ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්)

පිටු අංක: 215:208 close

external-link copy
62 : 10

أَلَآ إِنَّ أَوۡلِيَآءَ ٱللَّهِ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

Pansinin, tunay na ang mga katangkilik ni Allāh ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila na mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila na mga bahagi sa Mundo. info
التفاسير:

external-link copy
63 : 10

ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ

Ang mga katangkilik na ito ay ang mga nailalarawang nagtataglay noon ng pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sila noon ay nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. info
التفاسير:

external-link copy
64 : 10

لَهُمُ ٱلۡبُشۡرَىٰ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ لَا تَبۡدِيلَ لِكَلِمَٰتِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ

Ukol sa kanila ang nakagagalak na balita mula sa Panginoon nila sa Mundo sa pamamagitan ng nagpapatuwa sa kanila dahil sa mabuting panaginip o pagbubunyi ng mga tao sa kanila. Ukol sa kanila ang nakagagalak na balita mula sa mga anghel sa sandali ng pagkuha sa mga kaluluwa nila, matapos ng kamatayan, at sa pagkalap [sa kanila sa Kabilang-buhay]. Walang pagpapaiba sa ipinangako sa kanila ni Allāh. Ang ganting iyon ay ang tagumpay na sukdulan dahil sa dulot nito na pagtamo ng hinihiling at kaligtasan sa pinangingilabutan. info
التفاسير:

external-link copy
65 : 10

وَلَا يَحۡزُنكَ قَوۡلُهُمۡۘ إِنَّ ٱلۡعِزَّةَ لِلَّهِ جَمِيعًاۚ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

Huwag kang malungkot, O Sugo, dahil sa sinasabi ng mga ito na paninirang-puri at pang-aalipusta sa relihiyon mo. Tunay na ang paggapi at ang pagdaig sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh sapagkat walang nakapagpapahina sa Kanya na anuman. Siya ang Madinigin sa mga sinasabi nila, ang Maalam sa mga ginagawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 10

أَلَآ إِنَّ لِلَّهِ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَمَا يَتَّبِعُ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ شُرَكَآءَۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَإِنۡ هُمۡ إِلَّا يَخۡرُصُونَ

Pansinin, tunay na sa kay Allāh lamang ang paghahari sa sinumang nasa mga langit at ang paghahari sa sinumang nasa lupa. Sa aling bagay sumusunod ang mga tagapagtambal na sumasamba sa bukod pa kay Allāh bilang mga pantambal? Hindi sila sumusunod, sa katotohanan, kundi sa pagdududa at wala silang [ginagawa] kundi nagsisinungaling sa pag-uugnay nila ng mga pantambal kay Allāh. Pagkataas-taas si Allāh para sa sabi nila ayon sa kataasang malaki. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 10

هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَسۡمَعُونَ

Siya lamang ay ang gumawa para sa inyo, O mga tao, ng gabi upang mamahinga kayo rito sa pagkilos at pagod at gumawa ng maghapon bilang nagbibigay-tanglaw upang magpunyagi kayo rito para sa nagdudulot sa inyo ng pakinabang sa kabuhayan ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga patunay na maliwanag para sa mga taong dumidinig nang may pagdinig ng pagsasaalang-alang at pagtanggap. info
التفاسير:

external-link copy
68 : 10

قَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدٗاۗ سُبۡحَٰنَهُۥۖ هُوَ ٱلۡغَنِيُّۖ لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ إِنۡ عِندَكُم مِّن سُلۡطَٰنِۭ بِهَٰذَآۚ أَتَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

Nagsabi ang isang pangkat kabilang sa mga tagapagtambal: "Gumawa si Allāh sa mga anghel bilang mga anak na babae." Pagkabanal-banal si Allāh para sa sinasabi nila sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng mga nilikha Niya. Sa Kanya ang paghahari sa anumang nasa mga langit at ang paghahari sa anumang nasa lupa. Wala kayong taglay, O mga tagapagtambal, na patotoo sa sabi ninyong ito. Nagsasabi ba kayo hinggil kay Allāh ng isang salitang mabigat – yayamang nag-uugnay kayo sa Kanya ng anak – na hindi ninyo nalalaman ang katotohanan niyon nang walang patotoo? info
التفاسير:

external-link copy
69 : 10

قُلۡ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ لَا يُفۡلِحُونَ

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Tunay na ang mga lumilikha-likha hinggil kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng anak sa Kanya ay hindi magtatamo ng hinihiling nila at hindi maliligtas mula sa pinangingilabutan nila." info
التفاسير:

external-link copy
70 : 10

مَتَٰعٞ فِي ٱلدُّنۡيَا ثُمَّ إِلَيۡنَا مَرۡجِعُهُمۡ ثُمَّ نُذِيقُهُمُ ٱلۡعَذَابَ ٱلشَّدِيدَ بِمَا كَانُواْ يَكۡفُرُونَ

Kaya huwag silang malinlang sa tinatamasa nila na mga sarap sa Mundo at kaginhawahan dito sapagkat ito ay natatamasang kaunti na maglalaho. Pagkatapos tungo kay Allāh ang pagbabalik nila sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos magpapalasap si Allāh sa kanila ng pagdurusang malakas dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at pagpapasinungaling nila sa Sugo Niya. info
التفاسير:
මෙ⁣ම පිටුවේ තිබෙන වැකිවල ප්‍රයෝජන:
• ولاية الله تكون لمن آمن به، وامتثل أوامره، واجتنب نواهيه، واتبع رسوله صلى الله عليه وسلم، وأولياء الله هم الآمنون يوم القيامة، ولهم البشرى في الدنيا إما بالرؤيا الصالحة أو عند الموت.
Ang pagtangkilik ni Allāh ay para sa sinumang sumampalataya sa Kanya, sumunod sa mga ipinag-uutos Niya, umiiwas sa mga sinasaway Niya, at sumunod sa Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang mga katangkilik ni Allāh ay ang mga tiwasay sa Araw ng Pagbangon. Ukol sa kanila ang nakalulugod na balita sa Mundo sa pamamagitan ng mabuting panaginip o sa sandali ng kamatayan. info

• العزة لله جميعًا وحده ؛ فهو مالك الملك، وما عُبِد من دون الله لا حقيقة له.
Ang karangalan ay ukol kay Allāh sa kalahatan – tanging sa Kanya – sapagkat Siya ay ang naghahari sa kaharian at ang anumang sinasamba bukod pa kay Allāh ay walang katotohanan doon. info

• الحث على التفكر في خلق الله؛ لأن ذلك يقود إلى الإيمان به وتوحيده.
Ang paghimok sa pag-iisip-isip sa paglikha ni Allāh dahil iyon ay umaakay tungo sa pananampalataya sa Kanya at paniniwala sa kaisahan Niya. info

• حرمة الكذب على الله عز وجل، وأن صاحبه لن يفلح، ومن أعظم الكذب نسبة الولد له سبحانه.
Ang pagkabawal ng pagsisinungaling hinggil kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – at na ang gumagawa nito ay hindi magtatagumpay. Kabilang sa pinakamabigat na kasinungalingan ay ang pag-uugnay ng anak sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya! info