Ibisobanuro bya qoran ntagatifu - Ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu mu rurimi rw'igifilipine (Tagalog) bikaba ari incamake y'ibisobanuro bya Qur'an Ntagatifu.

numero y'urupapuro:close

external-link copy
170 : 2

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّبِعُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُواْ بَلۡ نَتَّبِعُ مَآ أَلۡفَيۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ءَابَآؤُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ شَيۡـٔٗا وَلَا يَهۡتَدُونَ

Kapag sinabi sa mga tagatangging sumampalatayang ito: "Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh na patnubay at liwanag," nagsasabi sila habang mga nagmamatigas: "Bagkus sumusunod kami sa natagpuan namin sa mga magulang namin na mga paniniwala at mga tradisyon." Sumusunod ba sila ang mga magulang nila kahit ba ang mga ito ay hindi nakapag-uunawa ng anumang patnubay at liwanag, at hindi napapatnubayan tungo sa katotohanang kinalulugdan ni Allāh? info
التفاسير:

external-link copy
171 : 2

وَمَثَلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ كَمَثَلِ ٱلَّذِي يَنۡعِقُ بِمَا لَا يَسۡمَعُ إِلَّا دُعَآءٗ وَنِدَآءٗۚ صُمُّۢ بُكۡمٌ عُمۡيٞ فَهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ

Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa pagsunod nila sa mga ninuno nila ay gaya ng pastol na sumisigaw habang nananawagan sa mga hayop niya at nakaririnig naman ang mga ito sa tinig niya ngunit hindi nakauunawa sa sinasabi niya sapagkat sila ay mga bingi sa pagdinig ng katotohanan ayon sa pagdinig na makikinabang sila, na mga pipi na natahimik na ang mga dila nila sa pagbigkas sa katotohanan, na mga bulag sa pagkakita niyon. Dahil dito, hindi sila nakapag-uunawa sa patnubay na nag-aanyaya sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
172 : 2

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ وَٱشۡكُرُواْ لِلَّهِ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos sa inyo ni Allāh at pinayagan Niya para sa inyo. Magpasalamat kayo kay Allāh nang lantaran at patago sa ipinagmabuting-loob Niya sa inyo na mga biyaya. Bahagi ng pagpapasalamat sa Kanya – pagkataas-taas Siya – ay na magsagawa kayo ng pagtalima sa Kanya at umiwas kayo sa pagsuway sa Kanya kung kayo ay totoong sumasamba sa Kanya lamang at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. info
التفاسير:

external-link copy
173 : 2

إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحۡمَ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ بِهِۦ لِغَيۡرِ ٱللَّهِۖ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ

Ipinagbawal lamang ni Allāh sa inyo mula sa mga pagkain ang namatay nang walang pagkatay na isinasabatas, ang ibinubong dugong dumadaloy, ang laman ng baboy, at ang anumang binanggitan ang iba pa sa pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkakatay nito. Ngunit kapag napilitan ang tao na kumain ng anuman, samantalang siya ay hindi naman lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagkain mula roon nang walang pangangailangan ni lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, ay walang kasalanan sa kanya ni kaparusahan. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. Bahagi ng awa Niya na Siya ay nagpapaumanhin sa pagkain ng mga ipinagbabawal na ito sa sandali ng pagkanapipilitan. info
التفاسير:

external-link copy
174 : 2

إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡتُمُونَ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَيَشۡتَرُونَ بِهِۦ ثَمَنٗا قَلِيلًا أُوْلَٰٓئِكَ مَا يَأۡكُلُونَ فِي بُطُونِهِمۡ إِلَّا ٱلنَّارَ وَلَا يُكَلِّمُهُمُ ٱللَّهُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Tunay na ang mga nagtatago ng pinababa ni Allāh mula sa kasulatan at anumang naroon na katunayan sa katotohanan at pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – gaya ng ginagawa ng mga Hudyo at mga Kristiyano, at ipinagbibili ito sa pamamagitan ng pagtatago nila rito dala ng isang kaunting kapalit gaya ng katungkulan o impluwensiya o yaman, ang mga iyon ay walang kinakain sa mga tiyan nila sa katunayan kundi ang magiging isang dahilan para pagdusahin sila sa Apoy. Hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa paraang maiibigan nila, bagkus sa paraang ikasasama nila, at hindi Siya magdadalisay sa kanila ni pupuri sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. info
التفاسير:

external-link copy
175 : 2

أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشۡتَرَوُاْ ٱلضَّلَٰلَةَ بِٱلۡهُدَىٰ وَٱلۡعَذَابَ بِٱلۡمَغۡفِرَةِۚ فَمَآ أَصۡبَرَهُمۡ عَلَى ٱلنَّارِ

Ang mga nailalarawang iyon ng pagtatago ng kaalaman na kinakailangan ng mga tao ay ang mga nagpalit ng kaligawan sa patnubay noong itinago nila ang kaalamang totoo at ipinagpalit sa parusa ni Allāh ang kapatawaran Niya. Kaya anong mapagtiis nila sa paggawa ng ikadadahilan para sa kanila ng pagpasok sa Apoy. Para bang sila ay hindi pumapansin sa nasa loob niyon na pagdurusa dahil sa pagtitiis nila roon. info
التفاسير:

external-link copy
176 : 2

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ نَزَّلَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ ٱخۡتَلَفُواْ فِي ٱلۡكِتَٰبِ لَفِي شِقَاقِۭ بَعِيدٖ

Ang ganting iyon sa pagtatago sa kaalaman at patnubay ay dahilan sa si Allāh ay nagbaba ng mga kasulatang makadiyos kalakip ng katotohanan. Ito ay humihiling na linawin at huwag ilihim. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa mga kasulatang makadiyos sapagkat sumampalataya sila sa isang bahagi ng mga ito at nagtago sa ibang bahagi ng mga ito ay talagang nasa isang panig na malayo sa katotohanan. info
التفاسير:
Inyungu dukura muri ayat kuri Uru rupapuro:
• أكثر ضلال الخلق بسبب تعطيل العقل، ومتابعة من سبقهم في ضلالهم، وتقليدهم بغير وعي.
Ang pinakamarami sa pagkaligaw ng mga nilikha ay dahilan sa pagpapatigil sa isip, pagsunod sa nauna sa kanila sa pagkaligaw ng mga iyon, at panggagaya nila nang walang kamalayan. info

• عدم انتفاع المرء بما وهبه الله من نعمة العقل والسمع والبصر، يجعله مثل من فقد هذه النعم.
Ang hindi pakikinabang ng tao sa ipinagkaloob sa kanya ni Allāh na biyaya ng isip, pagdinig, at pagtingin ay gumagawa sa kanya na tulad ng nawalan ng mga biyayang ito. info

• من أشد الناس عقوبة يوم القيامة من يكتم العلم الذي أنزله الله، والهدى الذي جاءت به رسله تعالى.
Kabilang sa pinakamatindi sa mga tao sa kaparusahan sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagtago ng kaalamang pinababa ni Allāh at patnubay na inihatid ng mga sugo Niya – pagkataas-taas Siya. info

• من نعمة الله تعالى على عباده المؤمنين أن جعل المحرمات قليلة محدودة، وأما المباحات فكثيرة غير محدودة.
Bahagi ng biyaya ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya ay na ginawa Niya ang mga ipinagbabawal na kakaunti at limitado, at ang mga pinapayagan naman na marami, hindi limitado. info