Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na taƙaitaccen tafsirin AlƘur'ani mai girma.

Lambar shafi:close

external-link copy
27 : 67

فَلَمَّا رَأَوۡهُ زُلۡفَةٗ سِيٓـَٔتۡ وُجُوهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَقِيلَ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تَدَّعُونَ

Ngunit kapag dumapo sa kanila ang pangako at nakita nila ang pagdurusa nang malapit sa kanila, at iyon ay sa Araw ng Pagbangon, mag-iiba ang mga mukha ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh saka mangingitim. Sasabihin sa kanila: "Ito ang dati ninyong hinihiling sa Mundo at minamadali." info
التفاسير:

external-link copy
28 : 67

قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَهۡلَكَنِيَ ٱللَّهُ وَمَن مَّعِيَ أَوۡ رَحِمَنَا فَمَن يُجِيرُ ٱلۡكَٰفِرِينَ مِنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito habang nagmamasama sa kanila: "Magpabatid kayo sa akin! Kung nagpapanaw sa akin si Allāh at nagpapanaw Siya sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya o naawa Siya sa amin kaya nagpaliban sa mga taning namin, sino ang magliligtas sa mga tagatangging sumampalataya mula sa isang pagdurusang nakasasakit? Walang magliligtas sa kanila mula roon na isa man."
info
التفاسير:

external-link copy
29 : 67

قُلۡ هُوَ ٱلرَّحۡمَٰنُ ءَامَنَّا بِهِۦ وَعَلَيۡهِ تَوَكَّلۡنَاۖ فَسَتَعۡلَمُونَ مَنۡ هُوَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Siya ay ang Napakamaawain na nag-aanyaya sa inyo sa pagsamba sa Kanya lamang; sumampalataya kami sa Kanya at sa Kanya lamang kami sumandal sa mga nauukol sa amin. Kaya makaaalam kayo nang walang pasubali kung sino ang nasa isang pagkaligaw na maliwanag mula sa kung sino ang nasa isang landasing tuwid." info
التفاسير:

external-link copy
30 : 67

قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَصۡبَحَ مَآؤُكُمۡ غَوۡرٗا فَمَن يَأۡتِيكُم بِمَآءٖ مَّعِينِۭ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin! Kung ang tubig ninyo na iniinuman ninyo ay naging nakalubog sa lupa na hindi ninyo nakakaya ang makarating doon, sino ang magdadala sa inyo ng isang tubig na maraming umaagos? Walang isang iba pa kay Allāh." info
التفاسير:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• اتصاف الرسول صلى الله عليه وسلم بأخلاق القرآن.
Ang pagkalarawan sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa mga kaasalan ng Qur'ān. info

• صفات الكفار صفات ذميمة يجب على المؤمن الابتعاد عنها، وعن طاعة أهلها.
Ang mga katangian ng mga tagatangging sumampalataya ay mga katangiang kapula-pula, na kinakailangan sa mananampalataya ang paglayo sa mga iyon at [ang paglayo] sa pagtalima sa mga nagtataglay ng mga ito. info

• من أكثر الحلف هان على الرحمن، ونزلت مرتبته عند الناس.
Ang sinumang nagparami ng panunumpa ay naging hamak sa Napakamaawain at bumaba ang reputasyon niya sa ganang mga tao. info