Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (tagalog) k.

Puslapio numeris:close

external-link copy
60 : 6

وَهُوَ ٱلَّذِي يَتَوَفَّىٰكُم بِٱلَّيۡلِ وَيَعۡلَمُ مَا جَرَحۡتُم بِٱلنَّهَارِ ثُمَّ يَبۡعَثُكُمۡ فِيهِ لِيُقۡضَىٰٓ أَجَلٞ مُّسَمّٗىۖ ثُمَّ إِلَيۡهِ مَرۡجِعُكُمۡ ثُمَّ يُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Si Allāh ay ang kumukuha sa mga kaluluwa ninyo sa isang pagkuhang pansamantala sa sandali ng pagtulog. Siya ay ang nakaaalam sa nakamit ninyo na mga gawa sa maghapon sa oras ng aktibidad ninyo. Pagkatapos bumubuhay Siya sa inyo sa maghapon matapos ng pagkuha sa mga kaluluwa ninyo sa pagtulog upang magsagawa kayo ng mga gawain ninyo hanggang sa magwakas ang mga taning ng mga buhay ninyong naitakda sa ganang kay Allāh. Pagkatapos tungo sa Kanya lamang ang pagbabalik ninyo sa pamamagitan ng Pagbubuhay sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos magpapabatid Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa sa buhay ninyo sa Mundo. Gaganti Siya sa inyo roon. info
التفاسير:

external-link copy
61 : 6

وَهُوَ ٱلۡقَاهِرُ فَوۡقَ عِبَادِهِۦۖ وَيُرۡسِلُ عَلَيۡكُمۡ حَفَظَةً حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ تَوَفَّتۡهُ رُسُلُنَا وَهُمۡ لَا يُفَرِّطُونَ

Siya ay ang tagapanaig sa mga lingkod Niya, ang tagapag-aba sa kanila, ang nakatataas sa kanila sa bawat paraan, na nagpasailalim sa Kanya ang bawat bagay, na nasa ibabaw ng mga lingkod Niya ayon sa pagkaibabaw na naaangkop sa kapitaganan sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. Nagpapadala Siya sa inyo, O mga tao, ng mga anghel na mararangal na nag-isa-isa sa mga gawa ninyo hanggang sa matapos ang taning ng isa sa inyo sa pamamagitan ng pagkuha ng anghel ng kamatayan at mga katulong nito sa kaluluwa niya. Sila ay hindi nagkukulang sa ipinag-utos sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
62 : 6

ثُمَّ رُدُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ مَوۡلَىٰهُمُ ٱلۡحَقِّۚ أَلَا لَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَهُوَ أَسۡرَعُ ٱلۡحَٰسِبِينَ

Pagkatapos isasauli ang lahat ng mga kinuha ang mga kaluluwa nila kay Allāh, ang Tagapagmay-ari nilang totoo, upang gumanti Siya sa kanila sa mga gawa nila. Ukol sa Kanya ang paghuhusgang natutupad at ang paghahatol na makatarungan sa kanila. Siya ay ang pinakamabilis na bumilang sa inyo at mag-isa-isa sa mga gawain ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
63 : 6

قُلۡ مَن يُنَجِّيكُم مِّن ظُلُمَٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ تَدۡعُونَهُۥ تَضَرُّعٗا وَخُفۡيَةٗ لَّئِنۡ أَنجَىٰنَا مِنۡ هَٰذِهِۦ لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّٰكِرِينَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sino ang sasagip sa inyo at magliligtas sa inyo mula sa mga kapapahamakan na nakatatagpo ninyo sa mga kadiliman ng katihan at dagat? Dumadalangin kayo sa Kanya lamang habang mga nagpapakaaba na nagpapakababa nang palihim at hayagan, [na nagsasabi]: "Talagang kung magbibigay-kaligtasan sa amin ang Panginoon namin mula sa mga kapapahamakang ito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Niya sa amin sa pamamagitan ng hindi namin pagsamba sa iba sa Kanya." info
التفاسير:

external-link copy
64 : 6

قُلِ ٱللَّهُ يُنَجِّيكُم مِّنۡهَا وَمِن كُلِّ كَرۡبٖ ثُمَّ أَنتُمۡ تُشۡرِكُونَ

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Si Allāh ay ang sasagip sa inyo mula roon at magbibigay-kaligtasan sa inyo mula sa bawat dalamhati, pagkatapos kayo, matapos niyon, ay nagtatambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya sa kalagayan ng kaluwagan kaya may aling kawalang-katarungang higit pa sa isinasagawa ninyo?" info
التفاسير:

external-link copy
65 : 6

قُلۡ هُوَ ٱلۡقَادِرُ عَلَىٰٓ أَن يَبۡعَثَ عَلَيۡكُمۡ عَذَابٗا مِّن فَوۡقِكُمۡ أَوۡ مِن تَحۡتِ أَرۡجُلِكُمۡ أَوۡ يَلۡبِسَكُمۡ شِيَعٗا وَيُذِيقَ بَعۡضَكُم بَأۡسَ بَعۡضٍۗ ٱنظُرۡ كَيۡفَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَفۡقَهُونَ

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Si Allāh ay ang Nakakakaya na magpadala sa inyo ng isang pagdurusang darating sa inyo mula sa ibabaw ninyo tulad ng mga bato, mga lintik, at mga baha; o darating sa inyo mula sa ilalim ninyo tulad ng mga lindol at paglamon ng lupa; o na magpasalungat sa mga puso ninyo saka susunod ang bawat isa sa inyo sa pithaya niya kaya maglalaban ang isa't isa sa inyo." Magmuni-muni ka, O Sugo, kung papaano Kaming nag-uuri-uri para sa kanila ng mga patunay at mga patotoo at naglilinaw ng mga ito, nang sa gayon sila ay makaiintindi na ang inihatid mo ay katotohanan at na ang taglay nila ay kabulaanan. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 6

وَكَذَّبَ بِهِۦ قَوۡمُكَ وَهُوَ ٱلۡحَقُّۚ قُل لَّسۡتُ عَلَيۡكُم بِوَكِيلٖ

Nagpasinungaling sa Qur'ān na ito ang mga tao mo gayong ito ay ang katotohanang walang pag-aalangan hinggil sa pagiging mula sa ganang kay Allāh. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ako isang inaatangan ng pagmamasid sa inyo sapagkat walang iba ako kundi isang tagababala sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi." info
التفاسير:

external-link copy
67 : 6

لِّكُلِّ نَبَإٖ مُّسۡتَقَرّٞۚ وَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ

Para sa bawat ulat ay isang panahong titigilan nito at isang wakas na pagwawakasan nito. Kabilang doon ang ulat ng kauuwian ninyo at kahihinatnan ninyo at malalaman ninyo iyon kapag bubuhayin kayo sa Araw ng Pagbangon. info
التفاسير:

external-link copy
68 : 6

وَإِذَا رَأَيۡتَ ٱلَّذِينَ يَخُوضُونَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ يَخُوضُواْ فِي حَدِيثٍ غَيۡرِهِۦۚ وَإِمَّا يُنسِيَنَّكَ ٱلشَّيۡطَٰنُ فَلَا تَقۡعُدۡ بَعۡدَ ٱلذِّكۡرَىٰ مَعَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ

Kapag nakakita ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na nagsasalita kaugnay sa mga talata Namin nang may panunuya at pangungutya, lumayo ka sa kanila hanggang sa pumasok sila sa isang pag-uusap na walang panunuya at pangungutya sa mga talata Namin. Kapag nagpalimot sa iyo ang demonyo at nakaupo ka kasama nila, pagkatapos nakaalaala ka, lumisan ka sa pagtitipon nila at huwag kang umupo kasama sa mga tagalabag na ito. info
التفاسير:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• إثبات أن النومَ موتٌ، وأن الأرواح تُقْبض فيه، ثم تُرَد عند الاستيقاظ.
Ang pagtitibay na ang pagtulog ay kamatayan, at na ang mga kaluluwa ay kinukuha rito, pagkatapos isinasauli ang mga ito sa sandali ng paggising. info

• الاستدلال على استحقاق الله تعالى للألوهية بدليل الفطرة، فإن أهل الكفر يؤمنون بالله تعالى ويرجعون لفطرتهم عند الاضطرار والوقوع في المهالك، فيسألون الله تعالى وحده.
Ang pagpapatunay sa pagiging karapat-dapat ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagkadiyos ayon sa patunay ng kalikasan ng pagkalalang, sapagkat tunay na ang mga alagad man ng kawalang-pananampalataya ay nanampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at bumabalik sa kalikasan ng pagkalalang sa kanila sa sandali ng pagkanapipilitan at pagkakasadlak sa mga kapapahamakan saka humihiling sila kay Allāh – pagkataas-taas Siya – tanging sa Kanya. info

• إلزام المشركين بمقتضى سلوكهم، وإقامة الدليل على انقلاب فطرتهم، بكونهم يستغيثون بالله وحده في البحر عند الشدة، ويشركون به حين يسلمهم وينجيهم إلى البر.
Ang pag-obliga sa mga tagapagtambal ayon sa kahilingan ng pag-uugali nila at ang paglalahad ng patunay sa pagkabaliktad ng naturalesa nila dahil sila ay nagpapasaklolo kay Allāh lamang sa dagat sa sandali ng kagipitan at nagtatambal sa Kanya kapag nagliligtas Siya sa kanila at sumasagip Siya sa kanila patungo sa katihan. info

• عدم جواز الجلوس في مجالس أهل الباطل واللغو، ومفارقتُهم، وعدم العودة لهم إلا في حال إقلاعهم عن ذلك.
Ang hindi pagpapahintulot sa pag-upo sa mga pagtitipon ng mga kampon ng kabulaanan at kawalang-kapararakan, at ang pakikipaghiwalay sa kanila at ang hindi panunumbalik sa kanila malibang sa sandali ng pagkalas nila roon. info