Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano

Numero di pagina:close

external-link copy
6 : 2

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ ءَأَنذَرۡتَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تُنذِرۡهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ

Tunay na ang mga natupad sa kanila ang salita ni Allāh dahil sa kawalan ng pananampalataya ay mga nagpapatuloy sa pagkaligaw nila at pagmamatigas nila, kaya ang pagbabala mo sa kanila at ang kawalan nito ay magkatulad.
info
التفاسير:

external-link copy
7 : 2

خَتَمَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَعَلَىٰ سَمۡعِهِمۡۖ وَعَلَىٰٓ أَبۡصَٰرِهِمۡ غِشَٰوَةٞۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ

Dahil si Allāh ay nagpinid sa mga puso nila kaya nagsara Siya sa mga ito sa anumang nasa mga ito na kabulaanan, nagpinid sa pandinig nila kaya hindi sila nakaririnig sa katotohanan ayon sa pagkadinig ng pagtanggap at pagpapaakay, naglagay sa mga paningin nila ng takip kaya hindi sila nakakikita sa katotohanan sa kabila ng kaliwanagan nito. Ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 2

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَبِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَمَا هُم بِمُؤۡمِنِينَ

Mayroon sa mga tao na isang pangkatin na naghahaka-haka na sila ay mga mananampalataya. Nagsasabi sila niyon sa pamamagitan ng mga dila nila dala ng pangamba para sa mga buhay nila at mga ari-arian nila samantalang sila, sa kaloob-looban, ay mga tagatangging sumampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 2

يُخَٰدِعُونَ ٱللَّهَ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَمَا يَخۡدَعُونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡ وَمَا يَشۡعُرُونَ

Naniniwala sila dahil sa kamangmangan nila na sila ay nandaraya kay Allāh at sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpapalabas ng pananampalataya at pagpapaloob ng kawalang-pananampalataya subalit sila ay hindi nakararamdam niyon dahil si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nakaaalam sa lihim at sa higit na nakakubli. Nagpatalos nga Siya sa mga mananampalataya ng mga katangian ng mga iyon at mga kalagayan ng mga iyon.
info
التفاسير:

external-link copy
10 : 2

فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ فَزَادَهُمُ ٱللَّهُ مَرَضٗاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمُۢ بِمَا كَانُواْ يَكۡذِبُونَ

Ang dahilan ay na sa mga puso nila ay may pagdududa, at nagdagdag pa sa kanila si Allāh ng pagdududa sa dating pagdududa nila. Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit sa pinakamababang kalaliman ng Impiyerno dahilan sa pagsisinungaling nila laban kay Allāh at laban sa mga tao, at sa pagpapasinungaling nila sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 2

وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ لَا تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ قَالُوٓاْ إِنَّمَا نَحۡنُ مُصۡلِحُونَ

Kapag sinaway sila sa panggugulo sa lupa dahil sa kawalang-pananampalataya, mga pagkakasala, at iba pa sa mga ito ay nagkakaila sila at naghaka-haka sila na sila ay mga alagad ng kaayusan at pagsasaayos. info
التفاسير:

external-link copy
12 : 2

أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡمُفۡسِدُونَ وَلَٰكِن لَّا يَشۡعُرُونَ

Ang reyalidad ay na sila ay ang mga alagad ng panggugulo, subalit sila ay hindi nakararamdam niyon at hindi nakararamdam na ang gawain nila ay mismong ang kaguluhan. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 2

وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ ءَامِنُواْ كَمَآ ءَامَنَ ٱلنَّاسُ قَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ كَمَآ ءَامَنَ ٱلسُّفَهَآءُۗ أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلسُّفَهَآءُ وَلَٰكِن لَّا يَعۡلَمُونَ

Kapag inutusan sila ng pagsampalataya gaya ng pagsampalataya ng mga kasamahan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay sumasagot sila sa paraang patutol at pakutya sa pamamagitan ng pagsabi nila: "Sasampalataya ba kami gaya ng pananampalataya ng mahihina ang mga pang-unawa?" Ang totoo ay na sila ay ang mga hunghang, subalit sila ay mangmang doon. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 2

وَإِذَا لَقُواْ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَوۡاْ إِلَىٰ شَيَٰطِينِهِمۡ قَالُوٓاْ إِنَّا مَعَكُمۡ إِنَّمَا نَحۡنُ مُسۡتَهۡزِءُونَ

Kapag nagkita-kita sila ng mga mananampalataya ay nagsasabi sila: "Naniwala kami sa sinasampalatayanan ninyo." Nagsasabi sila niyon dala ng pangamba sa mga mananampalataya. Kapag nakalisan sila sa mga mananampalataya tungo sa mga pinuno nila habang mga nakikipagsarilinan sa mga ito ay nagsasabi sila habang nagbibigay-diin sa katatagan nila sa pagsunod nila sa mga ito: "Tunay na kami ay kasama sa inyo sa pamamaraan ninyo, subalit kami ay umaayon sa mga mananampalataya sa panlabas bilang panunuya sa kanila at pangungutya." info
التفاسير:

external-link copy
15 : 2

ٱللَّهُ يَسۡتَهۡزِئُ بِهِمۡ وَيَمُدُّهُمۡ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ

Si Allāh ay nangungutya sa kanila bilang pantapat sa pangungutya nila sa mga mananampalataya, bilang ganti sa kanila na kauri ng gawain nila. Dahil dito, nagpatupad Siya para sa kanila ng mga patakaran sa mga Muslim sa Mundo. Hinggil sa Kabilang-buhay naman, gaganti Siya sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapaimbabaw nila. Gayon nagpapalugit Siya sa kanila upang magpatuloy sila sa pagkaligaw nila at pagmamalabis nila para manatili sila na mga nalilitong nag-aatubili. info
التفاسير:

external-link copy
16 : 2

أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشۡتَرَوُاْ ٱلضَّلَٰلَةَ بِٱلۡهُدَىٰ فَمَا رَبِحَت تِّجَٰرَتُهُمۡ وَمَا كَانُواْ مُهۡتَدِينَ

Ang mga mapagpaimbabaw na iyon na mga nailalarawan sa mga katangiang iyon ay ang mga nagpalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya kaya hindi tumubo ang kalakalan nila dahil sa pagkalugi nila sa pananampalataya kay Allāh. Hindi sila noon mga napatnubayan tungo sa katotohanan.
info
التفاسير:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• أن من طبع الله على قلوبهم بسبب عنادهم وتكذيبهم لا تنفع معهم الآيات وإن عظمت.
• Na ang mga ipininid ni Allāh ang mga puso dahilan sa pagmamatigas nila at pagpapasinungaling nila ay hindi magpapakinabang sa kanila ang mga tanda kahit pa man naging malaki ang mga ito. info

• أن إمهال الله تعالى للظالمين المكذبين لم يكن عن غفلة أو عجز عنهم، بل ليزدادوا إثمًا، فتكون عقوبتهم أعظم.
• Na ang pag-aantabay ni Allāh sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagapagpasinungaling ay hindi dala ng isang pagkalingat o isang kahinaan buhat sa kanila, bagkus upang madagdagan sila ng kasalanan para ang kaparusahan nila ay maging higit na mabigat. info