo, na ang pangalan ay Yahya. Kabilang sa katangian nito na ito ay maging isang tagapagpatotoo sa isang salita mula kay Allāh. Siya ay si Hesus na anak ni Maria dahil iyon ay nilikha sa isang paglikhang natatangi sa pamamagitan ng isang salita mula kay Allāh. Ang batang ito ay magiging isang ginoo sa mga tao niya sa kaalaman at pagsamba, na isang tagapigil sa sarili niya at isang tagahadlang dito sa mga pagnanasa, na kabilang dito ang paglapit sa mga babae, na [magiging] isang nag-uukol ng sarili sa pagsamba sa Panginoon niya, at magiging isang propeta rin kabilang sa mga maayos."
info
التفاسير:

external-link copy
40 : 3

قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَقَدۡ بَلَغَنِيَ ٱلۡكِبَرُ وَٱمۡرَأَتِي عَاقِرٞۖ قَالَ كَذَٰلِكَ ٱللَّهُ يَفۡعَلُ مَا يَشَآءُ

Nagsabi si Zacaria noong binalitaan siya ng mga anghel hinggil kay Juan: "O Panginoon ko, papaanong magkakaroon ako ng isang anak na lalaki matapos na naging matanda ako at ang maybahay ko naman ay baog: walang naipanganganak sa kanya?" Nagsabi si Allāh bilang sagot sa sabi nito: "Ang paghahalintulad sa paglikha kay Juan sa kabila ng katandaan ng edad mo at pagkabaog ng maybahay mo ay gaya ng paglikha ni Allāh sa anumang niloloob Niya kabilang sa sumasalungat sa nakasanayan sa karaniwan dahil si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: gumagawa Siya ng anumang niloloob Niya ayon sa karunungan Niya at kaalaman Niya." info
التفاسير:

external-link copy
41 : 3

قَالَ رَبِّ ٱجۡعَل لِّيٓ ءَايَةٗۖ قَالَ ءَايَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ ٱلنَّاسَ ثَلَٰثَةَ أَيَّامٍ إِلَّا رَمۡزٗاۗ وَٱذۡكُر رَّبَّكَ كَثِيرٗا وَسَبِّحۡ بِٱلۡعَشِيِّ وَٱلۡإِبۡكَٰرِ

Nagsabi si Zacaria: "O Panginoon ko, gumawa Ka para sa akin ng isang palatandaan sa pagbubuntis ng maybahay ko mula sa akin." Nagsabi si Allāh: "Ang palatandaan mo na hiniling mo ay na hindi ka makakaya ng pakikipag-usap sa mga tao nang tatlong araw kasama ng mga gabi ng mga ito malibang sa pamamagitan ng pagpapahiwatig at tulad nito gayong walang kapinsalaang tumama sa iyo. Magpadalas ka ng pag-alaala kay Allāh at pagluwalhati sa Kanya sa katapusan ng maghapon at simula nito." info
التفاسير:

external-link copy
42 : 3

وَإِذۡ قَالَتِ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَٰمَرۡيَمُ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰكِ وَطَهَّرَكِ وَٱصۡطَفَىٰكِ عَلَىٰ نِسَآءِ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi ang mga anghel kay Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Maria, tunay na si Allāh ay pumili sa iyo dahil sa tinataglay mong mga katangiang kapuri-puri, nagdalisay sa iyo sa mga kapintasan, at pumili sa iyo higit sa mga babae ng mga nilalang sa panahon mo. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 3

يَٰمَرۡيَمُ ٱقۡنُتِي لِرَبِّكِ وَٱسۡجُدِي وَٱرۡكَعِي مَعَ ٱلرَّٰكِعِينَ

O Maria, magpahaba ka ng pagtayo sa dasal, magpatirapa ka sa Panginoon mo, at yumukod ka sa Kanya kasama ng mga yumuyukod kabilang sa mga lingkod Niyang mga maayos. info
التفاسير:

external-link copy
44 : 3

ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهِ إِلَيۡكَۚ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ يُلۡقُونَ أَقۡلَٰمَهُمۡ أَيُّهُمۡ يَكۡفُلُ مَرۡيَمَ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ يَخۡتَصِمُونَ

Ang nabanggit na iyon na bahagi ng ulat kina Zacaria at Maria – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – ay bahagi ng mga ulat sa Nakalingid; nagkakasi Kami nito sa iyo, O Sugo. Wala ka noon sa piling ng mga maalam at mga maayos na iyon nang nag-alitan sila hinggil sa kung sino ang higit na karapat-dapat sa pag-aalaga kay Maria hanggang sa humantong sila sa pagpapalabunutan kaya naghagis sila ng mga panulat nila at nabunot ang panulat ni Zacaria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 3

إِذۡ قَالَتِ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَٰمَرۡيَمُ إِنَّ ٱللَّهَ يُبَشِّرُكِ بِكَلِمَةٖ مِّنۡهُ ٱسۡمُهُ ٱلۡمَسِيحُ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ وَجِيهٗا فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ

Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi ang mga anghel: "O Maria, tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang anak na ang paglikha sa kanya ay magiging mula sa hindi isang ama at sa pamamagitan lamang ng isang salita mula kay Allāh sa pamamagitan ng pagsabi Niya ng: 'Mangyari' at mangyayari naman ang pagkakaroon ng isang anak ayon sa pahintulot Niya. Ang pangalan ng batang ito ay Kristo Jesus na anak ni Maria. Magkakaroon siya ng isang dakilang kalagayan sa Mundo at sa Kabilang-buhay at kabilang sa mga inilapit sa Kanya – pagkataas-taas Siya. info
التفاسير:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• عناية الله تعالى بأوليائه، فإنه سبحانه يجنبهم السوء، ويستجيب دعاءهم.
Ang pagmamalasakit ni Allāh sa mga katangkilik Niya sapagkat tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpapaiwas sa kanila sa kasagwaan at tumutugon sa panalangin nila. info

• فَضْل مريم عليها السلام حيث اختارها الله على نساء العالمين، وطهَّرها من النقائص، وجعلها مباركة.
Ang kalamangan ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – yayamang pinili siya ni Allāh higit sa mga babae ng mga nilalang, dinalisay siya mula sa mga kapintasan, at ginawa siyang pinagpapala. info

• كلما عظمت نعمة الله على العبد عَظُم ما يجب عليه من شكره عليها بالقنوت والركوع والسجود وسائر العبادات.
Sa tuwing lumalaki ang biyaya ni Allāh sa tao, lumalaki ang kinakailangan sa kanya na pagpapasalamat niya dahil dito sa pamamagitan ng panalangin, pagyukod, pagpapatirapa, at iba pang mga pagsamba. info

• مشروعية القُرْعة عند الاختلاف فيما لا بَيِّنة عليه ولا قرينة تشير إليه.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpapalabunutan sa sandali ng pagkakaiba-iba hinggil sa anumang walang malinaw na patunay roon at walang ebidensiyang nagpapahiwatig. info