Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) bikaba ari incamake y'ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu.

numero y'urupapuro:close

external-link copy
62 : 2

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلنَّصَٰرَىٰ وَٱلصَّٰبِـِٔينَ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَلَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

Tunay na ang sinumang sumampalataya kabilang sa Kalipunang ito, at gayon din ang sinumang sumampalataya kabilang sa mga kalipunang nagdaan bago ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kabilang sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at mga Sabeano na isang pangkat ng mga tagasunod ng ilan sa mga propeta – ang sinumang nagkatotoo sa kanila ang pananampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay – ay ukol sa kanila ang gantimpala nila sa ganang Panginoon nila. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay at hindi sila malulungkot sa anumang nakaalpas sa kanila sa Mundo. info
التفاسير:

external-link copy
63 : 2

وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَكُمۡ وَرَفَعۡنَا فَوۡقَكُمُ ٱلطُّورَ خُذُواْ مَآ ءَاتَيۡنَٰكُم بِقُوَّةٖ وَٱذۡكُرُواْ مَا فِيهِ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ

Banggitin ninyo ang tinanggap Namin sa inyo na tipang binigyang-diin, na pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Nag-angat Kami ng bundok sa ibabaw ninyo bilang pagpapangamba sa inyo at pagbabala laban sa paghinto sa paggawa ayon sa tipan habang nag-uutos sa inyo ng pagtanggap sa pinababa Namin sa inyo na Torah nang may pagsisikhay at pagsisikap, nang walang panghahamak at katamaran. Ingatan ninyo ang nilalaman nito at pagnilay-nilayan ninyo ito, nang sa gayon kayo, sa pamamagitan ng pagsagawa niyon, ay mangingilag sa parusa ni Allāh – pagkataas-taas Siya. info
التفاسير:

external-link copy
64 : 2

ثُمَّ تَوَلَّيۡتُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَۖ فَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ لَكُنتُم مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ

Walang nangyari sa inyo malibang umayaw kayo at sumuway kayo matapos ng pagtanggap ng tipang binigyang-diin sa inyo. Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo sa pamamagitan ng pagpapalampas sa inyo at awa Niya sa pamamagitan ng pagtanggap sa pagbabalik-loob ninyo ay talaga sanang kayo ay naging kabilang sa mga lugi dahilan sa pag-ayaw at pagsuway na iyon. info
التفاسير:

external-link copy
65 : 2

وَلَقَدۡ عَلِمۡتُمُ ٱلَّذِينَ ٱعۡتَدَوۡاْ مِنكُمۡ فِي ٱلسَّبۡتِ فَقُلۡنَا لَهُمۡ كُونُواْ قِرَدَةً خَٰسِـِٔينَ

Talaga ngang nakaalam kayo sa ulat ng mga nauna sa inyo ayon sa pagkakaalam na walang pagkalito rito yayamang lumabag sila dahil sa pangingisda sa araw ng sabado, na ipinagbawal sa kanila ang pangingisda roon. Nanggulang sila roon sa pamamagitan ng paglalagay ng lambat bago ng araw ng Sabado at ng pagkuha sa nalambat sa araw ng Linggo. Kaya ginawa ni Allāh ang mga nanggugulang na ito na mga unggoy na tinatabog bilang kaparusahan sa kanila sa panggugulang nila. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 2

فَجَعَلۡنَٰهَا نَكَٰلٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهَا وَمَا خَلۡفَهَا وَمَوۡعِظَةٗ لِّلۡمُتَّقِينَ

Kaya gumawa si Allāh sa lumalabag na nayong ito bilang aral para sa nakaratig dito na mga pamayanan at bilang aral para sa sinumang darating matapos nito upang hindi gumawa iyon ng gawain nito para maging karapat-dapat sa kaparusahan nito. Gumawa si Allāh dito bilang pagpapaalaala para sa mga tagapangilag magkasala, na nangangamba sa parusa Niya at paghihiganti Niya sa sinumang lumalabag sa mga hangganan Niya. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 2

وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَأۡمُرُكُمۡ أَن تَذۡبَحُواْ بَقَرَةٗۖ قَالُوٓاْ أَتَتَّخِذُنَا هُزُوٗاۖ قَالَ أَعُوذُ بِٱللَّهِ أَنۡ أَكُونَ مِنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ

Banggitin ninyo: Kabilang sa ulat ng mga nauna sa inyo ang nangyari sa pagitan nila at ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kung saan nagpabatid siya sa kanila ng utos ni Allāh para sa kanila na magkatay sila ng isa sa mga baka. Sa halip na magdali-dali, nagsabi sila habang mga nagpapakahirap: "Gumagawa ka ba sa amin bilang tampulan ng pangungutya?" Kaya nagsabi si Moises: "Nagpapakupkop ako kay Allāh na ako ay maging kabilang sa mga nagsisinungaling laban kay Allāh at nangungutya sa mga tao." info
التفاسير:

external-link copy
68 : 2

قَالُواْ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا هِيَۚ قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٞ لَّا فَارِضٞ وَلَا بِكۡرٌ عَوَانُۢ بَيۡنَ ذَٰلِكَۖ فَٱفۡعَلُواْ مَا تُؤۡمَرُونَ

Nagsabi sila kay Moises: "Dumalangin ka para amin sa Panginoon mo upang magpalinaw Siya para sa amin ng katangian ng baka na nag-utos Siya sa amin ng pagkatay niyon." Kaya nagsabi siya sa kanila: "Tunay na si Allāh ay nagsasabi na tunay na ito ay isang baka na hindi malaki ang edad at hindi bata, bagkus kalagitnaan sa pagitan niyon; kaya magdali-dali kayo sa pagsunod sa utos ng Panginoon ninyo." info
التفاسير:

external-link copy
69 : 2

قَالُواْ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا لَوۡنُهَاۚ قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٞ صَفۡرَآءُ فَاقِعٞ لَّوۡنُهَا تَسُرُّ ٱلنَّٰظِرِينَ

Ngunit nagpatuloy sila sa pakikipagtalo nila at pang-iinis nila, na mga nagsasabi kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Dumalangin ka sa Panginoon mo upang magpalinaw Siya sa amin kung ano ang kulay nito." Kaya nagsabi sa kanila si Moises: "Tunay na si Allāh ay nagsasabing tunay na ito ay isang bakang dilaw na matindi ang kadilawan, na nagpapahanga sa bawat tumitingin dito." info
التفاسير:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• الحُكم المذكور في الآية الأولى لِمَا قبل بعثة النبي صلى الله عليه وسلم، وأما بعد بعثته فإن الدين المَرْضِيَّ عند الله هو الإسلام، لا يقبل غيره، كما قال الله تعالى: ﴿ وَمَنْ يَبْتَغِ غَيْرَ الْإِسْلَامِ دِينًا فَلَنْ يُقْبَلَ مِنْه ﴾ (آل عمران: 85).
Ang kahatulang nabanggit sa unang talata ay para sa bago ng pagpapadala kay Propeta [Muḥammad] – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ngunit matapos ng pagpapadala sa kanya, tunay na ang relihiyong kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay ang Islām. Hindi tatanggapin ang iba pa rito gaya ng sinabi ni Allāh – pagkataas-taas Siya – (Qur'ān 3:85): "Ang sinumang maghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi iyon matatanggap mula sa kanya," info

• قد يُعَجِّلُ الله العقوبة على بعض المعاصي في الدنيا قبل الآخرة؛ لتكون تذكرة يتعظ بها الناس فيحذروا مخالفة أمر الله تعالى.
Maaaring magmadali si Allāh sa kaparusahan sa ilan sa mga pagsuway sa Mundo bago ng Kabilang-buhay upang ito ay maging isang pagpapaalaalang mapangangaralan sa pamamagitan nito ang mga tao kaya mag-iingat sila sa pagsalungat sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya. info

• أنّ من ضيَّق على نفسه وشدّد عليها فيما ورد موسَّعًا في الشريعة، قد يُعاقَبُ بالتشديد عليه.
Na ang sinumang naghigpit sa sarili at nagpahirap dito sa anumang nasaad na usaping niluwagan sa Batas ng Islām ay maaaring parusahan sa pamamagitan ng pagpapahirap sa kanya. info