ශුද්ධවූ අල් කුර්ආන් අර්ථ කථනය - ශුද්ධ වූ අල්කුර්ආන් අර්ථ විිවරණයේ සංෂිප්ත අනුවාදය- පිලිපීන පරිවර්තනය (ටගාලොග්)

පිටු අංක:close

external-link copy
34 : 10

قُلۡ هَلۡ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥۚ قُلِ ٱللَّهُ يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Kabilang kaya sa gitna ng mga pantambal ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ang nagpapaumpisa ng paglikha nang walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos magbubuhay Siya nito matapos ng kamatayan nito?" Sabihin mo sa kanila: "Si Allāh ay nagpapaumpisa ng paglikha nang walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos magbubuhay Siya nito matapos ng kamatayan nito. Kaya papaano kayong nalilihis, O mga tagapagtambal, palayo sa katotohanan patungo sa kabulaanan?" info
التفاسير:

external-link copy
35 : 10

قُلۡ هَلۡ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلۡحَقِّۚ قُلِ ٱللَّهُ يَهۡدِي لِلۡحَقِّۗ أَفَمَن يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلۡحَقِّ أَحَقُّ أَن يُتَّبَعَ أَمَّن لَّا يَهِدِّيٓ إِلَّآ أَن يُهۡدَىٰۖ فَمَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kabilang kaya sa gitna ng mga pantambal ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ang gumagabay tungo sa katotohanan?" Sabihin mo sa kanila: "Si Allāh lamang ay gumagabay tungo sa katotohanan. Kaya ang gumagabay ba sa mga tao tungo sa katotohanan at nag-aanyaya sa kanila tungo rito ay higit na marapat na sundin o ang mga sinasamba ninyo na hindi napapatnubayan sa sarili ng mga ito maliban na nagpapatnubay sa mga ito ang iba pa sa mga ito? Kaya ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol ayon sa kabulaanan nang nag-angkin kayo na sila ay mga pantambal para kay Allāh? Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa sabi ninyo ayon sa kataasang malaki." info
التفاسير:

external-link copy
36 : 10

وَمَا يَتَّبِعُ أَكۡثَرُهُمۡ إِلَّا ظَنًّاۚ إِنَّ ٱلظَّنَّ لَا يُغۡنِي مِنَ ٱلۡحَقِّ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا يَفۡعَلُونَ

Hindi sumusunod ang karamihan sa mga tagapagtambal kundi sa bagay na walang kaalaman ukol sa kanila hinggil doon sapagkat hindi sila sumusunod kundi sa isang akala at isang pagdududa. Tunay na ang pagdududa ay hindi nakatatayo sa kinatatayuan ng katotohanan at hindi nakasasapat dito. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 10

وَمَا كَانَ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانُ أَن يُفۡتَرَىٰ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلَٰكِن تَصۡدِيقَ ٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَتَفۡصِيلَ ٱلۡكِتَٰبِ لَا رَيۡبَ فِيهِ مِن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Hindi natutumpak para sa Qur’ān na ito na malikha-likha ito at maiugnay ito sa iba pa kay Allāh dahil sa di-maiiwasang kawalang-kakayahan ng mga tao sa paglalahad ng tulad nito. Bagkus ito ay isang tagapatotoo sa bumaba kabilang sa mga kasulatan bago nito, na isang tagalinaw sa binuod sa mga iyon na mga patakaran. Kaya ito ay walang duda na ito ay pinababa mula sa Panginoon ng mga nilikha – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. info
التفاسير:

external-link copy
38 : 10

أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ فَأۡتُواْ بِسُورَةٖ مِّثۡلِهِۦ وَٱدۡعُواْ مَنِ ٱسۡتَطَعۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Bagkus nagsasabi ba ang mga tagapagtambal na ito na tunay na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay lumikha-likha ng Qur'ān na ito mula sa sarili niya at nag-ugnay nito kay Allāh? Sabihin mo, O Sugo, bilang tugon sa kanila: "Kung nagdala ako nito mula sa ganang akin samantalang ako ay isang taong tulad ninyo, magdala kayo mismo ng isang kabanatang kabilang sa tulad nito. Tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyong tawagin para umalalay sa inyo, kung kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo na ang Qur'ān daw ay nilikha-likhang kasinungalingan. Hindi kayo makakakaya niyon. Ang kawalan ng kakayahan ninyo – kayong mga mahusay ang dila at mga panginoon ng katatasan – ay nagpapatunay na ang Qur'ān ay pinababa mula sa ganang kay Allāh." info
التفاسير:

external-link copy
39 : 10

بَلۡ كَذَّبُواْ بِمَا لَمۡ يُحِيطُواْ بِعِلۡمِهِۦ وَلَمَّا يَأۡتِهِمۡ تَأۡوِيلُهُۥۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلظَّٰلِمِينَ

Ngunit hindi sila sumagot, bagkus nagdali-dali sila sa pagpapasinungaling sa Qur'ān bago sila magpakaunawa nito at magbulay-bulay nito at bago mangyari ang ibinabala sa kanila na pagdurusa, na nalapit na ang pagpunta niyon. Tulad ng pagpapasinungaling na ito nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna. Kaya bumaba sa mga iyon ang bumaba na pagdurusa. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung naging papaano ang wakas ng mga kalipunang tagapasinungaling sapagkat nagpahamak sa kanila si Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
40 : 10

وَمِنۡهُم مَّن يُؤۡمِنُ بِهِۦ وَمِنۡهُم مَّن لَّا يُؤۡمِنُ بِهِۦۚ وَرَبُّكَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُفۡسِدِينَ

Kabilang sa mga tagapagtambal ang sasampalataya sa Qur'ān bago ng kamatayan nila at kabilang sa kanila ang hindi sumasampalataya rito dala ng pagmamatigas at pakikipagmalakihan hanggang sa mamatay. Ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila. Gaganti Siya sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 10

وَإِن كَذَّبُوكَ فَقُل لِّي عَمَلِي وَلَكُمۡ عَمَلُكُمۡۖ أَنتُم بَرِيٓـُٔونَ مِمَّآ أَعۡمَلُ وَأَنَا۠ بَرِيٓءٞ مِّمَّا تَعۡمَلُونَ

Kaya kung nagpasinungaling sa iyo, O Sugo, ang mga kababayan mo ay sabihin mo sa kanila: "Ukol sa akin ang gantimpala ng gawain ko at ako ay mananagot sa kalalabasan ng gawain ko. Ukol sa inyo ang gantimpala ng gawain ninyo at sa inyo ang parusa rito. Kayo ay mga walang-kaugnayan sa parusa sa anumang ginagawa ko at ako ay walang-kaugnayan sa parusa sa anumang ginagawa ninyo." info
التفاسير:

external-link copy
42 : 10

وَمِنۡهُم مَّن يَسۡتَمِعُونَ إِلَيۡكَۚ أَفَأَنتَ تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ وَلَوۡ كَانُواْ لَا يَعۡقِلُونَ

Kabilang sa mga tagapagtambal ang nakikinig sa iyo, O Sugo, kapag bumigkas ka ng Qur'ān, ayon sa pakikinig na hindi nakaugnay sa pagtanggap at pagpapasakop. Ngunit ikaw ba ay nakakakaya sa pagpapakinig sa sinumang inalisan ng pandinig? Kaya sa gayon hindi ka nakakakaya sa pagpapatnubay sa mga nabinging ito sa pakikinig sa katotohanan sapagkat hindi sila nakapag-uunawa nito. info
التفاسير:
මෙ⁣ම පිටුවේ තිබෙන වැකිවල ප්‍රයෝජන:
• الهادي إلى الحق هداية التوفيق هو الله وحده دون ما سواه.
Ang tagapagpatnubay tungo sa katotohanan ayon sa pagpapatnubay ng pagtutuon ay si Allāh – tanging Siya na walang iba pa sa Kanya. info

• الحث على تطلب الأدلة والبراهين والهدايات للوصول للعلم والحق وترك الوهم والظن.
Ang paghimok sa paghiling ng mga patunay, mga patotoo, at mga kapatnubayan para sa paghantong sa kaalaman at katotohanan at pag-iwan sa ilusyon at akala. info

• ليس في مقدور أحد أن يأتي ولو بآية مثل القرآن الكريم إلى يوم القيامة.
Wala sa abot ng kakayahan ng isa man na maglahad ng kahit isang talata tulad ng nasa Marangal na Qur'ān hanggang sa Araw ng Pagbangon. info

• سفه المشركين وتكذيبهم بما لم يفهموه ويتدبروه.
Ang kahunghangan ng mga tagapagtambal at ang pagpapasinungaling nila sa hindi nila naiintidihan at napagbulay-bulayan. info