Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
238 : 2

حَٰفِظُواْ عَلَى ٱلصَّلَوَٰتِ وَٱلصَّلَوٰةِ ٱلۡوُسۡطَىٰ وَقُومُواْ لِلَّهِ قَٰنِتِينَ

Mangalaga kayo sa mga dasal sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga ito nang lubusan gaya ng ipinag-utos ni Allāh. Mangalaga kayo sa dasal na kalagitnaan sa pagitan ng mga dasal. Ito ay ang dasal sa hapon (`aṣr). Tumayo kayo kay Allāh sa mga dasal ninyo bilang mga tumatalimang nagpapasailalim. info
التفاسير:

external-link copy
239 : 2

فَإِنۡ خِفۡتُمۡ فَرِجَالًا أَوۡ رُكۡبَانٗاۖ فَإِذَآ أَمِنتُمۡ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ كَمَا عَلَّمَكُم مَّا لَمۡ تَكُونُواْ تَعۡلَمُونَ

Kaya kung nangamba kayo sa isang kaaway o tulad nito at hindi kayo nakakaya ng pagsasagawa ng dasal nang lubusan, magdasal kayo habang mga naglalakad sa mga paa ninyo o mga nakasakay sa mga kamelyo, mga kabayo, at tulad ng mga ito, o sa alinmang paraang nakakaya ninyo. Kaya kapag naglaho ang pangamba sa inyo, umalaala kayo kay Allāh sa pamamagitan ng mga uri ng pag-alaala (dhikr). Kabilang dito ang pagdarasal ayon sa pagkaganap nito at pagkalubos nito, tulad ng pagtuturo Niya sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman na liwanag at patnubay.
info
التفاسير:

external-link copy
240 : 2

وَٱلَّذِينَ يُتَوَفَّوۡنَ مِنكُمۡ وَيَذَرُونَ أَزۡوَٰجٗا وَصِيَّةٗ لِّأَزۡوَٰجِهِم مَّتَٰعًا إِلَى ٱلۡحَوۡلِ غَيۡرَ إِخۡرَاجٖۚ فَإِنۡ خَرَجۡنَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِي مَا فَعَلۡنَ فِيٓ أَنفُسِهِنَّ مِن مَّعۡرُوفٖۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٞ

Ang mga mamamatay kabilang sa inyo at mag-iiwan sa pagkamatay nila ng mga maybahay, kailangan sa kanila na magtagubilin para sa mga ito na pagtamasain ang mga ito ng matitirahan at panggugol sa isang buong taon. Hindi magpapalisan sa kanila ang mga tagapagmana ninyo bilang pag-aaliw sa kanila dahil sa dinanas nila at bilang katapatan sa namatay; ngunit kung lumisan sila bago ng pagkakumpleto ng taon ayon sa pagkukusa ng mga sarili nila ay walang kasalanan sa inyo ni sa kanila sa anumang ginawa nila sa mga sarili nila na paggagayak at pagpapabango. Si Allāh ay Makapangyarihan: walang tagapanaig sa Kanya, Marunong sa pangangasiwa Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya. Bukod pa rito, naniwala ang mayoriya sa mga tagapaglinaw [ng Qur'ān] na ang kahatulan ng talatang ito ay pinawalang-bisa ng sabi Niya – pagkataas-taas Siya – (Qur'ān: 2:234): "Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay, mag-aantabay ang mga ito sa mga sarili ng mga ito nang apat na buwan at sampung [araw]." info
التفاسير:

external-link copy
241 : 2

وَلِلۡمُطَلَّقَٰتِ مَتَٰعُۢ بِٱلۡمَعۡرُوفِۖ حَقًّا عَلَى ٱلۡمُتَّقِينَ

Ukol sa mga babaing diniborsiyo ay isang sustento na tatamasain nila gaya ng pananamit o salapi o iba pa roon bilang pag-aaliw sa mga damdamin nilang nawasak dahil sa diborsiyo at sang-ayon sa nakabubuti na pagsasaalang-alang sa kalagayan ng asawa ayon sa kasalatan at kasaganaan. Ang kahatulang ito ay tungkuling napagtibay sa mga tagapangilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya. info
التفاسير:

external-link copy
242 : 2

كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ

Tulad ng naunang paglilinaw na iyon, naglilinaw si Allāh para sa inyo, O mga mananampalataya, ng mga tanda Niyang sumasaklaw sa mga hangganan Niya at mga kahatulan Niya, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa sa mga ito at makaalam sa mga ito kaya naman magkakamit kayo ng mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
243 : 2

۞ أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ خَرَجُواْ مِن دِيَٰرِهِمۡ وَهُمۡ أُلُوفٌ حَذَرَ ٱلۡمَوۡتِ فَقَالَ لَهُمُ ٱللَّهُ مُوتُواْ ثُمَّ أَحۡيَٰهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشۡكُرُونَ

Hindi ba nakaabot sa kaalaman mo, O Propeta, ang balita sa mga lumisan mula sa mga bahay nila habang sila ay pagkadami-dami dala ng pangamba sa kamatayan dahilan sa epidemya o iba pa rito? Sila ay isang pangkat kabilang sa mga anak ni Israel. Nagsabi sa kanila si Allāh: "Mamatay kayo," at namatay naman sila. Pagkatapos nagpanumbalik Siya sa kanila sa pagiging mga buhay upang maglinaw Siya sa kanila na ang kapakanan sa kabuuan nito ay nasa kamay Niya – kaluwalhatian sa Kanya – at na sila ay hindi nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng pakinabang ni pinsala. Tunay na si Allāh ay talagang may bigay at kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya. info
التفاسير:

external-link copy
244 : 2

وَقَٰتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

Makipaglaban kayo, O mga mananampalataya, sa mga kaaway ni Allāh bilang pag-aadya sa Relihiyon Niya at bilang pag-aangat sa Salita Niya. Alamin ninyo na si Allāh ay Madinigin sa mga sabi ninyo, Maalam sa mga layunin ninyo at mga gawa ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
245 : 2

مَّن ذَا ٱلَّذِي يُقۡرِضُ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا فَيُضَٰعِفَهُۥ لَهُۥٓ أَضۡعَافٗا كَثِيرَةٗۚ وَٱللَّهُ يَقۡبِضُ وَيَبۡصُۜطُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

Sino itong gagawa ng gawain ng tagapautang para gumugol ng yaman niya sa landas ni Allāh nang may isang magandang layunin at may isang kaluluwang kaaya-aya upang manumbalik sa kanya ng maraming ulit. Si Allāh ay nagpapasalat sa panustos, kalusugan, at iba pa, at nagpapasagana roon sa kabuuan nito sa pamamagitan ng karunungan Niya at katarungan Niya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• الحث على المحافظة على الصلاة وأدائها تامة الأركان والشروط، فإن شق عليه صلَّى على ما تيسر له من الحال.
Ang paghimok sa pangangalaga sa dasal at pagsasagawa nito nang lubusan ang mga saligan at ang mga kundisyon ngunit kung naging mabigat ito sa kanya ay magdarasal siya ng anumang magiging madali para sa kanya na kalagayan. info

• رحمة الله تعالى بعباده ظاهرة، فقد بين لهم آياته أتم بيان للإفادة منها.
Ang awa ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga lingkod Niya ay nakalantad at naglinaw nga Siya sa kanila ng mga tanda Niya nang pinakalubos na paglilinaw para makinabang mula sa mga ito. info

• أن الله تعالى قد يبتلي بعض عباده فيضيِّق عليهم الرزق، ويبتلي آخرين بسعة الرزق، وله في ذلك الحكمة البالغة.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay maaaring sumubok sa ilan sa mga lingkod Niya sapagkat nagpapakapos Siya sa kanila ng panustos at [maaaring] sumubok sa mga iba pa sa pamamagitan ng kasaganahan ng panustos. Taglay Niya kaugnay roon ang malalim na kasanhian. info