Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
17 : 2

مَثَلُهُمۡ كَمَثَلِ ٱلَّذِي ٱسۡتَوۡقَدَ نَارٗا فَلَمَّآ أَضَآءَتۡ مَا حَوۡلَهُۥ ذَهَبَ ٱللَّهُ بِنُورِهِمۡ وَتَرَكَهُمۡ فِي ظُلُمَٰتٖ لَّا يُبۡصِرُونَ

Gumawa si Allāh para sa mga mapagpaimbabaw na ito ng dalawang paghahalintulad: isang paghahalintulad na pang-apoy at isang paghahalintulad na pantubig. Tungkol sa pang-apoy na paghahalintulad sa kanila, sila ay katulad ng nagpaningas ng apoy upang ipantanglaw ito ngunit noong nagningning ang liwanag nito at nagpalagay siya na siya ay makikinabang sa tanglaw nito ay naapula naman ito. Kaya naglaho ang taglay nitong pagsinag at natira ang taglay nitong pagsunog. Nananatili sila sa mga kadiliman na hindi nakakikita ng anuman at hindi napapatnubayan sa landas. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 2

صُمُّۢ بُكۡمٌ عُمۡيٞ فَهُمۡ لَا يَرۡجِعُونَ

Sila ay mga bingi na hindi nakaririnig ng katotohanan ayon sa pagkarinig ng pagtanggap, mga pipi na hindi nakabibigkas nito, mga bulag sa pagkakita nito, kaya hindi sila bumabalik mula sa pagkaligaw nila. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 2

أَوۡ كَصَيِّبٖ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فِيهِ ظُلُمَٰتٞ وَرَعۡدٞ وَبَرۡقٞ يَجۡعَلُونَ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِم مِّنَ ٱلصَّوَٰعِقِ حَذَرَ ٱلۡمَوۡتِۚ وَٱللَّهُ مُحِيطُۢ بِٱلۡكَٰفِرِينَ

Tungkol naman sa pantubig na paghahalintulad sa kanila, sila ay katulad ng masaganang ulan mula sa mga ulap na sa loob nito ay may mga kadilimang nagkakapatung-patong, kulog, at kidlat. Bumaba ito sa mga tao at tinatamaan sila ng isang matinding pangingilabot kaya nagsimula silang magpasak sa mga tainga nila ng mga dulo ng mga daliri nila dahil sa tindi ng tunog ng mga lintik dala ng pangamba sa kamatayan. Si Allāh ay Tagasaklaw sa mga tagatangging sumampalataya; hindi sila nagpapawalang-kakayahan sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 2

يَكَادُ ٱلۡبَرۡقُ يَخۡطَفُ أَبۡصَٰرَهُمۡۖ كُلَّمَآ أَضَآءَ لَهُم مَّشَوۡاْ فِيهِ وَإِذَآ أَظۡلَمَ عَلَيۡهِمۡ قَامُواْۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَذَهَبَ بِسَمۡعِهِمۡ وَأَبۡصَٰرِهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Halos ang kidlat, dahil sa tindi ng ningning at kinang nito, ay kumuha sa mga paningin nila. Sa tuwing kumikislap ang kidlat sa kanila at tumanglaw ito ay sumusulong sila. Kapag hindi tumanglaw ito ay nananatili sila sa kadiliman sapagkat hindi nila nakayang gumalaw. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nag-alis Siya ng pandinig nila at mga paningin nila sa pamamagitan ng kakayahan Niyang sumasaklaw sa bawat bagay at hindi nanunumbalik ang mga ito sa kanila dahil sa pag-ayaw nila sa katotohanan. Ang ulan ay isang paghahalintulad para sa Qur'ān. Ang tunog ng mga lintik ay isang paghahalintulad sa taglay ng Qur'ān na mga pagsaway. Ang tanglaw ng kidlat ay isang paghahalintulad para sa paglitaw ng katotohanan sa kanila paminsan-minsan. Ang paglalagay ng pasak sa mga tainga dahil sa tindi ng mga lintik ay isang paghahalintulad sa pag-ayaw nila sa katotohanan at hindi pagtugon dito. Ang anyo ng pagkakawangis sa pagitan ng mga mapagpaimbabaw at ng mga pinatutungkulan ng dalawang paghahalintulad ay ang kawalan ng napala. Sa pang-apoy na paghahalintulad, walang napala ang nagpaningas ng apoy kundi kadiliman at pagsunog. Sa pantubig na paghahalintulad, walang napala ang mga nagnanais ng ulan kundi ang naninindak sa kanila at bumabagabag sa kanila na kidlat at kulog. Ganito ang mga mapagpaimbabaw; wala silang nakikita sa Islām kundi ang kahigpitan at ang kabagsikan. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 2

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱعۡبُدُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ

O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo lamang: walang iba pa sa Kanya, dahil Siya ang lumikha sa inyo at lumikha sa mga kalipunang nauna sa inyo, sa pag-asang maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng parusa Niya ng isang pananggalang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinaway Niya. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 2

ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ فِرَٰشٗا وَٱلسَّمَآءَ بِنَآءٗ وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ رِزۡقٗا لَّكُمۡۖ فَلَا تَجۡعَلُواْ لِلَّهِ أَندَادٗا وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

Sapagkat Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang banig na nakalatag at gumawa ng langit mula sa ibabaw nito na tinibayan ang pagkakapatayo at Siya ang Tagabiyaya sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan kaya nagpatubo Siya sa pamamagitan nito ng sarisaring bunga mula sa lupa upang maging panustos. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga katambal at mga itinutulad habang kayo ay nakaaalam na walang tagalikha kundi si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. info
التفاسير:

external-link copy
23 : 2

وَإِن كُنتُمۡ فِي رَيۡبٖ مِّمَّا نَزَّلۡنَا عَلَىٰ عَبۡدِنَا فَأۡتُواْ بِسُورَةٖ مِّن مِّثۡلِهِۦ وَٱدۡعُواْ شُهَدَآءَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Kung kayo, O mga tao, ay nasa isang pagdududa sa Qur'ān na ibinaba sa lingkod Naming si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – humahamon Kami sa inyo na sumalansang kayo rito sa pamamagitan ng paglalahad ng iisang kabanata na nakatutulad nito, kahit pa man higit na maiiksing kabanata kaysa rito. Manawagan kayo sa sinumang nakaya ninyo kabilang sa mga tagaadya ninyo kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 2

فَإِن لَّمۡ تَفۡعَلُواْ وَلَن تَفۡعَلُواْ فَٱتَّقُواْ ٱلنَّارَ ٱلَّتِي وَقُودُهَا ٱلنَّاسُ وَٱلۡحِجَارَةُۖ أُعِدَّتۡ لِلۡكَٰفِرِينَ

Ngunit kung hindi kayo nakagawa niyon – at hindi kayo makakakaya niyon magpakailanman – ay mangilag kayo sa Apoy na gagatungan ng mga taong karapat-dapat sa pagdurusa, ng mga uri ng mga bato kabilang sa sinasamba nila noon, at iba pa. Ang apoy na ito ay inihanda nga ni Allāh at inilaan para sa mga tagatangging sumampalataya. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• أن الله تعالى يخذل المنافقين في أشد أحوالهم حاجة وأكثرها شدة؛ جزاء نفاقهم وإعراضهم عن الهدى.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay mag-iiwan sa mga mapagpaimbabaw sa pinakamatindi sa mga kalagayan nila sa pangangailangan at pinakamadalas sa mga ito sa katindihan bilang ganti sa pagpapaimbabaw nila at pag-ayaw nila sa patnubay. info

• من أعظم الأدلة على وجوب إفراد الله بالعبادة أنه تعالى هو الذي خلق لنا ما في الكون وجعله مسخَّرًا لنا.
Kabilang sa pinakamabigat sa mga patunay sa pagkakailangan ng pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba ay na Siya – pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha para sa atin ng anumang nasa Sansinukob at gumawa nito bilang pinagsisilbi para sa atin. info

• عجز الخلق عن الإتيان بمثل سورة من القرآن الكريم يدل على أنه تنزيل من حكيم عليم.
Ang kawalang-kakayahan ng nilikha sa paglalahad ng tulad sa isang kabanata ng Marangal na Qur'ān ay nagpapatunay na ito ay isang pagbababa mula sa Marunong, Maalam. info