Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
160 : 7

وَقَطَّعۡنَٰهُمُ ٱثۡنَتَيۡ عَشۡرَةَ أَسۡبَاطًا أُمَمٗاۚ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ إِذِ ٱسۡتَسۡقَىٰهُ قَوۡمُهُۥٓ أَنِ ٱضۡرِب بِّعَصَاكَ ٱلۡحَجَرَۖ فَٱنۢبَجَسَتۡ مِنۡهُ ٱثۡنَتَا عَشۡرَةَ عَيۡنٗاۖ قَدۡ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٖ مَّشۡرَبَهُمۡۚ وَظَلَّلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلۡغَمَٰمَ وَأَنزَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلۡمَنَّ وَٱلسَّلۡوَىٰۖ كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ

Nagbaha-bahagi Kami sa mga anak ni Israel sa labindalawang lipi. Nagkasi Kami kay Moises nang humiling sa kanya ang mga tao niya na manalangin siya kay Allāh na painumin sila. [Nag-utos si Allāh sa kanya]: "Humampas ka, O Moises, ng tungkod mo sa bato." Kaya humampas doon si Moises saka may bumulwak mula roon na labindalawang bukal, ayon sa bilang ng labindalawang lipi nila. Nakaalam nga ang bawat lipi mula sa kanila ng inuman nitong nakalaan dito, kaya walang nakikilahok dito na iba pang lipi. Naglilim Kami sa kanila ng mga ulap, na umuusad sa pag-usad nila at tumitigil-tigil sa pagtigil-tigil nila. Nagpababa Kami sa kanila mula sa mga biyaya Namin ng matamis na inumin tulad ng pulut-pukyutan at ng munting ibong kaaya-aya ang karne, na nakahahawig ng pugong labuyo. Nagsabi Kami sa kanila: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo." Hindi sila nakabawas sa Amin ng anuman dahil sa naganap mula sa kanila na kawalang-katarungan, kawalan ng utang na loob sa mga biyaya, at kawalan ng pagpapahalaga sa mga ito nang totoong pagpapahalaga. Subalit sila sa mga sarili nila ay lumabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa mga bahagi ng mga ito nang naghatid sila sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahil sa nagawa nila na pagsalungat sa utos ni Allāh at pagkakaila nila sa mga biyaya Niya. info
التفاسير:

external-link copy
161 : 7

وَإِذۡ قِيلَ لَهُمُ ٱسۡكُنُواْ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةَ وَكُلُواْ مِنۡهَا حَيۡثُ شِئۡتُمۡ وَقُولُواْ حِطَّةٞ وَٱدۡخُلُواْ ٱلۡبَابَ سُجَّدٗا نَّغۡفِرۡ لَكُمۡ خَطِيٓـَٰٔتِكُمۡۚ سَنَزِيدُ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Allāh sa mga anak ni Israel: "Pumasok kayo sa Jerusalem. Kumain kayo mula sa mga bunga ng pamayanan nito mula sa alinmang pook mula rito at sa alinmang oras na niloob ninyo. Magsabi kayo: 'O Panginoon namin, mag-alis Ka sa amin ng mga kamalian namin.' Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod, na mga nagpapasailalim sa Panginoon ninyo. Kaya kung gumawa kayo niyon, magpapalampas Kami ng mga pagkakasala ninyo. Magdaragdag Kami sa mga tagagawa ng maganda ng mga mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay." info
التفاسير:

external-link copy
162 : 7

فَبَدَّلَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡهُمۡ قَوۡلًا غَيۡرَ ٱلَّذِي قِيلَ لَهُمۡ فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِجۡزٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ بِمَا كَانُواْ يَظۡلِمُونَ

Ngunit nagpaiba ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa kanila ng sinabi na ipinag-utos sa kanila sapagkat nagsabi sila: "Isang butil sa sebada," bilang pamalit sa ipinag-utos sa kanila na paghingi ng kapatawaran; at nagpaiba sila ng gawain na ipinag-utos sa kanila sapagkat pumasok sila habang gumagapang nang nakahiga sa mga likod nila sa halip ng pagpasok bilang mga nagpapasailalim kay Allāh, habang mga nagtatalukbong ng mga ulo nila. Kaya naman nagsugo sa kanila ng isang pagdurusa mula sa langit dahilan sa kawalang-katarungan nila.
info
التفاسير:

external-link copy
163 : 7

وَسۡـَٔلۡهُمۡ عَنِ ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلَّتِي كَانَتۡ حَاضِرَةَ ٱلۡبَحۡرِ إِذۡ يَعۡدُونَ فِي ٱلسَّبۡتِ إِذۡ تَأۡتِيهِمۡ حِيتَانُهُمۡ يَوۡمَ سَبۡتِهِمۡ شُرَّعٗا وَيَوۡمَ لَا يَسۡبِتُونَ لَا تَأۡتِيهِمۡۚ كَذَٰلِكَ نَبۡلُوهُم بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ

Tanungin mo, O Sugo, ang mga Hudyo bilang pagpapaalaala sa kanila hinggil sa pagparusa ni Allāh sa mga ninuno nila ayon sa kasaysayan ng pamayanan, na iyon noon ay nasa malapit sa dagat, nang sila noon ay lumampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa pangingisda sa araw ng Sabado, matapos ng pagsaway sa kanila, nang sumubok sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng pagpapunta sa kanila ng mga isda nang hayagan sa ibabaw ng dagat sa araw ng Sabado, samantalang sa ibang mga araw ay hindi naman pumupunta ang mga ito sa kanila. Sumubok si Allāh sa kanila sa pamamagitan niyon dahilan sa paglabas nila sa pagtalima at paggawa nila ng mga pagsuway. Nanggulang sila para sa pangingisda sa pamamagitan ng pagtukod nila ng mga lambat nila at paghukay nila ng hukay nila kaya naman ang mga isda ay bumabagsak roon sa araw ng Sabado, saka kapag araw ng Linggo ay kinukuha nila ang mga iyon at kinakain ang mga iyon. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• الجحود والكفران سبب في الحرمان من النعم.
Ang pagkakaila at ang kawalan ng utang na loob ay isang kadahilanan sa pagkakait ng mga biyaya. info

• من أسباب حلول العقاب ونزول العذاب التحايل على الشرع؛ لأنه ظلم وتجاوز لحدود الله.
Kabilang sa mga kadahilanan ng pagdapo ng parusa at pagbaba ng pagdurusa ay ang panggulang sa batas dahil ito ay paglabag sa katarungan at paglampas sa mga hangganan ni Allāh. info