Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
96 : 12

فَلَمَّآ أَن جَآءَ ٱلۡبَشِيرُ أَلۡقَىٰهُ عَلَىٰ وَجۡهِهِۦ فَٱرۡتَدَّ بَصِيرٗاۖ قَالَ أَلَمۡ أَقُل لَّكُمۡ إِنِّيٓ أَعۡلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

Kaya noong nakarating ang tagapag-ulat ng magpapatuwa kay Jacob, ipinukol nito ang kamisa ni Jose sa mukha niya kaya siya ay naging nakakikita. Sa sandaling iyon ay nagsabi siya sa mga anak niya: "Hindi ba nagsabi ako sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam mula sa kabaitan ni Allāh at paggawa Niya ng maganda ng hindi ninyo nalalaman mismo?" info
التفاسير:

external-link copy
97 : 12

قَالُواْ يَٰٓأَبَانَا ٱسۡتَغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَآ إِنَّا كُنَّا خَٰطِـِٔينَ

Nagsabi ang mga anak niya sa ama nilang si Jacob – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na mga humihingi ng paumanhin sa ginawa nila kay Jose at sa kapatid nito: "O ama namin, humiling ka po mula kay Allāh ng kapatawaran para sa mga pagkakasala naming nauna; tunay na kami dati ay mga nagkakasala, na mga gumawa ng masagwa sa ginawa namin kay Jose at sa kapatid niyang buo." info
التفاسير:

external-link copy
98 : 12

قَالَ سَوۡفَ أَسۡتَغۡفِرُ لَكُمۡ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ

Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Hihiling ako para sa inyo ng kapatawaran mula sa Panginoon ko; tunay na Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga nagbabalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
99 : 12

فَلَمَّا دَخَلُواْ عَلَىٰ يُوسُفَ ءَاوَىٰٓ إِلَيۡهِ أَبَوَيۡهِ وَقَالَ ٱدۡخُلُواْ مِصۡرَ إِن شَآءَ ٱللَّهُ ءَامِنِينَ

Lumabas si Jacob at ang mag-anak nito mula sa lupain nito habang mga nagsasadya kay Jose sa Ehipto. Kaya noong nakapasok sila kay Jose, pinatuloy niya sa kanya ang ama niya at ang ina niya at nagsabi siya sa mga kapatid niya at mag-anak nila: "Magsipasok kayo sa Ehipto ayon sa kalooban ni Allāh, na mga natitiwasay; walang tatama sa inyo rito na pananakit." info
التفاسير:

external-link copy
100 : 12

وَرَفَعَ أَبَوَيۡهِ عَلَى ٱلۡعَرۡشِ وَخَرُّواْ لَهُۥ سُجَّدٗاۖ وَقَالَ يَٰٓأَبَتِ هَٰذَا تَأۡوِيلُ رُءۡيَٰيَ مِن قَبۡلُ قَدۡ جَعَلَهَا رَبِّي حَقّٗاۖ وَقَدۡ أَحۡسَنَ بِيٓ إِذۡ أَخۡرَجَنِي مِنَ ٱلسِّجۡنِ وَجَآءَ بِكُم مِّنَ ٱلۡبَدۡوِ مِنۢ بَعۡدِ أَن نَّزَغَ ٱلشَّيۡطَٰنُ بَيۡنِي وَبَيۡنَ إِخۡوَتِيٓۚ إِنَّ رَبِّي لَطِيفٞ لِّمَا يَشَآءُۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ

Nagpaupo si Yusuf sa mga magulang niya sa supa na inuupuan niya at bumati sa kanya ang mga magulang niya at ang mga kapatid niyang labing-isa sa pamamagitan ng pagpapatirapa. Ito ay isang pagpapatirapa ng pagpaparangal, hindi ng isang pagsamba, bilang pagsasakatotohanan sa utos ni Allāh gaya ng sa mga panaginip. Dahil dito, nagsabi si Yusuf – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ama niya: "Ang pagbating ito sa pamamagitan ng pagpapatirapa sa akin mula sa inyo ay ang pagpapakahulugan sa panaginip kong nakita ko bago pa niyan at isinalaysay ko sa iyo. Ginawa ngang totoo ito ng Panginoon ko dahil sa pagkaganap nito. Gumawa nga ng maganda sa akin ang Panginoon ko nang nagpalabas Siya sa akin mula sa pagkabilanggo at nang naghatid Siya sa inyo mula sa ilang nang matapos na nanggulo ang demonyo sa pagitan ko at ng mga kapatid ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mabait sa pangangasiwa Niya sa anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay ang Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, ang Marunong sa pangangasiwa Niya."
info
التفاسير:

external-link copy
101 : 12

۞ رَبِّ قَدۡ ءَاتَيۡتَنِي مِنَ ٱلۡمُلۡكِ وَعَلَّمۡتَنِي مِن تَأۡوِيلِ ٱلۡأَحَادِيثِۚ فَاطِرَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ أَنتَ وَلِيِّۦ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۖ تَوَفَّنِي مُسۡلِمٗا وَأَلۡحِقۡنِي بِٱلصَّٰلِحِينَ

Pagkatapos dumalangin si Jose sa Panginoon niya saka nagsabi: "O Panginoon ko, nagbigay Ka nga sa akin ng paghahari sa Ehipto at nagturo Ka sa akin ng pagpapahayag ng mga panaginip. O Tagalikha ng mga langit at lupa at Tagapagpasimula ng mga ito nang walang naunang pagkakatulad, Ikaw ay ang tumatangkilik sa lahat ng mga nauukol sa akin sa buhay na pangmundo at ang tumatangkilik sa lahat ng mga ito sa Kabilang-buhay. Kunin Mo ako sa sandali ng pagwawakas ng taning ko bilang Muslim at isama Mo ako sa mga propetang maayos kabilang sa mga ninuno ko at iba pa sa kanila sa Kataas-taasang Firdaws ng Paraiso." info
التفاسير:

external-link copy
102 : 12

ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهِ إِلَيۡكَۖ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ أَجۡمَعُوٓاْ أَمۡرَهُمۡ وَهُمۡ يَمۡكُرُونَ

Ang nabanggit na iyon mula sa kasaysayan ni Jose at ng mga kapatid niya ay ikinakasi Namin sa iyo, O Sugo. Hindi ka nagkaroon ng kaalaman doon yayamang hindi ka noon naroon sa piling ng mga kapatid ni Jose nang nagpasya sila ng pagtapon sa kanya sa kailaliman ng balon at nagpakana sila ng ipinakana nilang panlalalang, subalit Kami ay nagkasi sa iyo niyon. info
التفاسير:

external-link copy
103 : 12

وَمَآ أَكۡثَرُ ٱلنَّاسِ وَلَوۡ حَرَصۡتَ بِمُؤۡمِنِينَ

Ang higit na marami sa mga tao ay hindi mga mananampalataya, kahit pa man nagkaloob ka, O Sugo, ng buong pagsisikap upang sumampalataya sila. Kaya huwag masawi ang sarili mo para sa kanila dahil sa mga panghihinayang. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• بر الوالدين وتبجيلهما وتكريمهما واجب، ومن ذلك المسارعة بالبشارة لهما فيما يدخل السرور عليهما.
Ang pagpapakabuti sa mga magulang, ang pagpapakundangan sa kanila, at ang pagpaparangal sa kanila ay isang tungkulin. Bahagi niyon ang pagdadali-dali sa pagbabalita sa kanila ng nagdudulot ng galak sa kanila. info

• التحذير من نزغ الشيطان، ومن الذي يسعى بالوقيعة بين الأحباب؛ ليفرق بينهم.
Ang pagbibigay-babala laban sa udyok ng demonyo at laban sa sinumang nagpupunyagi sa pagkaganap nito sa pagitan ng mga minamahal upang magpawatak-watak sa pagitan nila. info

• مهما ارتفع العبد في دينه أو دنياه فإنَّ ذلك كله مرجعه إلى تفضّل الله تعالى وإنعامه عليه.
Gaano man umangat ang tao sa relihiyon niya at makamundong buhay niya, tunay na iyon sa kabuuan niyon ay bumabalik sa pagmamagandang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at pagbibiyaya Nito sa kanya. info

• سؤال الله حسن الخاتمة والسلامة والفوز يوم القيامة والالتحاق برفقة الصالحين في الجنان.
Ang paghingi kay Allāh ng kagandahan ng pagwawakas [ng buhay], kaligtasan, pananagumpay sa Araw ng Pagbangon, at pagkakasama sa kapisanan ng mga matuwid sa Paraiso. info

• من فضل الله تعالى أنه يُطْلع أنبياءه على بعض من أمور الغيب لغايات وحكم.
Bahagi ng kagandahang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay nagpabatid sa mga propeta Niya ng ilan sa mga nauukol sa Lingid dahil sa mga layunin at mga kasanhian. info