Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
96 : 7

وَلَوۡ أَنَّ أَهۡلَ ٱلۡقُرَىٰٓ ءَامَنُواْ وَٱتَّقَوۡاْ لَفَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَرَكَٰتٖ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِن كَذَّبُواْ فَأَخَذۡنَٰهُم بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

Kung sakaling ang mga naninirahan sa mga pamayanang ito na nagsugo Kami sa mga ito ng mga sugo Namin ay naniwala sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila at nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pag-iwan sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, talaga sanang nagbukas Kami sa kanila ng mga pinto ng kabutihan mula sa bawat dako. Subalit sila ay hindi naniwala at hindi nangilag magkasala, bagkus nagpasinungaling sila sa inihatid ng mga sugo nila, kaya dumaklot Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa nang bigla dahilan sa dati nilang kinakamit na mga kasalanan at mga pagkakasala. info
التفاسير:

external-link copy
97 : 7

أَفَأَمِنَ أَهۡلُ ٱلۡقُرَىٰٓ أَن يَأۡتِيَهُم بَأۡسُنَا بَيَٰتٗا وَهُمۡ نَآئِمُونَ

Kaya natiwasay ba ang mga naninirahan sa mga pamayanang tagapasinungaling na ito na pumunta sa kanila ang parusa Namin sa gabi habang sila ay mga tulog, na mga nahihimbing sa pamamahinga nila at pananahimik nila? info
التفاسير:

external-link copy
98 : 7

أَوَأَمِنَ أَهۡلُ ٱلۡقُرَىٰٓ أَن يَأۡتِيَهُم بَأۡسُنَا ضُحٗى وَهُمۡ يَلۡعَبُونَ

Natiwasay ba sila na pumunta sa kanila ang parusa Namin sa simula ng maghapon habang sila ay mga nalilibang, na mga nalilingat dahil sa pagkaabala nila sa makamundong buhay nila? info
التفاسير:

external-link copy
99 : 7

أَفَأَمِنُواْ مَكۡرَ ٱللَّهِۚ فَلَا يَأۡمَنُ مَكۡرَ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

Tumingin kayo sa ipinagkaloob ni Allāh sa kanila na pagpapalugit at sa ibiniyaya Niya sa kanila na lakas at kaluwagan sa panustos bilang panghahalina sa kanila. Kaya natiwasay ba ang mga tagapagpasinungaling na ito kabilang sa mga pamayanang iyon sa panlalansi ni Allāh at panlalalang Niyang nakakubli? Walang natitiwasay sa panlalansi ni Allāh kundi ang mga taong napahamak. Tungkol naman sa mga naituon, tunay na sila ay nangangamba sa panlalansi Niya kaya hindi sila nalilinlang dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila. Nakakikita lamang sila sa kagandahang-loob Niya sa kanila kaya nagpapasalamat sila sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
100 : 7

أَوَلَمۡ يَهۡدِ لِلَّذِينَ يَرِثُونَ ٱلۡأَرۡضَ مِنۢ بَعۡدِ أَهۡلِهَآ أَن لَّوۡ نَشَآءُ أَصَبۡنَٰهُم بِذُنُوبِهِمۡۚ وَنَطۡبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَسۡمَعُونَ

Hindi ba luminaw para sa mga itatalagang kahalili sa lupa matapos ng pagpapahamak sa mga ninuno nila kabilang sa mga kalipunan dahilan sa mga pagkakasala ng mga iyon, pagkatapos hindi sila nagsaalang-alang sa dumapo sa mga iyon, bagkus ginawa nila ang mga gawain ng mga iyon? Hindi luminaw sa mga ito na si Allāh, kung sakaling niloob Niya na magpasakit sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila, ay talaga sanang nagpasakit Siya sa kanila dahil sa mga ito gaya ng kalakaran Niya. Nagsasara Siya sa mga puso nila kaya naman hindi napangangaralan ang mga ito ng isang pangangaral at hindi nagpapakinabang sa mga ito ang isang paalaala. info
التفاسير:

external-link copy
101 : 7

تِلۡكَ ٱلۡقُرَىٰ نَقُصُّ عَلَيۡكَ مِنۡ أَنۢبَآئِهَاۚ وَلَقَدۡ جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَمَا كَانُواْ لِيُؤۡمِنُواْ بِمَا كَذَّبُواْ مِن قَبۡلُۚ كَذَٰلِكَ يَطۡبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ ٱلۡكَٰفِرِينَ

Ang mga naunang pamayanang iyon – ang mga pamayanan ng mga lipi nina Noe, Hūd, Ṣāliḥ, Lot, at Shu`ayb – ay bumibigkas Kami sa iyo at nagpapabatid Kami sa iyo, O Sugo, ng ilan sa mga panuto ng mga iyon, ng taglay noon ng mga iyon na pagpapasinungaling at pagmamatigas, at ng dumapo sa mga iyon na kapahamakan, upang iyon ay maging isang pagsasaalang-alang para sa sinumang nagsasaalang-alang at isang pangaral para sa sinumang napangangaralan. Talaga ngang naghatid sa mga naninirahan sa mga pamayanang ito ang mga sugo nila ng mga maliwanag na patotoo sa katapatan nila, ngunit hindi sila naging ukol na sumampalataya sa sandali ng paghahatid ng mga sugo ng nauna sa kaalaman ni Allāh na sila ay magpapasinungaling. Tulad ng pagsasara ni Allāh sa mga puso ng mga naninirahan sa mga pamayanang ito, na mga tagapagpasinungaling sa mga sugo nila, magsasara si Allāh sa mga puso ng mga tagatangging sumampalataya kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kaya naman hindi sila napapatnubayan sa pananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
102 : 7

وَمَا وَجَدۡنَا لِأَكۡثَرِهِم مِّنۡ عَهۡدٖۖ وَإِن وَجَدۡنَآ أَكۡثَرَهُمۡ لَفَٰسِقِينَ

Hindi nakatagpo si Allāh sa higit na marami sa mga kalipunan, na isinugo sa mga iyon ang mga sugo, ng anumang pagtupad at pananatili sa itinagubilin Niya. Hindi Siya nakatagpo sa kanila ng pagpapaakay sa mga ipinag-uutos Niya. Nakatagpo lamang Siya sa higit na marami sa kanila na mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
103 : 7

ثُمَّ بَعَثۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِم مُّوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَظَلَمُواْ بِهَاۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِينَ

Pagkatapos nagsugo Kami, matapos ng mga sugong iyon, kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kalakip ng mga katwiran Namin at mga patunay Naming malinaw sa katapatan niya patungo kay Paraon at sa mga tao nito. Ngunit walang nangyari sa kanila maliban na nagkaila sila sa mga tandang ito at tumangging sumampalataya sa mga ito. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang kinahinatnan ni Paraon at ng mga tao nito sapagkat ipinahamak nga sila ni Allāh sa pamamagitan ng paglunod at pinasundan Niya sila ng sumpa sa Mundo at Kabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
104 : 7

وَقَالَ مُوسَىٰ يَٰفِرۡعَوۡنُ إِنِّي رَسُولٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Nagsabi si Moises noong ipinadala siya ni Allāh kay Paraon at dumating siya roon: "O Paraon, tunay na ako ay isang isinugo mula sa Tagalikha ng mga nilikha nang lahatan, Tagapagmay-ari nila, at Tagapangasiwa ng mga nauukol sa kanila." info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• الإيمان والعمل الصالح سبب لإفاضة الخيرات والبركات من السماء والأرض على الأمة.
Ang pananampalataya at ang gawang maayos ay isang kadahilanan para sa pagpapanagana ng mga mabuting bagay at mga biyaya mula sa langit at lupa sa kalipunan. info

• الصلة وثيقة بين سعة الرزق والتقوى، وإنْ أنعم الله على الكافرين فإن هذا استدراج لهم ومكر بهم.
Ang pagkakaugnay ay mahigpit sa pagitan ng lawak ng pagtustos at pangingilag sa pagkakasala. Kung nagpala si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya, tunay na ito ay isang panghahalina para sa kanila at isang panlalansi sa kanila. info

• على العبد ألا يأمن من عذاب الله المفاجئ الذي قد يأتي في أية ساعة من ليل أو نهار.
Kailangan sa isang tao na hindi matiwasay sa biglaang parusa ni Allāh, na maaaring dumating sa anumang oras ng gabi o maghapon. info

• يقص القرآن أخبار الأمم السابقة من أجل تثبيت المؤمنين وتحذير الكافرين.
Nagsasalaysay ang Qur'ān ng mga panuto mula sa mga naunang kalipunan alang-alang sa pagpapatatag sa mga mananampalataya at pagbibigay-babala sa mga tagatangging sumampalataya. info