Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran

Pagina nummer:close

external-link copy
40 : 34

وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ جَمِيعٗا ثُمَّ يَقُولُ لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ أَهَٰٓؤُلَآءِ إِيَّاكُمۡ كَانُواْ يَعۡبُدُونَ

Banggitin mo, O Sugo, ang Araw na kakalap sa kanila si Allāh sa kalahatan, pagkatapos magsasabi Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga anghel bilang panunumbat sa mga tagapagtambal at paninisi sa kanila: "Ang mga ito ba ay dati silang sumasamba sa inyo sa buhay na pangmundo bukod pa kay Allāh?" info
التفاسير:

external-link copy
41 : 34

قَالُواْ سُبۡحَٰنَكَ أَنتَ وَلِيُّنَا مِن دُونِهِمۖ بَلۡ كَانُواْ يَعۡبُدُونَ ٱلۡجِنَّۖ أَكۡثَرُهُم بِهِم مُّؤۡمِنُونَ

Magsasabi ang mga anghel: "Nagpakawalang-kapintasan Ka at nagpakabanal Ka! Ikaw ay ang Katangkilik namin sa halip nila sapagkat walang pakikipagtangkilikan sa pagitan namin at nila. Bagkus ang mga tagapagtambal na ito noon ay sumasamba sa mga demonyo, na nagkukunwari sa kanila na ang mga iyon ay mga anghel kaya naman sumasamba sila sa mga iyon bukod pa kay Allāh. Ang karamihan sa kanila sa mga iyon ay mga mananampalataya." info
التفاسير:

external-link copy
42 : 34

فَٱلۡيَوۡمَ لَا يَمۡلِكُ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٖ نَّفۡعٗا وَلَا ضَرّٗا وَنَقُولُ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلنَّارِ ٱلَّتِي كُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ

Sa araw ng pagkakalap at pagtutuos, hindi makapagdudulot ang mga sinasamba ng isang pakinabang sa mga sumamba sa kanila sa Mundo bukod pa kay Allāh at hindi sila makapagdudulot sa mga iyon ng isang pinsala. Magsasabi Kami sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway: "Lumasap kayo ng pagdurusa sa Apoy na kayo noon sa Mundo ay nagpapasinungaling dito." info
التفاسير:

external-link copy
43 : 34

وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّا رَجُلٞ يُرِيدُ أَن يَصُدَّكُمۡ عَمَّا كَانَ يَعۡبُدُ ءَابَآؤُكُمۡ وَقَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّآ إِفۡكٞ مُّفۡتَرٗىۚ وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ

Kapag binibigkas sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito ang mga talata Naming pinababa sa sugo Namin nang maliwanag na walang pagkalito sa mga ito ay nagsasabi sila: "Walang iba ang lalaking ito na naghatid ng mga ito kundi isang lalaking nagnanais na magpalihis sa inyo palayo sa gawain noon ng mga ninuno ninyo." Nagsabi pa sila: "Walang iba ang Qur'ān na ito kundi isang kasinungalingang nilikha-likha niya laban kay Allāh." Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh hinggil sa Qur'ān noong dumating ito sa kanila mula sa ganang kay Allāh: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na maliwanag dahil sa pagpapahiwalay nito sa lalaki at maybahay niya, at sa anak at ama niya. info
التفاسير:

external-link copy
44 : 34

وَمَآ ءَاتَيۡنَٰهُم مِّن كُتُبٖ يَدۡرُسُونَهَاۖ وَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمۡ قَبۡلَكَ مِن نَّذِيرٖ

Hindi Kami nagbigay sa kanila ng anumang mga kasulatan na binabasa nila upang magturo sa kanila na ang Qur'ān na ito ay isang kasinungalingang nilikha-likha ni Muḥammad. Hindi Kami nagsugo sa kanila bago ng pagsusugo sa iyo, O Sugo, ng anumang sugo na nagpapangamba sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 34

وَكَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ وَمَا بَلَغُواْ مِعۡشَارَ مَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ فَكَذَّبُواْ رُسُلِيۖ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ

Nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna tulad ng `Ād at Thamūd at mga kababayan ni Lot. Hindi umabot ang mga tagapagtambal kabilang sa mga kalipi mo sa ikapu ng naabot ng mga kalipunang nauna na lakas, kapangyarihan, yaman, at bilang. Ngunit nagpasinungaling ang bawat isa sa kanila sa sugo niyon kaya hindi nagpakinabang sa kanila ang ibinigay sa kanila na yaman, lakas, at bilang, saka bumagsak sa kanila ang pagdurusang dulot Ko. Kaya tumingin ka, O Sugo, kung magiging papaano na ang pagtutol Ko sa kanila at kung magiging papaano na ang parusa Ko sa kanila.
info
التفاسير:

external-link copy
46 : 34

۞ قُلۡ إِنَّمَآ أَعِظُكُم بِوَٰحِدَةٍۖ أَن تَقُومُواْ لِلَّهِ مَثۡنَىٰ وَفُرَٰدَىٰ ثُمَّ تَتَفَكَّرُواْۚ مَا بِصَاحِبِكُم مِّن جِنَّةٍۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا نَذِيرٞ لَّكُم بَيۡنَ يَدَيۡ عَذَابٖ شَدِيدٖ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Nagpapahiwatig lamang ako sa inyo at nagpapayo lamang ako sa inyo ng iisang katangian: na tumayo kayo, habang mga naaalisan ng pithaya, para kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – nang dala-dalawa at mga namumukod. Pagkatapos ay mag-isip-isip kayo sa pamumuhay ng kasamahan ninyo at sa anumang nalaman ninyo sa pag-iisip niya, katapatan niya, at pagkamapagkakatiwalaan niya," upang mapaglinawan ninyo na siya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay walang taglay na kabaliwan. Walang iba siya kundi isang tagapagbigay-babala para sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi, kung hindi kayo nagbalik-loob kay Allāh mula sa pagtatambal sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 34

قُلۡ مَا سَأَلۡتُكُم مِّنۡ أَجۡرٖ فَهُوَ لَكُمۡۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٞ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito: "Hindi ako humingi sa inyo ng anumang gantimpala o pabuya sa inihatid ko sa inyo na patnubay at kabutihan – kung ipagpapalagay ang kairalan nito – sapagkat ito ay para sa inyo. Walang iba ang gantimpala sa akin kundi nasa kay Allāh lamang. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa bawat bagay ay Saksi sapagkat Siya ay sumasaksi na ako ay nagpaabot sa inyo at sumasaksi sa mga gawain ninyo kaya para lumubos Siya sa inyo sa pagganti sa mga ito." info
التفاسير:

external-link copy
48 : 34

قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَقۡذِفُ بِٱلۡحَقِّ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ

Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang Panginoon ko ay magpapangibabaw ng katotohanan sa kabulaanan para pabulaanan ito. Siya ay ang Palaalam sa mga lingid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga langit ni sa lupa at hindi nakakukubli sa Kanya ang mga gawain ng mga lingkod Niya." info
التفاسير:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• التقليد الأعمى للآباء صارف عن الهداية.
Ang bulag na paggaya-gaya sa mga ninuno ay nagpapalihis sa kapatnubayan. info

• التفكُّر مع التجرد من الهوى وسيلة للوصول إلى القرار الصحيح، والفكر الصائب.
Ang pag-iisip-isip at ang pag-aalis ng pithaya ay isang kaparaanan sa paghantong sa tumpak ng pasya at tamang ideya. info

• الداعية إلى الله لا ينتظر الأجر من الناس، وإنما ينتظره من رب الناس.
Ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ay hindi naghihintay ng pabuya mula sa mga tao. Naghihintay lamang siya nito mula sa Panginoon ng mga tao. info