Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na taƙaitaccen tafsirin AlƘur'ani mai girma.

Lambar shafi:close

external-link copy
29 : 11

وَيَٰقَوۡمِ لَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مَالًاۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِۚ وَمَآ أَنَا۠ بِطَارِدِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْۚ إِنَّهُم مُّلَٰقُواْ رَبِّهِمۡ وَلَٰكِنِّيٓ أَرَىٰكُمۡ قَوۡمٗا تَجۡهَلُونَ

O mga tao ko, hindi ako humihiling sa inyo dahil sa pagpapaabot ng pasugo ng isang yaman sapagkat walang iba ang pabuya ko kundi nasa kay Allāh. Ako ay hindi magpapalayo buhat sa pagtitipon ko sa mga maralita kabilang sa mga sumampalataya, na hiniling ninyo ang pagtataboy sa kanila. Tunay na sila ay makikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon, at Siya ay gaganti sa kanila dahil sa pananampalataya nila. Subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong hindi nakaiintindi sa katotohanan ng pag-aanyayang ito nang humihiling kayo ng pagtataboy sa mga mahina kabilang sa mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
30 : 11

وَيَٰقَوۡمِ مَن يَنصُرُنِي مِنَ ٱللَّهِ إِن طَرَدتُّهُمۡۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ

O mga tao ko, sino ang magtutulak palayo sa akin ng pagdurusa mula kay Allāh kung nagtaboy ako sa mga mananampalatayang ito dala ng paglabag sa katarungan, nang walang pagkakasala? Kaya hindi ba kayo nagsasaalaala at nagpupunyagi ng anumang higit na maayos para sa inyo at higit na kapaki-pakinabang? info
التفاسير:

external-link copy
31 : 11

وَلَآ أَقُولُ لَكُمۡ عِندِي خَزَآئِنُ ٱللَّهِ وَلَآ أَعۡلَمُ ٱلۡغَيۡبَ وَلَآ أَقُولُ إِنِّي مَلَكٞ وَلَآ أَقُولُ لِلَّذِينَ تَزۡدَرِيٓ أَعۡيُنُكُمۡ لَن يُؤۡتِيَهُمُ ٱللَّهُ خَيۡرًاۖ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا فِيٓ أَنفُسِهِمۡ إِنِّيٓ إِذٗا لَّمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ

Hindi ako nagsasabi sa inyo, O mga tao ko, na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh, na nasa mga ito ang panustos Niya, na gugugulin ko ang mga ito sa inyo kung sumampalataya kayo. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam sa Lingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay kabilang sa mga anghel; bagkus ako ay isang tao tulad ninyo. Hindi ako nagsasabi tungkol sa mga maralitang nilalait ng mga mata ninyo at minamaliit ninyo na hindi magbibigay sa kanila si Allāh ng isang pagtutuon ni isang kapatnubayan. Si Allāh ay higit na maalam sa mga layunin nila at mga kalagayan nila. Tunay na ako, kung nag-angkin niyon, ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan, na mga nagiging karapat-dapat sa pagdurusa mula kay Allāh." info
التفاسير:

external-link copy
32 : 11

قَالُواْ يَٰنُوحُ قَدۡ جَٰدَلۡتَنَا فَأَكۡثَرۡتَ جِدَٰلَنَا فَأۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

Nagsabi sila bilang pangyayamot at pagpapakamalaki: "O Noe, nakipag-alitan ka na sa amin at nakipagdebate ka sa amin saka nagpadalas ka sa pakikipag-alitan sa amin at pakikipagdebate sa amin kaya magdala ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin na pagdurusa kung ikaw ay kabilang sa mga tapat sa inaangkin mo." info
التفاسير:

external-link copy
33 : 11

قَالَ إِنَّمَا يَأۡتِيكُم بِهِ ٱللَّهُ إِن شَآءَ وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ

Nagsabi sa kanila si Noe: "Ako ay hindi magdadala sa inyo ng pagdurusa. Magdadala lamang sa inyo nito si Allāh kung niloob Niya, at kayo ay hindi mga makakakaya sa pagtakas sa pagdurusa mula kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng isang pagdurusa. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 11

وَلَا يَنفَعُكُمۡ نُصۡحِيٓ إِنۡ أَرَدتُّ أَنۡ أَنصَحَ لَكُمۡ إِن كَانَ ٱللَّهُ يُرِيدُ أَن يُغۡوِيَكُمۡۚ هُوَ رَبُّكُمۡ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

Hindi magpapakinabang sa inyo ang payo ko at ang pagpapaalaala ko sa inyo kung nangyaring si Allāh ay nagnanais na magligaw sa inyo palayo sa landasing matuwid at magpabigo sa inyo sa pagkapatnubay dahilan sa pagmamatigas ninyo. Siya ay ang Panginoon ninyo sapagkat Siya ang nagmamay-ari sa nauukol sa inyo kaya magliligaw Siya sa inyo kung niloob Niya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo." info
التفاسير:

external-link copy
35 : 11

أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ إِنِ ٱفۡتَرَيۡتُهُۥ فَعَلَيَّ إِجۡرَامِي وَأَنَا۠ بَرِيٓءٞ مِّمَّا تُجۡرِمُونَ

Ang kadahilanan ng kawalang-pananampalataya ng mga tao ni Noe ay na sila ay nag-aangkin na siya ay lumikha-likha laban kay Allāh nitong relihiyon na inihatid niya. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kung lumikha-likha ako nito ay sa akin lamang ang parusa sa kasalanan ko at hindi ako mananagot mula sa anuman sa kasalanan ng pagpapasinungaling ninyo sapagkat ako ay walang-kaugnayan doon." info
التفاسير:

external-link copy
36 : 11

وَأُوحِيَ إِلَىٰ نُوحٍ أَنَّهُۥ لَن يُؤۡمِنَ مِن قَوۡمِكَ إِلَّا مَن قَدۡ ءَامَنَ فَلَا تَبۡتَئِسۡ بِمَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ

Nagkasi si Allāh kay Noe: "Hindi sasampalataya kabilang sa mga tao mo, O Noe, kundi ang sinumang sumampalataya na noon pa, kaya huwag kang malungkot, O Noe, dahilan sa anumang dati nilang ginagawa na pagpapasinungaling at pangungutya sa loob ng mahabang yugtong iyon. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 11

وَٱصۡنَعِ ٱلۡفُلۡكَ بِأَعۡيُنِنَا وَوَحۡيِنَا وَلَا تُخَٰطِبۡنِي فِي ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ إِنَّهُم مُّغۡرَقُونَ

Yumari ka ng arko sa pamamagitan ng pagtingin mula sa Amin na naiingatan mula sa Amin at sa pamamagitan ng pagkasi Namin sa pagtuturo sa iyo kung papaano kang yayari nito. Huwag kang makipag-usap sa Akin, na humihiling ng pagpapalugit sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya; tunay na sila ay mga malulunod – walang pasubali – sa gunaw bilang parusa sa kanila dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya. info
التفاسير:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• عفة الداعية إلى الله وأنه يرجو منه الثواب وحده.
Ang kadalisayan ng tagapag-anyaya tungo kay Allāh at na ito ay naghahangad mula sa Kanya ng gantimpala – tanging sa Kanya. info

• حرمة طرد فقراء المؤمنين، ووجوب إكرامهم واحترامهم.
Ang pagkabawal ng pagtataboy sa mga maralita ng mga mananampalataya at ang pagkatungkulin ng pagpaparangal sa kanila at paggalang sa kanila. info

• استئثار الله تعالى وحده بعلم الغيب.
Ang pagsosolo ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa kaalaman sa Lingid. info

• مشروعية جدال الكفار ومناظرتهم.
Ang pagkaisinasabatas ng pakikipagtalo sa mga tagatangging sumampalataya at ng pakikipagdebate sa kanila. info