Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na taƙaitaccen tafsirin AlƘur'ani mai girma.

Lambar shafi:close

external-link copy
25 : 57

لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلَنَا بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَنزَلۡنَا مَعَهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمِيزَانَ لِيَقُومَ ٱلنَّاسُ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَأَنزَلۡنَا ٱلۡحَدِيدَ فِيهِ بَأۡسٞ شَدِيدٞ وَمَنَٰفِعُ لِلنَّاسِ وَلِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ مَن يَنصُرُهُۥ وَرُسُلَهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٞ

Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag. Nagpababa Kami kasama sa kanila ng mga kasulatan. Nagpababa Kami kasama sa kanila ng timbangan upang magpanatili ang mga tao ng katarungan. Nagpababa Kami ng bakal, na dito ay may kapangyarihang malakas sapagkat mula rito niyayari ang mga sandata, at dito ay may mga pakinabang para sa mga tao sa mga industriya nila at mga gawain nila. [Ito ay] upang maglantad si Allāh ayon sa kaalamang maglalantad para sa mga tao kung sino ang mag-aadya sa Kanya mula sa mga lingkod Niya nang lingid. Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan na hindi nadadaig ng anuman at hindi Siya nawawalang-kakayahan sa anuman. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 57

وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحٗا وَإِبۡرَٰهِيمَ وَجَعَلۡنَا فِي ذُرِّيَّتِهِمَا ٱلنُّبُوَّةَ وَٱلۡكِتَٰبَۖ فَمِنۡهُم مُّهۡتَدٖۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ

Talaga ngang nagsugo Kami kina Noe at Abraham – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – at naglagay Kami sa mga supling nilang dalawa ng pagkapropeta at mga kasulatang pinababa, kaya kabilang sa mga supling nilang dalawa ay napapatnubayan tungo sa landasing tuwid, na naitutuon [doon], at marami kabilang sa kanila ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 57

ثُمَّ قَفَّيۡنَا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم بِرُسُلِنَا وَقَفَّيۡنَا بِعِيسَى ٱبۡنِ مَرۡيَمَ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡإِنجِيلَۖ وَجَعَلۡنَا فِي قُلُوبِ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ رَأۡفَةٗ وَرَحۡمَةٗۚ وَرَهۡبَانِيَّةً ٱبۡتَدَعُوهَا مَا كَتَبۡنَٰهَا عَلَيۡهِمۡ إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ رِضۡوَٰنِ ٱللَّهِ فَمَا رَعَوۡهَا حَقَّ رِعَايَتِهَاۖ فَـَٔاتَيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنۡهُمۡ أَجۡرَهُمۡۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ

Pagkatapos pinasundan Namin ang mga sugo Namin kaya nagpadala Kami sa kanila nang sunud-sunod sa mga kalipunan nila. Pinasundan Namin si Jesus na anak ni Maria at ibinigay Namin sa kanya ang Ebanghelyo. Naglagay Kami sa mga puso ng mga sumampalataya sa kanya at sumunod sa kanya ng habag at awa, kaya sila noon ay mga nagmamahalan, mga nag-aawaan sa isa't isa sa kanila. Nagpauso sila ng pagpapakalabis-labis sa relihiyon nila kaya iniwan nila ang ilan sa ipinahintulot ni Allāh para sa kanila gaya ng pag-aasawa at mga minamasarap. Hindi Siya humiling sa kanila niyon. Nag-obliga lamang sila nito sa mga sarili bilang pagpapauso mula sa kanila sa relihiyon. Humiling lamang [sa kanila] ng pagsunod sa kaluguran ni Allāh ngunit hindi nila ginawa. Nagbigay Siya sa mga sumampalataya kabilang sa kanila ng gantimpala nila. Marami sa kanila ay mga lumabas sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapasinungaling sa inihatid sa kanila ng Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 57

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَءَامِنُواْ بِرَسُولِهِۦ يُؤۡتِكُمۡ كِفۡلَيۡنِ مِن رَّحۡمَتِهِۦ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ نُورٗا تَمۡشُونَ بِهِۦ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at sumampalataya kayo sa Sugo Niya, magbibigay Siya sa inyo ng dalawang bahagi mula sa gantimpala at pabuya dahil sa pananampalataya ninyo kay Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at pananampalataya ninyo sa mga sugong nauna, maglalagay Siya para sa inyo ng isang liwanag na mapapatnubayan kayo sa pamamagitan nito sa buhay ninyong pangmundo at maliliwanagan kayo sa pamamagitan nito sa landasing tuwid sa Araw ng Pagbangon, at magpapatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo kaya magtatakip Siya sa mga ito at hindi Siya maninisi sa inyo dahil sa mga ito. Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay Mapagpatawad sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 57

لِّئَلَّا يَعۡلَمَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ أَلَّا يَقۡدِرُونَ عَلَىٰ شَيۡءٖ مِّن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَأَنَّ ٱلۡفَضۡلَ بِيَدِ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ

Naglinaw nga Kami para sa inyo ng kabutihang-loob Naming sukdulan sa pamamagitan ng inihanda Namin para sa inyo, O mga mananampalataya, na gantimpalang pinag-ibayo upang makaalam ang mga May Kasulatan na mga nauna kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano na sila ay hindi makakakaya sa anuman mula sa kabutihang-loob ni Allāh kung saan magkakaloob sila nito sa sinumang niloloob nila at magkakait sila nito sa sinumang niloloob nila. [Ito ay] upang malaman nila na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan na natatangi dito ang sinumang niloloob Niya mula sa mga lingkod Niya. info
التفاسير:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• الحق لا بد له من قوة تحميه وتنشره.
Ang katotohanan ay hindi maiiwasan na may lakas na magtatanggol dito at magpapalaganap nito. info

• بيان مكانة العدل في الشرائع السماوية.
Ang paglilinaw ng kalagayan ng katarungan sa mga batas na makalangit. info

• صلة النسب بأهل الإيمان والصلاح لا تُغْنِي شيئًا عن الإنسان ما لم يكن هو مؤمنًا.
Ang ugnayan ng kaangkanan sa mga may pananampalataya at kaayusan ay hindi magpapakinabang ng anuman para sa tao hanggat hindi siya naging isang mananampalataya. info

• بيان تحريم الابتداع في الدين.
Ang paglilinaw sa pagbabawal sa paggagawa-gawa ng katuruan sa relihiyon. info