Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Kilniojo Korano sutrumpinto aiškinimo vertimas į filipiniečių (tagalog) k.

Puslapio numeris:close

external-link copy
9 : 6

وَلَوۡ جَعَلۡنَٰهُ مَلَكٗا لَّجَعَلۡنَٰهُ رَجُلٗا وَلَلَبَسۡنَا عَلَيۡهِم مَّا يَلۡبِسُونَ

Kung sakaling gumawa Kami sa isinugo sa Kanila na isang anghel ay talaga sanang gumawa Kami sa kanya sa anyo ng isang lalaki upang magawa nila na makapakinig sa kanya at tumanggap sa kanya yayamang hindi sila makakakaya niyon sa anghel ayon sa anyo nitong nilikha Namin ito. Kung sakaling gumawa Kami sa kanya sa anyo ng isang lalaki ay talaga sanang nagpalito sa kanila ang lagay niya. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 6

وَلَقَدِ ٱسۡتُهۡزِئَ بِرُسُلٖ مِّن قَبۡلِكَ فَحَاقَ بِٱلَّذِينَ سَخِرُواْ مِنۡهُم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ

Kaya kung nangungutya ang mga ito sa paghiling nila ng pagpapababa ng isang anghel kasama sa iyo ay may nangutya ngang mga kalipunan bago mo pa sa mga sugo sa mga iyon kaya pumalibot sa kanila ang pagdurusang dati nilang ikinakaila at kinukutya sa sandali ng pagpapangamba sa kanila roon. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 6

قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ ثُمَّ ٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapasinungaling na nangungutyang ito: "Humayo kayo sa lupain, pagkatapos magmuni-muni kayo kung papaano naging ang wakas ng mga tagapasinungaling sa mga sugo ni Allāh sapagkat dumapo sa kanila ang parusa ni Allāh matapos ng dati nilang taglay na lakas at kapangyarihan." info
التفاسير:

external-link copy
12 : 6

قُل لِّمَن مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ قُل لِّلَّهِۚ كَتَبَ عَلَىٰ نَفۡسِهِ ٱلرَّحۡمَةَۚ لَيَجۡمَعَنَّكُمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا رَيۡبَ فِيهِۚ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kanino ang paghahari sa mga langit, ang paghahari sa mga lupa, at ang paghahari sa anumang nasa pagitan ng mga ito?" Sabihin mo: "Ang paghahari sa mga ito sa kabuuan ng mga ito ay sa kay Allāh." Itinakda Niya sa sarili Niya ang awa bilang pagmamabuting-loob mula sa Kanya sa mga lingkod Niya kaya naman hindi Siya nagmamadali sa kanila ng kaparusahan, hanggang sa kapag hindi sila nagbalik-loob ay magtitipon siya sa kanila sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon, ang Araw na ito na walang duda hinggil dito. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya kay Allāh ay hindi sumasampalataya para sumagip sila sa mga sarili nila sa kalugihan. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 6

۞ وَلَهُۥ مَا سَكَنَ فِي ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

Sa Kanya lamang ang pagmamay-ari sa bawat bagay kabilang sa tumitigil sa gabi at maghapon. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi nila, ang Maalam sa mga ginagawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga iyon. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 6

قُلۡ أَغَيۡرَ ٱللَّهِ أَتَّخِذُ وَلِيّٗا فَاطِرِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَهُوَ يُطۡعِمُ وَلَا يُطۡعَمُۗ قُلۡ إِنِّيٓ أُمِرۡتُ أَنۡ أَكُونَ أَوَّلَ مَنۡ أَسۡلَمَۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na sumasamba kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya gaya ng mga anito at iba pa sa mga ito: "Maiisip ba na gagawa ako sa iba pa kay Allāh bilang tagaadya o doon ako magpapaadya samantalang Siya ang lumikha sa mga langit at lupa nang walang naunang pagkakatulad at hindi naunahan sa pagkalikha sa mga ito? Siya ay ang tumutustos sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at walang isa kabilang sa mga lingkod Niya na tumutustos sa Kanya sapagkat Siya ay ang Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya samantalang ang mga lingkod Niya ay mga nangangailangan sa Kanya. Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay inutusan ng Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya – na maging una sa nagpaakay sa Kanya at nagpasailalim sa Kanya kabilang sa Kalipunang ito. Sinaway Niya ako na maging kabilang sa mga nagtatambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya." info
التفاسير:

external-link copy
15 : 6

قُلۡ إِنِّيٓ أَخَافُ إِنۡ عَصَيۡتُ رَبِّي عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ

Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay nangangamba – kung sumuway ako kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng ipinagbawal Niya sa akin gaya ng shirk at iba pa rito o pag-iwan sa ipinag-utos Niya sa akin gaya ng pananampalataya at iba rito kabilang sa mga pagtalima – na pagdurusahin Niya ako ng isang pagdurusang sukdulan sa Araw ng Pagbangon." info
التفاسير:

external-link copy
16 : 6

مَّن يُصۡرَفۡ عَنۡهُ يَوۡمَئِذٖ فَقَدۡ رَحِمَهُۥۚ وَذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡمُبِينُ

Ang sinumang inilayo ni Allāh sa pagdurusang iyon sa Araw ng Pagbangon ay nagtamo nga dahil sa awa ni Allāh sa kanya. Ang kaligtasang iyon sa pagdurusa ay ang pagkatamong maliwanag na hindi ito mapapantayan ng isang pagkatamo. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 6

وَإِن يَمۡسَسۡكَ ٱللَّهُ بِضُرّٖ فَلَا كَاشِفَ لَهُۥٓ إِلَّا هُوَۖ وَإِن يَمۡسَسۡكَ بِخَيۡرٖ فَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Kung may umaabot sa iyo, O anak ni Adan, mula kay Allāh na isang pagsubok ay walang tagatulak sa pagsubok palayo sa iyo kundi si Allāh. Kung may umaabot sa iyo mula sa Kanya na isang kabutihan ay walang tagahadlang sa Kanya mula roon at walang tagatanggi sa kabutihang-loob Niya sapagkat Siya ay ang Nakakakaya sa bawat bagay: walang nagpapahina sa Kanya na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 6

وَهُوَ ٱلۡقَاهِرُ فَوۡقَ عِبَادِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡخَبِيرُ

Siya ay ang tagapanaig sa mga lingkod Niya, ang tagapag-aba sa kanila, ang nakatataas sa kanila sa bawat paraan, na walang nakapagpapahina sa Kanya na anuman ni nadadaig ng isa man. Ang lahat sa Kanya ay mga nagpapasailalim. [Siya ay] na nasa ibabaw ng mga lingkod Niya ayon sa nababagay sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya, ang Mapagbatid kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman. info
التفاسير:
Šiame puslapyje pateiktų ajų nauda:
• بيان حكمة الله تعالى في إرسال كل رسول من جنس من يرسل إليهم؛ ليكون أبلغ في السماع والوعي والقبول عنه.
Ang paglilinaw sa kasanhian ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagsusugo sa bawat sugo kabilang sa uri ng mga pinagsusuguan upang siya ay maging higit na masidhi sa pandinig, kamalayan, at pagtanggap sa kanya. info

• الدعوة للتأمل في أن تكرار سنن الأوّلين في العصيان قد يقابله تكرار سنن الله تعالى في العقاب.
Ang pag-aanyaya sa pagmumuni-muni na ang pag-uulit-ulit sa mga kalakaran ng mga sinauna sa pagsuway ay maaaring tumbasan ng pag-uulit-ulit sa mga kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagpaparusa. info

• وجوب الخوف من المعصية ونتائجها.
Ang pagkatungkulin ng pangamba sa pagsuway at ang mga resulta nito. info

• أن ما يصيب البشر من بلاء ليس له صارف إلا الله، وأن ما يصيبهم من خير فلا مانع له إلا الله، فلا رَادَّ لفضله، ولا مانع لنعمته.
Na ang tumatama sa sangkatauhan na pagsubok ay walang tagapagbaling nito kundi si Allāh at na ang tumatama sa kanila na kabutihan ay walang tagahadlang nito kundi si Allāh kaya naman walang tagatanggi sa kabutihang-loob Niya ni tagahadlang sa biyaya Niya. info