Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano

Numero di pagina:close

external-link copy
191 : 2

وَٱقۡتُلُوهُمۡ حَيۡثُ ثَقِفۡتُمُوهُمۡ وَأَخۡرِجُوهُم مِّنۡ حَيۡثُ أَخۡرَجُوكُمۡۚ وَٱلۡفِتۡنَةُ أَشَدُّ مِنَ ٱلۡقَتۡلِۚ وَلَا تُقَٰتِلُوهُمۡ عِندَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ حَتَّىٰ يُقَٰتِلُوكُمۡ فِيهِۖ فَإِن قَٰتَلُوكُمۡ فَٱقۡتُلُوهُمۡۗ كَذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡكَٰفِرِينَ

Patayin ninyo sila saanman kayo nakatagpo sa kanila at palisanin ninyo sila mula sa pook na nagpalisan sila sa inyo, ang Makkah. Ang panliligalig na nagreresulta ng pagbalakid sa mananampalataya sa relihiyon niya at pagbabalik niya sa kawalang-pananampalataya ay higit na mabigat kaysa sa pagpatay. Huwag kayong magpasimula sa kanila sa pakikipaglaban sa tabi ng Masjid na Pinakababanal bilang pagdakila dito hanggang sa magpasimula sila sa inyo sa pakikipaglaban dito. Ngunit kung nagpasimula sila sa pakikipaglaban sa Masjid na Pinakababanal ay patayin ninyo sila. Ang tulad ng ganting ito – ang pagpatay sa kanila kapag nangaway sila sa Masjid na Pinakababanal – ay magiging ganti sa mga tagatangging sumampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
192 : 2

فَإِنِ ٱنتَهَوۡاْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Ngunit kung tumigil sila sa pakikipaglaban sa inyo at kawalang-pananampalataya nila, tigilan ninyo sila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kaya hindi Siya nagpaparusa sa kanila dahil sa mga pagkakasala nilang nauna, Maawain sa kanila: hindi Siya nagmamadali sa kanila sa kaparusahan. info
التفاسير:

external-link copy
193 : 2

وَقَٰتِلُوهُمۡ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتۡنَةٞ وَيَكُونَ ٱلدِّينُ لِلَّهِۖ فَإِنِ ٱنتَهَوۡاْ فَلَا عُدۡوَٰنَ إِلَّا عَلَى ٱلظَّٰلِمِينَ

Makipaglaban kayo sa mga tagatangging sumampalataya hanggang sa walang mangyaring pagtatambal mula sa kanila ni pagbalakid sa mga tao sa landas ni Allāh ni kawalang-pananampalataya, at ang relihiyong nangingibabaw ay ang Relihiyon ni Allāh. Kaya kung tumigil sila sa kawalang-pananampalataya nila at pagbalakid nila sa landas ni Allāh, iwan ninyo ang pakikipaglaban sa kanila sapagkat tunay na walang pang-aaway kundi sa mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagbalakid sa landas ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
194 : 2

ٱلشَّهۡرُ ٱلۡحَرَامُ بِٱلشَّهۡرِ ٱلۡحَرَامِ وَٱلۡحُرُمَٰتُ قِصَاصٞۚ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَٱعۡتَدُواْ عَلَيۡهِ بِمِثۡلِ مَا ٱعۡتَدَىٰ عَلَيۡكُمۡۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُتَّقِينَ

Ang Buwang Pinakababanal, na nagpakaya sa inyo si Allāh dito ng pagpasok sa Makkah at pagsasagawa ng `umrah noong taong 7 AH, ay panumbas sa Buwang Pinakababanal na bumabalakid sa inyo roon ang mga tagapagtambal sa [pagpasok sa] Makkah noong taong 6 AH. Ang mga paglabag – gaya ng paglabag sa Bayang Pinakababanal, Buwang Pinakababanal, at iḥrām – ay ipinatutupad sa mga ito ang ganting-pinsala sa panig ng mga nangangaway. Kaya ang sinumang nangaway sa inyo sa mga ito ay makitungo kayo sa kanya ng tulad sa gawain niya at huwag kayong lumampas sa hangganan ng pagtutulad. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya. Mangamba kayo kay Allāh sa paglampas sa ipinahintulot Niya para sa inyo. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagtutuon at pag-alalay. info
التفاسير:

external-link copy
195 : 2

وَأَنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَا تُلۡقُواْ بِأَيۡدِيكُمۡ إِلَى ٱلتَّهۡلُكَةِ وَأَحۡسِنُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Gumugol kayo ng salapi sa pagtalima kay Allāh gaya ng pakikibaka at iba pa rito. Huwag kayong magbulid sa mga sarili ninyo sa pagkapahamak sa pamamagitan ng pag-iwan ninyo sa pakikibaka at pagkakaloob alang-alang dito o sa pamamagitan ng pagbulid ninyo sa mga sarili ninyo sa anumang nagiging isang dahilan para sa pagkapahamak ninyo. Magpakahusay kayo sa mga pagsamba ninyo, mga pakikitungo ninyo, at mga kaasalan ninyo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakahusay sa lahat ng mga nauukol sa kanila kaya pinabibigat Niya para sa kanila ang gantimpala at itinutuon Niya sila sa pagkagabay. info
التفاسير:

external-link copy
196 : 2

وَأَتِمُّواْ ٱلۡحَجَّ وَٱلۡعُمۡرَةَ لِلَّهِۚ فَإِنۡ أُحۡصِرۡتُمۡ فَمَا ٱسۡتَيۡسَرَ مِنَ ٱلۡهَدۡيِۖ وَلَا تَحۡلِقُواْ رُءُوسَكُمۡ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ ٱلۡهَدۡيُ مَحِلَّهُۥۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوۡ بِهِۦٓ أَذٗى مِّن رَّأۡسِهِۦ فَفِدۡيَةٞ مِّن صِيَامٍ أَوۡ صَدَقَةٍ أَوۡ نُسُكٖۚ فَإِذَآ أَمِنتُمۡ فَمَن تَمَتَّعَ بِٱلۡعُمۡرَةِ إِلَى ٱلۡحَجِّ فَمَا ٱسۡتَيۡسَرَ مِنَ ٱلۡهَدۡيِۚ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ ثَلَٰثَةِ أَيَّامٖ فِي ٱلۡحَجِّ وَسَبۡعَةٍ إِذَا رَجَعۡتُمۡۗ تِلۡكَ عَشَرَةٞ كَامِلَةٞۗ ذَٰلِكَ لِمَن لَّمۡ يَكُنۡ أَهۡلُهُۥ حَاضِرِي ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

Isagawa ninyo nang lubusan ang ḥajj at ang `umrah habang mga naghahangad [ng kaluguran] ng mukha ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Ngunit kapag napigilan kayo sa paglubos ng mga ito dahil sa isang sakit o isang kaaway o tulad niyon, kailangan sa inyo ng pagkakatay ng anumang madaling nakamit na handog gaya ng mga kamelyo o mga baka o mga tupa upang makakalas kayo mula sa iḥrām ninyo. Huwag kayong mag-ahit ng mga ulo ninyo o magpaikli ng buhok ng mga ito hanggang sa umabot ang handog sa pinaglalagyan na ipinahihintulot doon ang pagkakatay nito. Ngunit kung siya ay napigilan [sa pagpasok] sa Ḥaram, magkatay siya saanman napigilan. Kung siya ay hindi napigilan [sa pagpasok] sa Ḥaram, magkatay siya sa Ḥaram sa Araw ng Pag-aalay at sa matapos nito sa mga araw ng Tashrīq. Ang sinumang kabilang sa inyo na maysakit o sa kanya ay may isang pinsala sa buhok ng ulo niya gaya ng kuto o tulad nito kaya nag-ahit siya ng ulo niya dahilan doon, walang maisisisi sa kanya. Kailangan sa kanya na tumubos nito kapalit niyon, na maaaring sa pamamagitan ng pag-ayuno ng tatlong araw o sa pamamagitan ng pagpapakain ng anim na dukhang kabilang sa mga dukha ng Ḥaram o sa pamamagitan ng pagkakatay ng isang tupang ipamamahagi sa mga maralita ng Ḥaram. Kaya kapag kayo ay hindi mga nangangamba, ang sinumang nagtamasa kabilang sa inyo ng `umrah sa mga buwan ng ḥajj at nagpatuloy sa pagkabawal sa kanya mula sa mga ipinagbabawal sa iḥrām hanggang sa magsagawa siya ng iḥrām sa ḥajj ng taon na ito, magkatay siya ng anumang madaling makamit para sa kanya na isang tupa o makilahok siya sa pitong tao sa pagkakatay ng isang kamelyo o isang baka. Ngunit kapag hindi siya nakakaya sa pag-aalay, kailangan sa kanya ang pag-aayuno ng tatlong araw sa mga araw ng mga pag-aalay bilang kapalit dito at kailangan sa kanya ang pag-aayuno ng pitong araw matapos ng pagbabalik niya sa mag-anak niya upang ang kabuuan ng mga araw ay maging lubos na sampung araw. Ang [iḥrām na] tamattu` na iyon kalakip ng pagkakailangan ng alay o pag-aayuno para sa walang-kakayahan sa pag-aalay ay para sa hindi mga naninirahan sa Ḥaram at sinumang naninirahan sa malapit sa Ḥaram. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa isinabatas Niya at ng pagdakila sa mga hangganan Niya. Alamin ninyo na si Allāh ay matindi ang parusa sa sinumang lumabag sa utos Niya.
info
التفاسير:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• مقصود الجهاد وغايته جَعْل الحكم لله تعالى وإزالة ما يمنع الناس من سماع الحق والدخول فيه.
Ang pinapakay ng pakikibaka at tunguhin nito ay ang paglalagay ng kapamahalaan para kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pag-aalis ng anumang pumipigil sa mga tao sa pagdinig sa katotohanan at pagpasok doon. info

• ترك الجهاد والقعود عنه من أسباب هلاك الأمة؛ لأنه يؤدي إلى ضعفها وطمع العدو فيها.
Ang pag-iwan sa pakikibaka at ang pag-iwas doon ay kabilang sa mga dahilan ng pagkapahamak ng Kalipunang Islām dahil iyon ay nagpapahantong sa panghihina nito at paghahangad ng kaaway rito. info

• وجوب إتمام الحج والعمرة لمن شرع فيهما، وجواز التحلل منهما بذبح هدي لمن مُنِع عن الحرم.
Ang pagkatungkulin ng paglubos sa `umrah at ḥajj para kay Allāh na nagsabatas sa mga ito at ang pagpayag sa pagkalas sa mga ito sa pamamagitan ng pagkakatay ng handog para sa sinumang napigilang pumasok sa Ḥaram. info