Përkthimi i kuptimeve të Kuranit Fisnik - El Muhtesar fi tefsir el Kuran el Kerim - Përkthimi filipinisht (tagalogisht)

Numri i faqes:close

external-link copy
7 : 16

وَتَحۡمِلُ أَثۡقَالَكُمۡ إِلَىٰ بَلَدٖ لَّمۡ تَكُونُواْ بَٰلِغِيهِ إِلَّا بِشِقِّ ٱلۡأَنفُسِۚ إِنَّ رَبَّكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ

Nagdadala ang mga hayupang ito na nilikha Namin para sa inyo ng mga dala-dalahan ninyong mabigat sa mga paglalakbay ninyo tungo sa isang bayang hindi kayo makararating doon malibang may isang mabigat na hirap sa mga sarili. Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay talagang Mahabagin, Maawain sa inyo yayamang pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga hayupang ito. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 16

وَٱلۡخَيۡلَ وَٱلۡبِغَالَ وَٱلۡحَمِيرَ لِتَرۡكَبُوهَا وَزِينَةٗۚ وَيَخۡلُقُ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

Nilikha ni Allāh para sa inyo ang mga kabayo, ang mga mola, at ang mga asno upang sakyan ninyo ang mga ito at ipapasan ninyo sa mga ito ang mga dala-dalahan ninyo at upang maging isang kagandahan para sa inyo na ipinapampaganda ninyo sa mga tao. Lumilikha Siya ng mga hindi ninyo nalalaman kabilang sa anumang ninais Niya ang paglikha niyon. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 16

وَعَلَى ٱللَّهِ قَصۡدُ ٱلسَّبِيلِ وَمِنۡهَا جَآئِرٞۚ وَلَوۡ شَآءَ لَهَدَىٰكُمۡ أَجۡمَعِينَ

Nasa kay Allāh ang paglilinaw sa daang tuwid na nagpapaabot sa kaluguran Niya: ang Islām. Kabilang sa mga daan ay ang mga daan ng demonyo na nakakiling palayo sa katotohanan. Ang bawat daang hindi ang daan ng Islām, ito ay nakakiling. Kung sakaling niloob ni Allāh na magtuon sa inyo sa kalahatan sa pananampalataya, talaga sanang nagtuon Siya sa inyo roon sa kalahatan. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 16

هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗۖ لَّكُم مِّنۡهُ شَرَابٞ وَمِنۡهُ شَجَرٞ فِيهِ تُسِيمُونَ

Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagpababa para sa inyo ng tubig mula sa mga ulap. Para sa inyo mula sa tubig na iyon ay inuming iniinom ninyo at iniinom ng mga hayupan ninyo. Mula roon ang nangyayaring pagtubo ng mga punong-kahoy, na doon ay nagpapastol kayo ng mga alaga ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 16

يُنۢبِتُ لَكُم بِهِ ٱلزَّرۡعَ وَٱلزَّيۡتُونَ وَٱلنَّخِيلَ وَٱلۡأَعۡنَٰبَ وَمِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ

Nagpapatubo si Allāh para sa inyo sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga pananim na kumakain kayo mula sa mga ito. Nagpapatubo Siya para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga oliba, mga datiles, at mga ubas. Nagpapatubo Siya para sa inyo ng lahat ng mga bunga. Tunay na sa tubig na iyon at anumang namumutawi buhat doon ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong nag-iisip-isip sa paglikha Niya kaya nakapagpapatunay sila sa pamamagitan nito sa kadakilaan Niya – kaluwalhatian sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
12 : 16

وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ وَٱلنُّجُومُ مُسَخَّرَٰتُۢ بِأَمۡرِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

Pinaamo ni Allāh para sa inyo ang gabi upang tumahan kayo rito at mamahinga kayo, at ang maghapon upang kumita kayo rito ng ikabubuhay ninyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ginawa Niya itong isang tanglaw. Ang buwan ay ginawa Niyang isang liwanag. Ang mga bituin ay mga pinaamo para sa inyo ayon sa utos Niyang pang-itinakda. Sa pamamagitan ng mga ito ay napapatnubayan kayo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at nakaaalam kayo ng mga oras at iba pa roon. Tunay na sa pagpapasilbi niyon, ng lahat ng iyon, ay talagang may mga katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong nagpapagana sa mga pang-unawa nila sapagkat sila ay ang nakatatalos ng kasanhian mula roon. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 16

وَمَا ذَرَأَ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُخۡتَلِفًا أَلۡوَٰنُهُۥٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَذَّكَّرُونَ

Pinagsilbi Niya para sa inyo ang nilalang Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa lupa na kabilang sa nagkakaiba-iba ang mga kulay nito gaya ng mga metal, mga hayop, mga halaman, at mga pananim. Tunay na sa nabanggit na iyon na paglikha at pagpapasilbi ay talagang may katunayang hayag sa kakayahan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – para sa mga taong nagsasaalang-alang dito at nakatatalos na si Allāh ay nakakakaya at tagapagbiyaya. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 16

وَهُوَ ٱلَّذِي سَخَّرَ ٱلۡبَحۡرَ لِتَأۡكُلُواْ مِنۡهُ لَحۡمٗا طَرِيّٗا وَتَسۡتَخۡرِجُواْ مِنۡهُ حِلۡيَةٗ تَلۡبَسُونَهَاۖ وَتَرَى ٱلۡفُلۡكَ مَوَاخِرَ فِيهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagpaamo para sa inyo ng dagat kaya nagpakaya Siya sa inyo sa pagsakay rito at paghango ng narito upang kumain kayo mula sa mga nahuhuli ninyo na mga isda nito na laman na makatas na malambot at humango kayo mula rito ng palamuting isinusuot ninyo at isinusuot ng mga kababaihan ninyo gaya ng perlas. Nakikita mo ang mga daong habang mga bumibiyak sa mga alon ng dagat. Sumasakay kayo sa mga daong na ito sa paghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh na natatamo mula sa tubo ng kalakalan, sa pag-asang magpasalamat kayo kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa inyo at magbukod-tangi kayo sa Kanya sa pagsamba. info
التفاسير:
Dobitë e ajeteve të kësaj faqeje:
• من عظمة الله أنه يخلق ما لا يعلمه جميع البشر في كل حين يريد سبحانه.
Bahagi ng kadakilaan ni Allāh na Siya ay lumilikha ng hindi nalalaman ng lahat ng mga tao sa bawat sandaling ninanais Niya – kaluwalhatian sa Kanya. info

• خلق الله النجوم لزينة السماء، والهداية في ظلمات البر والبحر، ومعرفة الأوقات وحساب الأزمنة.
Nilikha ni Allāh ang mga bituin para sa paggayak ng langit, paggabay sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, pag-alam ng mga oras, at pagtutuos ng mga panahon. info

• الثناء والشكر على الله الذي أنعم علينا بما يصلح حياتنا ويعيننا على أفضل معيشة.
Ang pagbubunyi at ang pasasalamat kay Allāh na nagbiyaya sa atin ng naaangkop sa buhay natin at nakatutulong sa atin sa pinakamainam na kabuhayan. info

• الله سبحانه أنعم علينا بتسخير البحر لتناول اللحوم (الأسماك)، واستخراج اللؤلؤ والمرجان، وللركوب، والتجارة، وغير ذلك من المصالح والمنافع.
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagbiyaya sa atin sa pamamagitan ng pagpapasilbi ng dagat para sa pagkuha ng mga lamang-dagat at paghango ng mga perlas at mga koral, at para sa pagsakay, pangangalakal, at iba pa roon na mga kapakanan at mga kapakinabangan. info